BUDIONGAN Fil4 Ibat Ibang Uri NG Pangungusap FINAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL

(LEARNING ACTIVITY SHEET)


FILIPINO 4
Ikaapat na Markahan: Ika-apat na Linggo

ARALIN 1: Nagagamit sa panayam ang iba’t ibang uri ng pangungusap

PAMAGAT: Tara, Usap Tayo!

PANIMULA:

Mahilig ka bang magtanong o makipag-usap sa ibang tao? Bakit tayo


nagtatanong o nakikipag-usap sa iba? Marahil gusto mong makakuha ng mga
impormasyon at matuto ng mga makabago at iba’t-ibang makabuluhang
kaalaman. Kung ikaw ay mahilig magtanong at maghanap ng impormasyon,
ibig sabihin may kasanayan ka sa pakikipanayam. Alam mo ba, sa isang
panayam, gumagamit tayo ng iba’t-ibang uri ng pangungusap. Nakatutulong ito
upang maging maayos at lubos na mauunawaan ang mga paksa o ideya na
gusto nating ilahad o ipahiwatig sa ating kinakausap.

(FILIPINO 4 MELC, QUARTER 4 WEEK 4)

1. Nagagamit sa panayam ang iba’t ibang uri ng pangungusap


F4WG-IVd-h-13.4

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap sa talata at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang titik ng tamang sa sagutang papel.

1
1. May dalawang pangungusap na patanong sa talata. Nasa aling bilang
matatagpuan ang mga pangungusap na ito?
A. 1 at 4 B. 2 at 6 C. 5 at 7 D. 1 at 3
2. May dalawang pangungusap na pautos o pakiusap sa talata. Nasa aling
bilang ang mga ito?
A. 1 at 4 B. 2 at 7 C. 5 at 6 D. 1 at 7
Para sa Bilang 3-5 – Sumulat ng tatlong (3) katanungan kung sakaling nais
mong kapanayamin ang iyong ina tungkol sa kaniyang kahusayan
sa pag-aalaga sa iyo bilang anak. Hingin ang kanyang sagot sa
iyong mga tanong. Isulat ang iyong tanong at ang naging sagot sa
iyong sagutang papel.
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang PS kung pasalaysay, PT
kung patanong, PU kung pautos at PD kung padamdam.
_________ 6. Nakaligtas ang mamamayan sa hagupit ng bagyo.
_________ 7. Aha! Ikaw pala ang salarin ng pagkawala ng hayop sa bukid.
_________ 8. Magrebyu ka ng mga leksyon mo araw-araw.
_________ 9. Sila ba ang kalahok sa paligsahan mamaya?
_________ 10. Mabilis tumakbo ang bata dahil sa takot nito.

Alam mo ba kung paano makipag-usap o makipanayam sa ibang tao? Sa


puntong ito may babasahin tayong pag-uusap o diyalogo ng dalawang
magkakapatid tungkol sa pakikipanayam. Handa ka na ba?

Halimbawa ng Panayam:
Lito: Hoy, Rudy, tumawag ang Embahada ng Amerika! Ikaw ay nakatakdang
kapanayamin sa susunod na Martes.
Rudy: Isang pakikipanayam? Ano iyon, Kuya? Mahalaga ba yon?
Lito: Oo, Mahalaga ito. Ang panayam ay isang paraan kung saan tatanungin
ka tungkol sa iyong aplikasyon.
Rudy: Na interbyu ka na rin ba?
Lito: Maraming ulit na. Ang mga tao ay kinakapanayam sa iba’t-ibang
kadahilanan. Kinapanayam ako noong mag-aplay ako sa trabaho.
Nakatulong ito sa aking tagapamahala upang malaman kung ako ay
nararapat o hindi para sa gawaing nakalaan.
2
Rudy: Iyan pala ang dahilan kung bakit ka nakakuha ng magandang
trabaho. Dapat ko palang paghandaan ang panayam na ito. Ayaw kong
mapahindian ang kahilingan kong magkaroon ng visa.
Lito: Oo, dapat lamang. Kung talagang nais mong makakuha ng visa.
Rudy: Maaari mo ba akong tulungan, Kuya?
Lito: Syempre naman, ikaw pa. Malakas ka kaya kay kuya.

Sagutin mo!

1. Sino ang nag-uusap sa diyalogo?


2. Ano ang paksa ng kanilang usapan?
3. Ano daw ang pakikipanayam?
4. Mayroon bang ginamit na mga uri ng mga pangungusap? Ano-ano ang mga
ito?

