Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Florante at
Laura
(Aralin 25- 28)
Filipino – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Florante at Laura (Aralin 25-
28)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Amado II A. Caragay

Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya


Tagasuri : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya, Helen O. Custodio, Catalina
H. Casillan, Wilma DG. Macatbag, Roberto Z. Barongan, Magdalena
C. Manaoat

Tagaguhit : Amado II A. Caragay


Editha M. De Guzman

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)

i
8
Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Florante at
Laura
(Aralin 25- 28)

i
i
Paunang Salita

Umunlad ang ating mga buhay kasabay sa pag-usbong ng ating


bansa. Ngunit tila unti-unti tayong nakalimot sa tatak at kasarinlan ng ating
pagka-Pilipino.
Upang matugunan at mapanumbalik ang ating sariling kakulangan,
ating balikang muli ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos ng ating
panitikan. Ang ating panitikan kahit pilit na pinagpapalit-anyo at binihisan
mula sa luma hanggang sa makabago ngayon sa kasalukuyan upang
maipabatid sa lahat. Ang Panitikang Pilipino ay namumukod-tangi sa
lahat bagamat ito ay sandigan natin sa ating pagkakakilanlan.
Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid-19, ang
pagbuo ng mga makabagong kagamitang pampagkatuto ng mga mag-
aaral upang mapalawak at malakbay nilang muli ang ating sariling
panitikan gamit ang modyul na ito sa Asignaturang Filipino ay mahigpit na
binibigyang-diin ng ating mga awtoridad.
Pinag-igihang buuin ang modyul na ito nang maiangkop ang
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa hamon ng pandemyang
kinakaharap. Mahigpit na pinaniniwalaan ng Kagawaran ng Edukasyon
na ang dekalidad na edukasyon ay kayang kamtin ng mga mag-aaral
ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon.

i
Aykons sa Modyul
ii
iii Ang parteng ito ay naglalaman
ng mga kasanayang
Alamin pampagkatuto kailangang
matamo ng mag-aaral.

Dito masusukat ang mga


natutunan mo na sa paksang
Subukin tatalakayin.

Sa parteng ito,
mababasa/malalaman ang
Balikan ikokonektang talakayan sa
paksang natalakay.
Paunang gawain o paglalahad
ng paksa.
Tuklasin

Pagpapalalim ng kaalamang
natutunan sa paksang
Suriin tinalakay.

Karagdagang kaalaman at
mga kasanayan/ gawain na
Pagyamanin magbibigay katuturan para sa
dagdag impormasyon
.
Gawaing ginawa para
maproseso ang mga
Isaisip natutunan sa paksa.

Mga gawaing mag-uugnay sa


Isagawa tunay na buhay ng mga mag-
aaral. (Performance task)
Maikling pasulit dito nasusukat
ang pag-unawa ng mag-aaral
Tayahin sa paksang tinalakay.

Karagdagang Gawain sa
pagpapalawak ng aralin.
Karagdagang Gawain

iv
i
Aralin 25:
Modyul 8
Ikaapat Ang Kataksilan ni Adolfo
na (Saknong Bilang 329- 346)
Markahan

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at
Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito
iyong inihuhuni mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang
awit na tinutukoy rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga piling salita.
d. Nakapagbabalak-balak kung ano ang maaaring gawin upang
mapagtagumpayan ang isang adhikain.
e. Nakasusulat nang mga dahilan kung bakit itinuturing na bagong bayani ang
mga OFW at mga maaaring gawin upang matawag ding bagomg bayani ng
bansa ang mga kabataan.

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan tungkol sa araling ito bilang bahagi ng ating panitikan.

1
Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Para sa Guro

1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul.


Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa
sarili.

2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga gawain


sa Alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang
tatalakayin.

3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pag-unawa ng


mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin. Hayaan silang tuklasin ng


may pag-unawa ang mga paksang tatalakayin sa modyul.

5. Ipasagot ang Pagyamanin. Suriing mabuti kung lubos na


nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay. Palalimin
ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungang nasa Isaisip.

6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan


at aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

7. Gawin ang karagdagang Gawain na inilaang ng guro upang


mapalawak ang kaalaman.

2
Subukin

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga Pilipinong nakikita sa larawan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino- sino ang nasa mga larawan?


