Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MATH Excellence Academy of Binalonan, Inc.

Canarvacanan, Binalonan, Pangasinan

ACADEMIC HANDOUTS
ARALING PANLIPUNAN 10
Quarter 4, Week 1

Most Essential Learning Competency


1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Topic/Lesson: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN

Ang salitang “pagkamamamayan” ay isang dinamikong proseso na kinapapalooban ng lupon ng


mga karapatan lalo’t higit ang pagsasakatuparan ng mga tungkuling iniatas sa bawat
mamamayan.

May tatlong uri ng ideyal na mamamayan:


1. Mamamayang responsible sa kapakanang pantao
2. Mamamayang aktibong nakikilahok, at
3. Mamamayang may paninindigan sa katarungan

Ang mamamayang responsible sa kapakanang-pantao…


- Ay yaong mga mamamayan na nakikiisa sa pagkilos at pagmamamalasakit sa kanyang
pamayanan, naghahanapbuhay at nagbabayag ng buwis, sumusunod sa batas, at
tumutulong sa mga nangangailangan particular sa panahon ng krisis at kalamidad, nag-
aambag ng mga material na bagay, at nagboboluntaryo na tumulong sa maralita. Siya ay
nakatutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang oras at/o salapi.

Ang mga Mamamayang aktibong nakikilahok


- Masasalamin sa ikalawang uri ng mamamayan ang katangian ng isang mabuting
mamamayan sa kanyang aktibong pakikibahagi sa iba’t ibang gawaing pansibiko at sa
mga proyekto pampamayanan mula sa lokal hanggang pambansang batas.

Ang mga Mamamayang may paninindigan sa katarungan


- Samantalang ang mamamayang may paninidigan sa katarungan ay nagtataglay ng
kamalayang pangkatarungan ay mapanuring nakapagtataya ng mga istrukturang
panlipunan, pampolitika, pang-ekonomiya, at isinasaalng-alang ang mga kolektibong
pamamaraan upang matugunan ang mga sanhi ng mga suliraning panlipunan.

ANG KONSEPTO NG PAGKAMAMAYAN SA PAGLIPAS NG PANAHON


Mauugat sa panahon ng sinaunang Gresya ang pag-usbong ng konsepto ng pagkamamamayan.
Ito ay isinilang mula sa kanilang pagkilala sa kahalagaan ng Kalayaan. Ang malawakang
paglaganap ng mga pang-aalipin ang nagtaguyod ng kamalayan sa mga Griyego sa kahalagahan
at kabuluhan ng Kalayaan. Ito rin ang naging sandigan nila upang makibaka at makidigma sa
mga mananakop dahil ang kanilang pagkatalo at pagkabigo sa pakikidigma ay nangangahulugan
ng kanilang pagkaalipin.

ANG PAGKAMAMAMAYAN SA POLIS


• Ay tumutukoy sa pagkabigkis ng mga tao sa kanyang lungsod-estado. Bago lumaganap
ang konseptong ito, ang mga tao ay nagbibigkis sa kani-knailang tribo o kamag-anakan
lamang. Sa paglipas ng panahon, ang konseptong ito ay lumawak dahil ang
pagkakabuklod ay naging higit sa kanilang tribong kinabibilangan o kamg-anakan kundi
napabilang din ito ang mga taong hindi kamag-anak o kabilang sa kanilang estado.
• Ang kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Griyego ay batay sa antas ng kanyang
pagkamamamayan. Ang mga kinilalang mamamayan sa lungsod-estado, ay batay sa dugo
ng kanyang mga magulang at lugar na sinilangan, ay nagtataglay ng mataas na antas ng
kalagayang panlipunan kaysa sa mga itinuring na hindi nagtataglay ng pagkamamamayan
tulad ng mga kababaihan, alipin, at barbaro. Ilang mga batayan sa pagtukoy kung ang
isang tao ay mamamayan o hindi mamamayan ay sa taglay na yaman, sa laki ng halaga
ng buwis na kanyang binabayaran, o kung ang kanyang mga magulang ay isinilang sa
loob ng lungsod-estado.

ANG PAGMAMAMAYANG SPARTAN


• Ay batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa hanay ng mga kalalakihan ng Sparta
na tinatawag ng Spartiates. Sila ang tinatawag na “ganap na mamamayang Spartan”dahil
sila ang may pinakamataas na tungkulin sa lungso-estado, ang ipagtanggol ito sa
anumang banta ng pananakop. Ang Spartiates ay sumasailalim sa matinding pagsasanay
at sa gulang ng 30, sila ay nakakatanggap ng lupain na kung tawagin ay kleros.
Samantala, ang kaaraniwang mamamayang Spartan ay nagmamay-ari ng maliit na lupain
na nakatutugon sa kanilang pangangailangan.

