Professional Documents
Culture Documents
Fil 9 Lesson 7
Fil 9 Lesson 7
PANGALAN: ________________________________________
BAITANG/ PANGKAT: ___________ PETSA:_______________
PUNTOS: ____________
“Jeremia 33:6 Ngunit pagagalingin ko silang muli. Hahanguin ko sa kahirapan ang Juda at
Israel, at bibigyan sila ng kapayapaan at kasaganaan.”
Layunin:
PAG-ARALAN
2|P age
Kabanata 36: Ang Unang Panginorin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan
ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang
ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na
inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng
malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng
ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap
ang magkasintahan.
Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan
siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla
ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni
Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang
kanyang buhay at kaluluwa.
Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang
umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa
nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan
ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitan lalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak
at tinakpan ang mga tainga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang
pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.
Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo, iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan
ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang Arsobispo
ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkaraang
pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang
mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.
3|P age
KABANATA 37: Ang Kapitan Heneral
4|P age
Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng Kapitan
Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham
na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat
daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang
sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya
itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya
sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na
higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga
magulang nito.
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga
niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral
kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilin ang paparoonin sa
kanya si Kapitan Tiyago. Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa
pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Kapagdaka, tinawag ng Heneral ang mga
kagawad at sumunod ang Alkalde. Sinabihan ng Heneral ang Alkalde na hindi na
kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay
Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding
pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang
kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa
pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang
Heneral na maging ninong sa kasal.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat
naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang
sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila
sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.
5|P age
Kapitan. Nagpatayo ang Kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang
pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang
sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan
ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng
loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo,
nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa
wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat
sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria
ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre
Salvi ay sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si
Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na
naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng Kapitan Heneral tungkol sa
imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at
Crispin.
6|P age
katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion
siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang
lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin
siya ng Alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang
pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.
Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang
lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok
maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya,
narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa
kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila
ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na
siyang baliw.
7|P age
Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion
yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera
lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang Alperes na nuon ay isa lamang
kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-
aralan, marunong ng Kastila at may ugaling Europeo.
Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinyente
Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tinyente si
Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitiw na ang Don sa
kanyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap ng Alkalde ang pagbibitiw
nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga
kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang Kastila. Isa-isa silang inihatid sa
upuan ng Tinyente.
Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito
ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi
na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.
Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan,
pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga
kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si
Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon
sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin
ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng lalawigan
si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga
kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan
ng Kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito,
naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa ng edad Media.
Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala
sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra
na babalik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang
dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay
8|P age
ang Alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga Sibil
at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.
May dalawang Sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga
ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik
na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga
nasindakna dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang
mga Sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May
mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga Sibil. Pero,
pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang
pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi ng binata
na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang
nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy
ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsi-alisan ang mga tao.
Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa
liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring
kaguluhan.
Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Maria Clara ay walang
malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang
bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan
siya ng mga Kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni
Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria
Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng Pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa
kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.
9|P age
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa
liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang
mga ito ay mga Sibil. Ang ama ng magkakapatid na pinatay sa palo ang mga Sibil na
nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay
madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.
TALASANGGUNIAN:
Sinag ng Wikang Filipino sa Ikasiyam na baitang ng Innovative Edducational Materials, Inc.
Ryan C. Rivera, 2019
Punla, Mga Akdang Pampanitikan mula sa Asya at Noli Me Tangere, Binagong Edisyon,
Gina P. Canlas, et.al.2020
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-
summary-in-tagalog-kabanata-14-22-pangarap-sa-gabing-madilim-ang-buod-ng-noli-me-
tangere_140.html
10 | P a g e
Pangalan: ______________________________ Taon/Baitang:_________________
Paaralan: ______________________________ Marka:_____________________
Gawain 1: PAGSASALIKSIK
Gawain 2: PAGSASABUHAY
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga kabanata at magbigay ng mga aral bawat
kabanata na mai-uugnay natin sa buhay natin sa kasalukuyan.(5 puntos bawat kabanata)
Kabanata 36:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
11 | P a g e

Kabanata 37:

Kabanata 38:

Kabanata 39:

Kabanata 40:

Kabanata 41:

12 | P a g e
13 | P a g e