2. Bakit sila itinuturing na mga bayani? Paano sila nakipaglaban alang- alang sa
bayan?

Tuklasin Pagkakaiba
Pagkakatulad

Ang Nakaraan

Huminpil muna sa paanan ng bundok ang hukbo ni Florante. Dito nila


natanaw ang isang dalagang nakagapos at nakapring. Iniligtas nila ang dalaga at
laking gulat ni Florante nang makilala ang dalaga. Totoo nga ang kanyang kutob
na si Laura ang dalaga. Ipinagtapat ni Laura ang nangyari sa Albania. Nang
malaman ni Florante ang lahat, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Dali-dali silang
bumalki sa Albania at hinango sa bilangguan ang monarka kabilang si Adolfo.
Nagalak lahat at pinapurihan ng hari si Florante. Tanging si Adolfo ang hindi
nagging maligaya. Nag- ibayo ang kanyang inggit kay Florante

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 25- Kataksilan ni Adolfo. Kailangan na


unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?

3
329 Lumago ang binhing nagmula sa Atenas
ipinunlang nasang ako'y ipahamak;
kay Adolfo'y walang bagay na masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.

330 'Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa


at pasasalamat sa pagkatimawa,
dumating ang isang hukbong maninira
ng tagaTurkiyang masakim na lubha.

331 Dito ang panganib at pag-iiyakan


ng bagong nahugot sa dalitang bayan,
lalo na si Laura't ang kapangambahan
ang ako ay sam-ing palad sa patayan.

332 Sapagkat heneral akong inatas


ng hari sa hukbong sa Moro'y lalabas;
nag-uli ang loob ng bayang nasindak
puso ni Adolfo'y parang nakamandag.

333 Niloob ng Langit na aking masupil


ang hukbo ng bantog na si Miramolin;
siyang mulang araw na ikinalagim
sa Reynong Albanya ng Turkong masakim.

334 Bukod dito'y madlang digma ng kaaway


ang sunud-sunod kong pinagtagumpayan;
anupa't sa aking kalis na matapang,
labimpitong hari ang nangagsigalang.

335 Isang araw akong bagong nagbiktorya


sa Etolyang S'yudad na kusang binaka,
tumanggap ng sulat ng aking monarka,
mahigpit na biling umuwi sa Albanya.

336 At ang paninihala sa dala kong hukbo,


ipagkatiwalang iwan kay Menandro;
noon di'y tumulak sa Etolyang Reyno,
pagsunod sa hari't Albanya'y tinungo.
337 Nang dumating ako'y gabing kadiliman,
pumasok sa reynong walang agam-agam;
pagdaka'y nakubkob lLaking kaliluhan
ng may tatlumpung libong sandatahan.

338 'di binigyang-daang akin pang mabunot


ang sakbat na kalis at makapamook;
buong katawan ko'y binidbid ng gapos,
piniit sa karsel na katakut-takot.

339 Sabihin ang aking pamamahangha't lumbay,


lalo nang matantong monarka'y pinatay
ng Konde Adolfo't kusang idinamay
ang ama kong irog na mapagpalayaw.

340 Ang nasang yumama't haring mapatanyag


at uhaw sa aking dugo ang yumakag
sa puso ng Konde sa gawang magsukab ...
O, napakarawal na Albanyang S'yudad!

341 Mahigpit kang aba sa mapagpunuan


ng hangal na puno at masamang asal,
sapagkat ang haring may hangad sa yaman
ay mariing hampas ng Langit sa bayan.

342 Ako'y lalong aba't dinaya ng ibig,


may kahirapan pang para ng marinig
na ang prinsesa ko'y nangakong mahigpit
pakasal sa Konde Adolfong balawis?

343 Ito ang nagkalat ng lasong masidhi


sa ugat ng kaing pusong mapighati
at pinagnasaang buhay ko'y madali
sa pinanggalingang wala'y masauli.

344 Sa pagkabilanggong labingwalong araw,


naiinip ako sa 'di pagkamatay;
gabi nang hangui't ipinagtuluyan
sa gubat na ito'y kusang ipinugal.

345 Bilang makalawang maligid ni Pebo


ang sandaigdigan sa pagkagapos ko,
nang inaakalang nasa ibang mundo,
imulat ang mata'y nasa kandungan mo.

