Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SARILING ALAMAT

ANG ALAMAT NG PUNO NG NIYOG

May isang pamilya na napakayaman na nakatira sa malaking hacienda sa probinsya. Ang pamilyang
Reyes ay matulungin at mababait. Hindi sila sakim sa kanilang kayamanan kaya't sila ay namamahagi ng
kung ano ano sa mga taong alam nilang walang pangkain sa pang araw-araw. Sila ay lima sa isang
pamilya. Ang mag-asawa ay nagmamahala ng kanilang negosyo at sila ay may tatlong magagandang
dalaga na nag-aaral at tumutulong sa negosyo. Taun-taon ay may ginaganap na charity event ang
pamilya na nagbibigay saya sa mga taong nangangailangan. Lahat ay nagtipon-tipon upang pag-usapan
ang tema ng okasyong ito. Sila ay nagbigay ng mga ideya kung paano maging nakakaaliw at masaya ang
okasyon na gaganapin. Sa paghahanda ng kanilang okasyon para bukas ay may humadlang sa
pagkakataong ito. Ang mga kaaway ng pamilyang Reyes ay nakarinig ng balita na magkakaroon na
naman ng okasyon para sa bayan. Sila ay napaisip na sugurin ang mga ito upang matigil na ang akala
nilang pagmamalinis ng mga Reyes at itigil ang pagiging malapit sa mamamayan sa kanilang lugar.
Kailangan nila pigilan ang mga Reyes para sila naman ang maghari sa kanilang lugar. Kinabukasan
habang nag-hahapunan ang pamilyang Reyes, biglaang may pumasok na tila yatang may balak na
masamang gawin sa pamilya. Mga armadong lalaki na nakapasok dahil may koneksyon sa loob ng
kanilang hacienda. Nagmakaawa ang pamilya at tinanong kung ano ang kanilang nagawa. Sumagot ang
isang armadong lalaki, 'Itigil ninyo ang okasyon na inyong gaganapin ninyo mamaya'. Sumagot naman
ang ama, 'Bakit namin ito ititigil, ito naman ay makakatulong sa mga mahihirap. Wala naman kaming
tinatapakan na tao, nais lang naming tumulong sa nakararami.'' Nagpatuloy ang diskusyon ngunit
talagang ayaw ipatigil ng pamilya ang nasabing okasyon. Ang mga armadong mga lalaki ay inutusan na
tapusin ang buhay ng pamilya at ilibing sa kanilang bakuran sa hacienda. Agad namang ginawa ito ng
mga lalaki at nagpatuloy sa kanilang buhay. Hindi natuloy ang okasyon dahil sa malungkot na
pangyayari. Ang lahat ay nanlumo sa naging kapalaran ng pamilyang Reyes. Sila ay naghahangad ng
mabuti para sa kanilang kababayang nangangailangan, ngunit ganito ang naging kapalaran. Ang mga tao
ay nagtipom sa kanilang hacienda upang ipagdasal ang pamilya at umaasang makamit ang hustisya.
Makalipas ang ilang taon, ang pamilya ay hindi parin nawawala sa isipan ng mga taong nakatira sa
kanilang bayan. Isang araw may isang grupo ng mga binata't dalaga na nais pasukin ang abandonadong
hacienda ng Reyes. Sila ay interesado dahil sa mga haka-hakang kwento na nagkalat sa kanilang lugar, na
ang pamilya raw ay pagala-gala at hindi matahimik ang kaluluwa dahil sa nangyari. Habang ang mga bata
ay naglilibot sa hacienda, may napansin silang limang kakaibang puno na mataas at maraming bunga.
Tinawag nila ang kanilang mga magulang upang ipaalam ang kakaibang punong ito. Ang puno ay may
silbi, mapaugat hanggang sa dahon at bunga. Tinawag nila itong puno ng niyog. Ang mga tao ay
namangha dahil kahit sila ay wala na, sila ay hindi nakalilimot magbigay sa mga taong nangangailangan.
Kumalat ang pangyayaring ito na siyang dahilan ng pagkakakilanlan ng punong ito.

You might also like