Panayam
Ang panayam ay ang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
tao (ang tagapakinayam at ang kinkapanayam) kung saan ang mga katanungan
ay nanggagaling sa tagapakinayam (interviewer) upang makakuha ng
impormasyon mula sa kinakapanayam (interviewee) o ang kinakausap na tao.
Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung may nais na
matukoy sa particular na bagay, pangyayari at iba pa.
Ang pakikipanayam ay isinasagawa para sa iba’t ibang kadahilanan. Ang
pinakakaraniwang uri ng panayam ay ang pamimiling panayam. Ang uri na ito
ay ginagamit para sa pagpili, pag-upa at pagbibigay-trabaho sa mga aplikante,
kawani at mga kasapi ng isang organisasyon. Ang isang tao ay maaari ring
makapanayam para sa isang trabaho, maging sa paghiling ng visa upang
makapaglakbay sa ibang bansa. Sa mga panayam para sa trabaho, ikaw ay
pipili batay sa iyong kakayahan at pangangailangan ng kompanya.
Sa ating pakikipanayam, nagagamit natin ang iba’t ibang uri ng mga
pangungusap tulad ng mga sumusunod:
Mga Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay pangungusap na ginagamit sa paglalarawan, pagkukuwento,
pagsasabi at pagsasalaysay ng isang pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking
letra at nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa: Madali lang ang ating gagawin para tayo ay maligtas sa
sakuna.
3
2. Patanong
Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong. Nangangailangan ito
ng kasagutan. Nagsisimula ito sa malaking letra at nagtatapos sa bantas na
tandang pananong (?).
Halimbawa: Napanood mo ba ang balita tungkol sa virus?
3. Pautos
Ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagsisimula sa malaking letra at
nagtatapos din sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa: Sundin natin ang mga babala na pinatutupad.
4. Pakiusap
Ito ay pangungusap na nakikisuyo o nakikiusap. Gumagamit ito ng
salitang “paki” “puwede” at “maaari”. Nagsisimula sa malaking letra at
nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa: Paki abot naman ng aking aklat.
5. Padamdam
Ito ang tawag sa uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin tulad ng takot, tuwa, gulat at iba pa. nagsisimula sa malaking letra
at ginagamitan ng tandang padamdam (!). Ito ay maaaring isang salita lamang o
ekspresyon na maaaring maunawaan agad.
Halimbawa: Naku! Mukhang malala ang epekto ng virus sa ating bansa.

GAWAIN 1:
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang PS kung
pasalaysay, PT kung patanong, PU kung pautos at PD kung
padamdam.
_________ 1. Gumising ka nang maaga para hindi ka mahuli sa klase.
_________ 2. Aba, ikaw na ang nasusunod sa pamamahay na ito!
_________ 3. May lumabas na lava sa bunganga ng bulkan.
_________ 4. Natatakot ba ang lahat sa pagputok ng bulkan?
_________ 5. Lumikas na kayo hanggat maaga pa.

4
GAWAIN 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat aytem. Tukuyin
kung anong uri ng pangungusap ang ginamit. Isulat kung ito ba ay
Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong at Padamdam at lagyan ng
tamang bantas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______________ 1. Dito tayo sasakay ng dyip ______
______________ 2. Dadaan po ba kayo ng palenke ______
______________ 3. Hoy, bawal sumingit sa pili _______
______________ 4. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay ______
______________ 5. Kunin mo ang sukli ______

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang titik na angkop sa
hinihinging uri ng pangungusap sa bawat bilang.
1. Maayos na paghugas ng kamay (Pasalaysay)

A. Ate, dalawampung segundo daw ang maayos na paghuhugas ng mga kamay.


B. Ate, bilis! Maghugas ka na ng mga kamay mo.
C. Ate, pakihugasan ang mga kamay ng iyong anak.
D. Ate, paano ba ang tamang paghuhugas ng mga kamay?

2. Kahalagahan ng pagsuot ng face mask (Patanong)

A. Mahalaga na magsuot tayo palagi ng face mask.


B. Bakit mahalaga ang pagsusuot ng face mask tuwing tayo ay lalabas?
C. Maghugas ka ng kamay bago at pagkatapos kumain.
D. Naku! Bakit wala kang face mask.

3. Ipinagbawal ang face to face na pagtuturo (Pautos)

A. “Walang face to face habang walang vaccine”, wika ng pangulo.


B. Sayang! Walang face to face na pagtuturo.
C. Magustuhan kaya ng mga magulang na walang face to face?
D. Ipaalam ninyo sa lahat na walang face to face na pagtututo.

