Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

I. Layunin:
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. matutukoy ang mga gawaing pinagsasaluhan ng buong mag-anak
2. maibabahagi ang mga karanasan sa pagbubuklod ng pamilya
3. aktibo na makikilaoh sa mga gawaing pangklase

II. Paksang Aralin


Tema: Mahal ko ang Aking Pamilya
Paksa: Masayang Pagbubuklod ng mag-anak
Sanggunian: Teaching Guide (ESP) Aralin 3
Activity Sheets
Gintong Landas 1
Kagamitan:
Manila paper lapis
Mga larawan pangkulay

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pamamaraan
Tanungin ang mga mag-aaral
*Anu-ano ang inyong ginagawa kapag araw ng lingo?

B. Pangganyak
Tuwing Sasapit ang Linggo
Linggo na naman, masaya at masiglang bumangon si Lita. Ito ang araw na
kanyang pinakahihintay dahil sa araw na ito nakagawian na ng kanyang pamilya
ang magsama-sama sa pamamasyal sa parke at pagsisimba.
Pumunta si Lita sa kusina upang tingnan kung ano ang ginagawa ng
kanyang Tatay at Nanay. Nakita niyang abala sa paghahanda ng pagkain ang
kanyang ama at nagluluto naman kanyang in. may hotdog, ice cream at spaghetti.
Masiglang nilapitan ni Lita ang kanyang ama at kinausap ito, “Tatay,
excited na ako sa ating pamamasyal,” at agad sumagot ang kanyang ama.
“Oo anak dapat nating ugaliing magsama-sama sa pamamasyal kahit isang
araw sa isang lingo.

C. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng isang pamilyang namamasyal.

D. Pagtatalakay
1. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa larawan
*Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
*Ano kaya ang ginagawa ng mag-anak?
*Ginagawa niyo rin ba ito tuwing araw ng Linggo?Paano?

2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na mahalagang maglaan ng kahit isang araw ang


pamilya sa isat isa upang sila ang magkasama-sama.

3. Sabihin sa klase na karaniwan ay sa araw ng Linggo karaniwang nagsasama-


sama ang pamilya dahil walang pasok ang lahat ng miyembro ng pamilya.

4. Tanungin ang mga mag-aaral *Ano kaya sa inyong palagay ang kahalagahan
ng pagsasama-sama ng pamilya?

5. Hingan ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan tungkol sa pagsasama ng


kanilang pamilya.
E. Pagsasagawa
Pagpapangkat-pangkat
1. Hatiin ang mag-aaral sa 5 grupo.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng kartolina kung saan ay dapat nilang iguhit
ang sa palagay nila ay ginagawa ng mag-anak tuwing sila ay nagsasama-
sama.
3. Ibahagi ang mga nagawa sa klase.
F. Pagbubuod
* Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?
* Ano ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya?
G. Pagsasagawa
Panuto: Sagutan ng Tama o Mali
______1. Magkaroon ng oras sa pamilya
______2. Sumama sa pagsisimba ng mag-anak
______3. Unahin ang pamamasyal kasama ang mga kaibigan
______4. Tumulong sa pag-aayos ng bahay
______5. Sa pagsisimba o pamamasyal, higit na masaya kung sama-sama ang
pamilya.

You might also like