346 Ito ang buhay kong silu-silong sakit


at hindi pa tanto ang huling sasapit...
Mahahabang salita ay dito napatid,
ang gerero naman ang siyang nagsulit.

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito sa


pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.

Gawain 2
Yumayaman ang talasalitaan sa patuloy na pagbabasa. Subuking bigyan ng
kahulugan ang ilan pang mga salita. Hanapin sa ikalawang pangungusap ang kahulugan ang
salitang nakasalungguhit. Kahunan ( ) ang iyong sagot.
1. Walang agam-agam na pumasok sa Albania si Florante. Wala siyang alinlangan sa
katapatan ng mga mamamayang pansamantalang iniwan niya.
2. Sa pagpasok ni Florante sa kaharian, inalis ang sakbat niyang kalis at binidbid siya ng
gapos ng kanyang mga kalaban. Pinuluputan ng lubid ang buo niyang katawan.
3. Itinapon si Florante sa gubat at ipinugal sa isang puno. Itinali siya tulad sa isang kriminal.
4. Ang panihala sa hukbo ay iniwan ni Florante kay Menandro. Ginawa niya ito matapos pag-
isipang mabuti kung kanino maaaring ipagkatiwala ang pamamahala sa hukbo.
5. Ang makuha ang kayamanan at kapangyarihan ay yumakag kay Adolfo upang magtaksil.
Ang korona ng hari ang umakit sa kanyang ipapatay ang monarka
.

Isaisip

Gawain 3
Inagaw ni Adolfo ang pagiging hari ng Albania kay Haring Linceo. Alamin kung anong
uri siya ng pinuno sa pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong.
Mga Katanungan:
1. Sino ang pinuno ng hukbong lumusob sa Albania at nagapi ni Florante?
2. Sa sunod- sunod na tagumpay ni Florante sa pakikidigma, ilang hari ang gumalang sa
kanya?
3. Ilang kawal ang sumalubong kay Florante nang bumalik siya sa Albania?
4. Paano sinalubong ng mga kawal si Florante?
5. Ilarawan ang Albania nang bumalik si Adolfo galing Etolya.
6. Sino ang may kagagawan ng kasamaang naghahari sa Albania?
7. Ipaliwanag kung bakit mariing hampas ng langit sa bayan si Adolfo?
8. Kung ikaw si Menadro, papayagan mo bang bumalik si Florante sa Albania na walang
kasama? Pangatwiranan ang sagot.

Isagawa

Gawain 4
Ikaw ay isang kabataan, kung bibigyan ng pagkakataong mamuno sa isang kalipunan
ng kabataan tulad ng kalinisa at kaayusan ng kapaligiran, ano ang iyong plano na gagawin
upang magtagumpay ang iyong adhikain?

Bilang isang
pinuno, narito ang
aking plano upang
magtagumpay
ang aking
adhikain
Tayahin

Gawain 5
Panuto: Basahing Mabuti ang sumusunod na talata. Punan ng wastong sagot ang
bawat patlang upang mabuo ang diwa. Piliin ang sagot sa kahon.

Etolya labimpitong Miramolin


Albania tatlumpong Menadro
Turkiya labingwalong Aladin
Adolfo monarka

Hindi pa nagtatagal matapos hanguin ni Florante ang Albania sa pagkatimawa, muli


silang nilusob ng mga taga- _________________. Pinamunuan sila ni ________________.
Nasupil na muli ni Florante ang hukbo. Dahil sa kanyang pagiging pinuno, sunod- sunod ang
digmaang pinagtatagumpayan ni Florante. Dahil dito __________________ hari ang
gumalang kay Florante.
Isang araw, habang nakikipaglaban si Florante sa ________________, tumanggap
siya ng sulat mula sa _________________. Mahigpit na sinabing umuwi siya sa
____________________. Sumunod si Florante kaya iniwan kay __________________ ang
pamumuno sa hukbo. Gabi na nang dumating si Florante sa kanyang bayan. Laking gulat niya
nang salubungin siya ng _______________ libong kawal na sandatahan. Iginapos siya at
ipiniit sa karsel. Dito niya nalaman na ipinapatay ni ________________ ang hari pati na ang
kanyang ama. Makaraan _________________araw dinala siya sa gubat kung saan siya
natagpuan ni Aladin.

