Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Earth Day 2021: PINASulong Online

By: Ernest John N. Gabonada

Patuloy na lumalaban ang mundo sa pandemyang kinakaharap natin. Bawat


mamamayan ay nakatuon sa pangangalaga ng kalusugan at pagpupuksa nitong
nakahahawang sakit.

Ngunit, kumusta na kaya ang kalagayan ng ating kalikasan at kapaligiran?

Ayon nga sa kantang ‘Masdan Mo Ang Kapaligiran’:


Ang mga batang ngayon lang isinilang,
may hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?”

Tunay ngang malaking hamon ang pangangalaga ng kalikasan lalo na’t may
krisis tayong kinakaharap. Ang bawat mamamayan ay nararapat na makiisa, maging
ang komunidad, sa pangangalaga at pagsasaayos nito.

Subalit, paano ito makakamit kung nasa gitna tayo ng pandemya? Ang face-to-
face at social gathering ay ipinagbabawal saan mang dako ng bansa. Ang mga
aktibidad tulad na lamang ng pagtatanim ng puno at seminar, na sadyang
napakahalaga sa pagpapalawak ng ating kaalaman at kamalayan sa kalikasan ay
hindi na rin naisasagawa.

Datapwat, ginugunita pa rin ng buong mundo ang ‘Earth Day,’ na may layong
maibalik ang dating malinis at malusog na daigdig tuwing sasapit ang ika-22 ng Abril.
Kaya, bilang paggunita sa taunang selebrasyon, inaanyayahan ang lahat na maging
bahagi ng ‘Earth Day 2021.’ Ang selebrasyon sa taong ito ay may temang,
“PINASiglang Mundo” na itinatag ng: Climate Change Commission PH, Department
of Finance, DepEd Philippines, Department of Environment and Natural Resources
(DENR), Loren Legarda, at The Climate Reality Project Philippines sa kolaborasyon
ng Break Free from Plastic Philippines coalition, DTI Philippines, DILG Philippines,
Local Government Academy, Union of Local Authorities of the Philippines, British
Embassy Manila, League of Cities of the Philippines, at The Philippine Center for
Environmental Protection and Sustainable Development, Inc.

Gayunpaman, hindi ito tulad ng mga nakaraang pagdiriwang dahil tuluyan nitong
niyakap ang new normal at inabante online.

Magkakaroon ito ng isang araw na Earth Day Webcast na magaganap sa ika-22


ng Abril. Nakapaloob dito ang samu’t saring aktibidad tulad ng: Jam for Earth: Live
Session, My Earth Day Pledge, Climate Change Education, Stories for a Better
Normal: Perspectives from Legislators and Policy Makers, Manifesto of Commitment
from Local Chief Executives, Road to COP26: PH-UK Towards a Plastic Free
Future, A Plastic-Free World: A Global Movement, #WalangPlastikan Challenge,
Pledges from the Business Sector and Civil Society, at Community Stories of
Sustainability.
Mayroon ding magaganap na tatlong araw na virtual interactive celebration na
magsisimula sa ika-20 ng Abril. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng Facebook live.
Sa unang araw, ito ay ukol sa pakikilahok ng mga bata at kabataan sa pagsagawa
ng aksyon para sa klima. Sa susunod naman na araw, magaganap ang isang panel
discussion tungkol sa pagtatanggal ng single-use plastics sa mga paaralan. Isang
solidarity message at paglunsad ng climate change knowledge materials ang
isasagawa sa huling araw ng aktibidad na mismong gaganapin sa ika-22 ng Abril,
2021 upang kumpletuhin ang tatlong araw na pagdiriwang.

Nais himukin ng pagdiriwang na ito ang bawat mamamayan na itaguyod ang


sustainable consumption and production at pagbabawal sa paggamit ng single-use
plastics upang mapabilis ang panunumbalik ng ecosystem sa bansa.

Samakatuwid, ang kalikasan at teknolohiya ay nag-aalok na ng solusyon. Bilang


kapalit, ipakita natin ang ating aktibong partisipasyon na may mithiing pangalagaan
at protektahan ang ating kalikasan para sa susunod na henerasyon.

You might also like