4. Pagpapanatili sa loob ng bahay (Pasalaysay)

A. Pinababagal nito ang pagkalat ng COVID-19 kaya manatili lamang sa bahay.


B. Paano ang kanilang hanapbuhay ngayon?
C. Wow! May internet na kami sa bahay, ang saya.
D. Huwag kayong lumabas ng bahay dahil delikadong mahawa ng virus.

5
5. Natatakot sa pandemya (Padamdam)

A. Hala! Araw-araw ay may bagong kaso ng COVID-19.


B. Marami ang namatay na Pilipino sa sakit na COVID-19
C. Ilan nga ba sa buong mundo ang apektado ng virus na ito?
D. Sundin ang mga paalala ng gobyerno upang hindi tayo mahawa ng
COVID-19.

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa loob ng kahon. Maghanap ng


limang uri ng panungusap na ginamit sa panayam. Kopyahin ang
pahayag at sabihin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit.

Pulis: Kumusta Ale, napano po kayo?


Aling Lea: Tulungan nyo po ako sir! Kinuha po ng lalaki ang bag ko!
Pulis: Sige, ikuwento nyo po ano ang pangyayari.
Aling Lea: Naglalakad po ako pauwi ng bahay nang biglang may lumapit sa
akin at pilit na kinukuha ang bag ko.
Pulis: Maaari mo bang ilarawan ang suspek na umagaw ng inyong bag
kanina?
Aling Lea: Maitim po siya. Malamang na limang talampakan ang taas at
mayroong pilat sa mukha.
Pulis: Salamat sa impormasyon, Ale. Huwag kang mag-alala, hahanapin
namin ang taong ito sa abot ng aming makakaya at nang maibalik din
ang inyong gamit.
Aling Lea: Maraming Salamat po Mamang Pulis.

6. _________________________________________________________________
7. _________________________________________________________________
8. _________________________________________________________________
9. _________________________________________________________________
10. ________________________________________________________________

6
7
EPS-Filipino Teacher II – SEAG Elem. School
IRENE G. AJOC SHEILAH MARIE A. BUDIONGAN
Sinuri ni: Inihanda ni:
https://www.youtube.com/watch?v=FFyAZz4HfL4
https://www.youtube.com/watch?v=y8zMqRKmWQ0
https://www.youtube.com/watch?v=5pXiUkDiQeg
https://www.youtube.com/watch?v=0bK_6Z6Pj2Y
Panimulang Pasulit
Sanggunian
1. D
2. B Sagutin Mo!
Mga posibleng sagot:
1. Sina Rudy at Lito
3. (Nanay, Mama, Mommy) bakit nyo po ako inaalagaang
2. Tungkol sa nakatakdang
mabuti?
panayam para kay lito
Sagot: Lahat ng ina ay nag-aalaga nang mabuti sa kanilang mga
3. Ito ay isang paraan ng
anak dahil sa mahal naming kayo.
pagtatanong at pagbibigay ng
4. Paano nyo po nagawa nang mahusay ang pag-aalaga sa
sagot o impormasyon.
amin?
4. Meron po. Patanong,
Sagot: Kayong mga anak ang nagsisilbing lakas at saya namin
Pasalaysay, at Padamdam
sa araw-araw. Kaya namin ginagawa ang lahat para sa
ikabubuti at ikauunlad ninyo.
5. Ano po ang inyong pangarap para sa akin mama?
Sagot: Pangarap ko na lumaki kang mabuti at responsableng Gawain 1:
tao. Sana ay palagi kang malusog, ligtas at masaya sa 1. PU
buhay. 2. PD
6. PS 3. PS
7. PD 4. PT
8. PU 5. PU
9. PT
10. PS
PAGTATAYA:
Gawain 2:
1. A
1. Pasalaysay – Dito tayo sasakay ng dyip. 2. B
2. Patanong – Dadaan po ba kayo ng palengke? 3. D
3. Padamdam – Hoy, bawal sumingit sa pila! 4. A
4. Pakiusap – Pakitulungan ang matanda sa pagsakay. 5. A
5. Pautos – Kunin mo ang sukli.
PAGTATAYA: Mga posibleng sagot
6. Kumusta Ale, napano po kayo? – Patanong
7. Tulungan nyo po ako, sir! – Padamdam
8. Sige, ikuwento nyo po ano ang pangyayari. – Pautos
9. Naglalakad po ako pauwi ng bahay nang biglang may lumapit sa
akin at pilit na kinukuha ang bag ko. – Pasalaysay
10. Maitim po siya. Malamang na limang talampakan ang taas at
mayroong pilat sa mukha. Patanong

You might also like