Karagdagang Gawain

Gawain 6
Dakila ang ating lahi. Sa ating ugat na nanalaytay ang dugo ng mga bayani. Sila ang mga
namununo upang ipagtanggol ang bayan at ipaglaban ang ating Kalayaan. Subalit sa
panahon ngayon, may mga bagong dakilang bayani ang maituturing at sila ang mga OFW o
Overseas Filipino Workers.

• Pag-sapan ang mga OFW o Overseas Filipino Workers batay sa sumusunod:


 Sino ang tinatawag na OFW?
 Mga dahilan ng pagutngo sa ibang bansa.
 Mga magagandang bunga ng kanilang pagtungo sa ibang bansa.
 Mga dahilan kung bakit sila ang mga bagong bayaning maituturing ng bansa
• Lagumin ang mga sagot sa pamamagitan ng pagpuno sa tsart.
Sino ang mga OFW Dahilan ng Magandang bunga ng Dahilan kung bakit sila
kanilang pagtungo sa ibang ang mga bagong
pagtungo bansa. bayaning maitutring ng
pagtungo sa bansa.
ibang bansa.

• Kapag napuno na ang tsart, isulat sa loob ng kahon ang maaari ninyong gawin
upang matawag din kayong bagong bayani ng bansa.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Susi ng Kasagutan
Modyul 8 (Aralin 25)
Gawain 1 (Subukin)
1. Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora Aquino
2. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito.
Gawain 2 (Pagyamanin)
1. alinlangan
2. pinuluputan
3. itinali
4. pamamahala
5. umakit
Gawain 3 (Isaisip)
1. Miramolin
2. labimpito
3. tatlumpong libong kawal
4. Binibid siya ng gapos at ikinulong
5. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
6. Adolfo
7- 8. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 4 (Isagawa)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 5 (Tayahin)
1. Turkiya
2. Miramolin
3. labimpitong
4. Etolya
5. monarka
6. Albania
7. Menandro
8. tatlumpong
9. Adolfo
10. labingwalong
Gawain 6 (Karagdagang Gawain)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Aralin 26:
Modyul 8
Ikaapat Pag-ibig at Pagpaparaya
na (Saknong Bilang 347- 360)
Markahan

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at
Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito
iyong inihuhuni mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang
awit na tinutukoy rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Nabubuo ang kasingkahulugan ng mga piling salita sa pamamagitan ng
pagpuno sa mga titik na nawawala.
d. Nakapagtatala ng mga kabutihan at kasamaang dulot ng pagpaparaya.
e. Nasusuri ang banghay batay sa mga suliranin at solusyon at sariling
interpretasyon.

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan tungkol sa araling ito bilang bahagi ng ating panitikan.
Subukin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang sumusuond na pangusap. Isulat ang T sa patlang kung tama ang
pahayag at M naman kung mali.
_______ 1. Sina Florante at Aladin ay pitong buwan sa gubat nang isalaysay ni Aladin
ang kanyang buhay.
_______ 2. Nang magbiktorya sa Albania si Aladin, pinugutan siya agad.
_______ 3. Si Sultan Ali- Adab ang sanhi ng kalungkutan ni Aladin.
_______ 4. May apat na taon na nilibot- libo nina Aladin ang kagubatan.
_______ 5. Sa salaysay nina Florante at Aladin mababatid na iisa ang kapalarang
sinapit nila.

Tuklasin Pagkakaiba
Pagkakatulad

Ang Nakaraan

Nilusob ng hukbong taga- Turkiya sa pamumuno ni Miramolin ang Albania ilang buwang
makalipas bumalik sina Florante. Nasupil naman sila ni Florante at nagkasunod- sunod
pa ang kanyang naging tagumpay. Dahil dito, labimpitong hari ang humanga at at
gunalang kay Florante. Isang araw, habang nakikidigma sina Florante sa Etolya,
tumanggap siya ng sulat. Isinasaad dito na umuwi siya sa Albania. Bilang pagsunod,
iniwan niya ang kanyang hukbo kay Menandro. Laking gulat niya nang tatlumpong libong
kawal ang sumalubong sa kanya sa Albani. Binibid siya ng gapos at ikinulong. Dito niya
nalaman na ipinapatay ni Adolfo sina Haring Linceo at Duke Briseo. Nabalitaan din niyang
nakatakda nang ikasal si Laura kay Adolfo. Pagkatapos ng labingwalong araw na
pagkapiit, dinala siya sa gubat at itinali sap uno. Natagpuan na lamang niya ang sarili sa
kandungan ng isang Moro.