ANG PAGKAMAMAMAYANG ATHENIAN


• Ay isinilang sa kanilang pagnanais na mapangalagaan ang Kalayaan.
• Sa pagkamamamayang Athenian, higit na binibigyang-pansin ang kanilang mga
gampanin o obligasyon sa lungsod-estado kaysa sa mga karapatang ipinagkaloob sa
kanila. Itinuturing na pinagmumulan ng karangalan at paggalang ang pagtupad sa
kanilang mga tungkulin sa lungsod-estado. Ang kanilang konsepto ng pagkamamamayan
ay may pagkilala sa namumumo (ruler) at pinamumunuan (ruled).

ANG PAGKAMAMAMAYAN NG SINAUNANG ROMA


• Mababakas sa konsepto ng pagkamamamayan sa sinaunang Roma ang tunggalian ng
uring patrician at uring plebeian. Ang tunggalian ay inilarawan bilang tunggalian ng
dignidad ng mga dakilang tao (patrician) at libertad o Kalayaan ng maliliit na tao
(plebeian). Ang pagkamamamayan ng mga patrician ay nilalarawan bilang aktibong
impluwenisya sa buhay ng publiko; samantalang ang mga plebeian ay tungkol sa
paggalang sa kanilang mga pribadong Karapatan.

ANG PAGKAMAMAMAYAN NG MEDIEVAL PERIOD
• Sa gitnang panahon, maliban sa kristiyanismo, ang konsepto ng pagkamamamayan ay
nauugnay sa pakikibahagi ng mga tao sa mga gawaing komersiyal o pang-ekonomiya.
Ang pagtamasa ng mga pribelehiyo ang mga nabibilang sa nobilidad kaysa sa mga
karaniwang mamamayan. Samantalang ang tungkulin ng mga mamamayan ay nauugnay
sa katangian ng mga gawaing kalakip ng kalagayang panlipunang kanilang
kinabibilangan.

ANG PAGKAMAMAMAYAN NG PIYUDALISMO


• Mababakas sa piyudalismo, particular na sa ugnayan ng mga pag-uuring panlipunan,
umiiral dito (tulad ng panginoong maylupa/land lord, pesante) ang pagtupad sa tungkulin
at paglilingkod na inilarawan bilang bahagi ng sinaunang konsepto ng
pagkamamamayan. Sa sistemang piyudal noong Gitnang Panahon, ang katapatan ng tao
sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin ay wla sa hari o nasyon, ito kanyang
ipinagkakaloob sa uring mas mataas sa kanya. Sa kaso ng mga pesante, ito ay sa kanyang
panginoong maylupa o land lord.
• Ang pag-usbong ng mga lungsod, pagsilang ng grupong bourgeoisie at pag-iral ng
merkantilismo, ang nagpanumbalik sa kapangyarihan ng mga monarko dahil sa mga
kitang kanyang tinatanggap mula rito. Dahil dito, ang katapatan ng mga tao nanumbalik
sa monarko dahil sa kanyang kakayahan na nabigyan ng proteksiyon ang mga tao. Sa
sinaunang lungsod ng Europa, ang mga tao ay nabibigyan ng pagkakataong maging
mamamayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga samahan pangkalakalan o merchat
guild at maglingkod sa isang sangguniangbayan o town council.
ANG PAGKAMAMAMAYAN NG RENNAISANCE PERIOD
• Sa pagpasok ng panahon ng Rennaisance, ang itinuturing ng makabuluhang kaganapan
kaugnay sa pagkamamamayan ay ang tao bilang tagasunod ng lungsod na kanyang
pinananahan tungo tungo sa katapatan sa nasyon-estado. Samantala, sa panahon ng pag-
usbong ng nasyon-estado, ang territorya ng nasyon ay ang kanyang mga nasasakupang
lupain at ang konsepto ng pagkamamamayan sa mga lupaing piyudal tungo sa kanyang
pagkakaugnay sa kanyang nasyon-estado.

ANG PANAHON NG REBOLUSYONG AMERIKANO


• Ang panahon ng rebolusyong Amerikano laban sa mananakop ng British ay ang panahon
kung saan nangingibabaw ang pagkamamamayang Amerikano. Ang deklarasyon ng mga
karapatan ng mga Ameirkano ay nauugnay sa paghahangad ng soberanya o Kalayaan sa
pamamahala sa sariling nasasakupan.

ANG PANAHON NG REBOLUSYONG PRANSES


• Bago maganap ang rebolusyong Pranses, ang paghahari ng iilang grupo sa lipunang
Pranses tulad ng mga uring nabibilang sa aristokrasya at nobilidad kasama ang mga
monarko ang nagpahina sa pag-iral ng pagkamamamayan. Sila ang humadlang sa
pakikibahagi ng mga mamamayan sa mga gawaing political at nagpahintulot sa iilang tao
na manatili sa kapangyarihan.

Prepared by:

MHAR RYAN F. LOBO, JR.

References:
A. Books : Jodi Mylene M. Lopez. Everlida Diala-Jimenez, Hermes P. Vargas, Alfredo A.
Lozanta, Jr. 2018. KRONIKA: Mga Kontemporaneong Isyu. Antonio Arnaiz cor. Chino Roces
Avenues, Makati City, Philippines. Don Bosco Press, Inc.

You might also like