4 QRTR 3 Sumatibong Pagsusulit Sa Filipino 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

#4 Qrtr 3 SUMATIBONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

2020-2021

Pangalan:_______________________________________ Iskor: ________________


Baitang/Pangkat _________________________________ Petsa: ________________

Panuto: Piliin ang angkop na wakas ng mga sumusunod na sitwasyon o kuwento.


____ 1. Tanghali na ay hindi pa lumalabas ng kuwarto si Nory kaya nag-aaalalang kumatok sa pinto si
Aling Bety. Kinuha na lamang ni Aling Bet yang susi ng kuwarto at binuksan ang pinto. Nakita niyang
nakatalukbong ng kumot si Nory at nanginginig sa lamig. Hinawakan ni Aling Bety si Nory at
naramdaman niyang inaapoy ito ng lagnat,
A,Tatawag ng albularyo si Aling Bety upang matingnan si Nory,
B. Pagagalitan ni Aling Bety si Nory dahil hindi pa ito bumabangon kahit ilang beses na itong
tinawag.
C. Magdadala ng pagkain si Aling Bety at paiinumin ng gamot si Nory upang gumaling sa
karamdaman,
____2. Ginaganap ang taunang piyesta sa lugar nila Marvin nang walang anu-ano’y sumisigaw sa takot ang
kanilang kapitbahay na si Mang Kanor. Nasusunog na pala ang lumang bahay nito na gawa lamang sa
kahoy. Iyak ng iyak naman ang dalawa nitong mga anak at hindi alam ang gagawin sa pangyayari.
A. Patatahanin ang mga n anak ni Mang Kanor.
B. Magpatuloy sa kasiyahan at hayaang nasusunog ang bahay ng kapitbahay.
C. Tatawagin ang iba pang kapitbahay upang maapula ang apoy at masagip pa ang mga gamit ng
mag-anak.
____3. May mga dalang laruan at mga damit si Lucan upang ipamigay sa mga mahihirap niyang mga
kaklase. Habang inaayos niya ang mga gamit sa lamesa ay biglang lumapit ang kaklase niyang si Eden
at sinabing “Lucan, pwede bang akin na lang ang manikang iyan para sa akin bunsong kapatid na si
Olga?”.
A. Mapapangiti si Lucan at iaabot ang manika kay Eden.
B. Hindi papansinin ni Lucan si Eden at kunwaring wala siyang naririnig.
C. Magagalit si Lucan at sasabihing huwag siyang pangunahan ni eden kung kanino niya gusting
ibigay ang manika.
____ 4. Naglalaro ang magkakaibigang Nilo, Martin at Rey nang biglang sumigaw nang malakas ang ate ni
Martin na naglilinis ng bahay. Pumasok sa loob ng bahay ang magkakaibigan at nakita nila ang nabasag
na mamahaling plorera sa sahig. Takot na takot naman ang ate ni Martin at hindi alam ang gagawin.
A. Tinulungan ni Martin ang kanyang ate na maitago ang nabasag na plorera.
B. Kinausap ni Mark ang kanyang ate na dapat ay sabihin nila ang totoong nagyari sa kanilang
nanay pagdating nito sa bahay.
C. Sinabi ni Mark na sabihin na lang sa nanay nila na nasagi ng kanilang alagang pusa ang plorera
kaya ito nabasag.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga panutong nakatala sa paggawa ng Keffa (Hamburger) ,Lagyan ng
letrang A-D ang puwang.
____5. Pangalawa,paghalu-haluing mabuti ang mga sangkap nito.
____6. Una, sa paggawa ng kefta,kailangan ang giniling ng tupa o baka, itlog,sibuyas paminta at asin.
Unahing paghaluin ang karneng giniling, itlog, sibuyas,at panimpla. Maaari ring dagdagan ito ng
tinadtad na pipino, tinadtad na kamatis o tinadtad na berdeng sili.
____7. Panghuli, Iprito sa kawali o ihawin ito sa barbekyuhan. Pagkalipas ng sampung minuto,
baliktarin ito. Bantayang Mabuti para hindi masunog. Ihain na.
____8. Sumunod bilugin ang pinaghalo-halong sangkap nang kasinlaki ng bola ng golf.

Panuto: Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat ang inyong sagot sa puwang o patlang.
Kalagayan: Huwarang mag-aaral si JC kaya pinarangalan siya.

9. Sanhi: ___________________________________________________________________________
10. Bunga: ___________________________________________________________________________

Kalagayan: Pinabayaan ni Leny na paglaruan ng kanyang alagang aso ang kanyang aklat, napunit ito.

11. Sanhi: ____________________________________________________________________________


12. Bunga: ____________________________________________________________________________

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa simuno o
paksa ng pangungusap. Isulat ang salitang PANAG-URI kung ito ay tumutukoy sa panag-uri ng
pangungusap.

___________ 13. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.


___________ 14. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa pagsasayaw sa parade ng pista.
___________ 15. Sina Ariel, Warren at Gilmar ay naghanda ng masarap na meryenda.
___________ 16. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
___________ 17. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.
___________ 18. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa gaganaping
pagtatanghal.
___________ 19. Nagbigay ng malaking donasyon para sa bahay ampunan ang samahan ni Ginoong
Rosales.
___________ 20. Ang mga tanim na gulay ay maraming bunga.

You might also like