Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 1

sa CLASSROOM OBSERVATION TOOL

Ika- 06 ng Disyembre, 2019 9:10AM-10:00AM

I. F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paaralan (o mula sa sariling
karanasan)

II.A. Pagtulong sa Komunidad: Pagiging Mabuting Mamamayan


B.1. Gabay sa Kurikulum, p.11
B.2. Gabay ng Guro, pp. 328-342
B.3. Kagamaitan ng Mag-aaral, pp.
C. Tsart ng awitin: Mamang Sobetero, larawang nagsasaad ng mga salitang kilos, sentence strips

Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang napakinggang kuwento P1PS-IIIf-5.2

III.A.1. Ipalabas at ipasunod sa pag-awit ng “Mamang Sorbetero.”


http://www.youtube.com/watch?v=x5XRydoIJFo
2. Iugnay ang awitin sa mga paksang pinagaralan kahapon: Pagtangkilik ng Produktong Pilipino at mga
Salitang Kilos.
3. Matapos awitin ang kanta, ipatukoy sa mga mag-aaral kung ano ang mga salitang kilos na narinig nila. Ilista
sa pisara ang mga mababanggit na salitang kilos. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga ito, at magpakita ng kilos o
galaw na aakma sa bawat salita.

B. Tulungan ang mga mag-aaral sa pag-alala at pagsalaysay ng kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina
gamit ang ilang larawan mula sa aklat sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento. Bigyang-diin ang mga
aksiyon na ginawa ni Nina sa kabuuan ng kuwento. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang salitang kilos na gagamitin
nila upang sabihin ang nangyari sa bahagi ng kuwento na ipinapakita sa larawan.

C.1. Itanong ang mga sumusunod:


a) Bakit nag-aalala ang mga magulang ni Nina sa pahinang ito? Ano ang hindi nagagawa ni Nina?
 Ipost sa pisara: Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang magulang niya.
b) Saan dinala si Nina upang magpatingin?
 Ipost sa pisara: Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito nakatulong sa kaniya.
c) Ano ang sinabi ng mga kapitbahay ni Nina nang malaman nilang hindi siya makapagsalita?
 Ipost sa pisara: Pinag-usapan at pinagtsismisan ng mga taga-Daldalina ang kawalan ng boses ni Nina.
d) Ano ang ginawa ni Nina nang kinutya siya ng mga taga-Daldalina?
 Ipost sa pisara: Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina upang hanapin ang kaniyang
boses.
e) Saan nagpunta si Nina at ano ang nakita niya?
 Ipost sa pisara: Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat ngunit hindi pa rin niya nakita ang
kaniyang boses.
f) Ano ang ginagawa ni Nina dito sa parke? Ano ang nararamdaman niya?
 Ipost sa pisara: Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke.
g) Sino ang nakita ni Nina dito sa parke? Ano ang ginagawa niya?
 Ipost sa pisara: Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng larawan.
h) Ano ang ginawa ni Nina dahil sa inspirasyon ng pintor sa parke?
 Ipost sa pisara: Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang nakikita at nararamdaman.
i) Ano ang nangyari nang bumalik si Nina sa Daldalina? Kaagad ba siyang tinanggap ng mga kababayan niya?
 Ipost sa pisara: Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad tinanggap ng mga kababayan
niya.
j) Ano ang ipinakita ni Nina na nagpatahimik sa mga taga-Daldalina?
 Ipost sa pisara: Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya, napatahimik sa paghanga ang mga
taga-Daldalina.
k) Ano ang ginagawa ng mga taga-Daldalina kay Nina dito sa larawan? Paano nagtapos ang kuwento ni Nina?
 Ipost sa pisara: Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina. Tinanggap nila sa wakas ang isang
walang imik sa bayan ng Daldalina.
l) Nagustuhan ba ninyo ang kuwento? Ano ang pinakagusto ninyo sa
kuwentong napakinggan?
2. Ipabasa ang ang mga naipost na pangungusap sa pisara.
3. Itanong: Ano- ano ang ga salitang kilos sa mga pangungusap? (Isa-isahin ang mga batang tanungin)
4. Magpakita ng mga larawang nagsasaad ng salitang kilos na nagaganap sa loob ng paaralan at isa-isahin ang
mga batang mag-ulat ng mga naoobserbahan tungkol sa naipakitang larawan.

D. Itanong: Ano ang salitang kilos?

E. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng magkakaibang larawang nagsasad ng
salitang kilos na nagaganap sa loob ng paaralan. Hayaan ang mga batang magkwento tungkol sa larawan gamit
ang salitang kilos na sinasaad nito. Pagkatapos ng limang minute, pumili ng dalawang bata sa bawat grupo
upang iulat ang gawain.

IV. Iulat ng pasalita ang mga noobserbahang salitang kilos na nisasaad sa bawat larawan at magsulat ng isang
pangungusap gamit ang salitang kilos.

1. ______ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____

V. Ano-ano ang mga pangyayari sa inyong bahay? Iulat ang mga ito sa pamamagitan ng paggawan ng maikling
kwento.

You might also like