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 26- Pag-ibig at Pagpaparaya. Kailangan na


unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?
347 Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas,
tantuin mo naman ngayon ang kausap;
ako ang Aladin sa Persyang Siyudad,
anak ng balitang Sultang Ali-Adab.

348 Sa pagbatis niring mapait na luha,


ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata ...
Ay, ama ko! Bakit? Ay Fleridang tuwa!
katoto'y bayaang ako'y mapayapa.

349 Magsama na kitang sa luha'y maagnas,


yamang pinag-isa ng masamang-palad;
sa gubat na ito'y hintayin ang wakas
ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.

350 Hindi na inulit ni Florante naman,


luha ni Aladi'y pinaibayuhan;
tumahan sa gubat na may limang buwan,
nang isang umaga'y naganyak maglibang.

351 Kanilang nilibot ang loob ng gubat,


kahit bahagya na makakitang-landas;
dito sinalita ni Alading hayag
ang kanyang buhay na kahabag-habag.

352 Aniya'y Sa madlang gerang dinaanan,


'di ako naghirap ng pakikilaban
para nang bakahin ang pusong matibay
ni Fleridang irog na tinatangisan.

353 Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa'y


si Diana'y sa gitna ng maraming nimpa,
kaya at kung tawagin sa Reynong Persya,
isa si Houries ng mga propeta.

354 Anupa't pinalad na aking dinaig


sa katiyagaan ang pusong matipid;
at pagkakaisa ng dalawang dibdib,
pagsinta ni ama'y nabuyong gumiit.
355 Dito na minulan ang pagpapahirap
sa aki't ninasang buhay ko'y mautas;
at nang magbiktorya sa Albanyang S'yudad,
pagdating sa Persya ay binilanggo agad.

356 At ang ibinuhat na kasalanan ko,


'di pa utos niya'y iniwan ang hukbo;
at nang mabalitang reyno'y nabawi mo,
noo'y hinatulang pugutan ng ulo.

357 Nang gabing malungkot na kinabukasan,


wakas na tadhanang ako'y pupugutan,
sa karsel ay nasok ang isang heneral,
dala ang patawad na lalong pamatay.

358 Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,


huwag mabukasan sa Reyno ng Pers’ya;
sa munting pagsuway buhay ko ang dusa
sinunod ko't utos ng hari ko't ama.

359 Ngunit sa puso ko'y matamis pang lubha


na tuloy nakitil ang hiningang aba,
huwag ang may buhay na nagugunita
iba ang may kandong sa langit ko't tuwa.

360 May anim na ngayong taong walang likat


nang nilibut-libot na kasama'y hirap,
napatigil dito't sila'y may namatyag,
nagsasalitaan sa loob ng gubat.

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito sa


pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.

Gawain 2
Patalasin ang isip sa pagbibigay – kahulugan ng mga salita. Punan ng titik ang bawat
patlang upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Sa pag- uusap nina Florante at Aladin, natalastas ni aladin ang buhay ni Florante.
n ____ l _____ ______ a ______
2. Isinalaysay din ni Aladin ang buhay niyang lipos ng hirap
____ u n ______ ______ g - p ______ ______ o
3. Nabuyong umibig si sultan Ali- adab kay Flerida bagamat alam niyang ang dalaga ay
kasintahan ng kanyang anak.
n ______ h ______ ______ a y ______
4. Isang heneral ang pumasok sa karsel upang pakawalan si Aladin.
_____ i l ______ ______ g u a ______
5. Higit na nais ni Aladin na nautas ang kanyang buhay kaysa mabuhay nang wala ang
kanyang mahal.
n _____ ______ t ______ ______ g

Isaisip

Gawain 3
Hindi agad nakuwento ni aladin amg kanyang buhay kay Florante. Subalit matapos
ang ilang panahon ng pagsasama nila sagubat, nagawa ring maikuwento ni Aladin ang
kanyang buhay. Subukin kung naunawaan ang ginawang pagsasalaysay ni Aladin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.
Mga Katanungan:
1. Ilang buwan ang lumipas bago isinalaysay ni Aladin ang buhay niya kay Florante?
2. Paano ipinakilala ni Aladin ang sarili kay Florante?
3. Sino ang dahilan ng pagluha ni Florante?
4. Kanino inihambing ni Aladin si Flerida?
5. Bakit pinarusahan ni Sultan Ali- adab si Aladin?
6. Anong kaharian ang pinanggalingan ni Aladin noong siya ay nakipagdigma at nagwagi?
7. Kung ikaw si Aladin, magpaparaya ka ba o ipaglalaban ang iyong pag-ibig? Pangatwiranan
ang sagot.

Isagawa

Gawain 4
Kung sinasabing igalang mo ang iyong magulang hindi ba’t dapat na igalang din ng
magulang ang kanyang anak lalo na ang kanayang damdamin? Ang magulang, ang alam
nating lagging nagpaparaya sa anak. Subalit sa pagkakataong ito, ang bata ang nagparaya
sa matanda. Sa buhay mo nagparaya ka na ba para sa iyong pamilya? Isulat mo sa H- chart
ang pagpaparaya na ginawa mo at sa pagpaparay na ginawa, ano ang nagging damdamin
mo pagkatapos? Kung hinihingi ng pagkakataon, magpaparaya ka bang muli? Bakit?

Ang pagpaparayang ginawa ko Ang aking nagging damdamin sa


pagpaparaya na ginawa ko

Ang Pagpaparaya

Magpaparaya ba akong muli? Bakit?


____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Piliin ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng
wastong sagot.
1. Siya ang Morong tagapaglogtas ni Florante?
a. Miramolin c. Menalipo
b. Aladin
2. Sa bayang ito nagbuhat ang tagapagligtas ni Florante?
a. Turkiya c. Albania
b. Persia
3. Dito nanirahan ng anim na taon si Aladin matapos paalisin sa Persia.
a. gubat c. ibang bayan
b. palasyo
4. Siya ang kasintahan at dahilan kung bakit napaluha ang tagapagligtas ni Florante.
a. Floresca c. Flerida
b. Laura
5. Siya ang nagbalita kay Aladin na maaari na siyang makalaya sa kondisyong hindi
na makikita sa Persia.
a. propeta c. embahador
b. heneral

Karagdagang Gawain

Gawain 6
Ang pagpaparaya ay nangangahulugan ng pagtalikod sa sariling kaligayahan. Pagbibigay
daan ito para lumigaya ang iba. Nangangahulugan din ito ng pagkalimot sa sariling kapakanan
upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang makamit ang kanilang pangarap sa buhay.

• Suriin at timbangin kung kailan at kung hindi nakabubuti at nakatutulong ang


pagpaparaya.
 Itala sa kahon sa gawing kaliwa ang mga sitwasyon kung kailan nakabubuti
ang pagpaparaya
 Itala sa kahon sa gawing kanan ang mga sitwasyon kung kailan
nakasasama ang pagpaparaya.
 Pagtimbang- timbangin kung alin ang higit na makabubuti at hindi.
 Pagkatapos ay bunuo ng konklusyon kung alin ang higit na nakalalamang sa
inyong pulso.

PAGPAPARAYA

Kailan nakabubuti Kailan nakasasama

Konklusyon
Susi ng Kasagutan
Modyul 8
Gawain 1 (Subukin)
1. Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora Aquino
2. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito.
Gawain 2 (Pagyamanin)
1. alinlangan
2. pinuluputan
3. itinali
4. pamamahala
5. umakit
Gawain 3 (Isaisip)
1. Miramolin
2. labimpito
3. tatlumpong libong kawal
4. Binibid siya ng gapos at ikinulong
5. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
6. Adolfo
7- 8. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 4 (Isagawa)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 5 (Tayahin)
1. Turkiya
2. Miramolin
3. labimpitong
4. Etolya
5. monarka
6. Albania
7. Menandro
8. tatlumpong
9. Adolfo
10. labingwalong
Gawain 6 (Karagdagang Gawain)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Aralin 27:
Modyul 8
Ikaapat Dakilang Pag-ibig
na (Saknong Bilang 361- 372)
Markahan

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at
Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito
iyong inihuhuni mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang
awit na tinutukoy rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga piling salita.
d. Nakaguguhit ng isang lugar na maaaring pagtaguan ni Flerida upang maging
ligtas kay Sultan Ali-adab
e. Nakapaglalahad ng ilang karanasan na nagdala ng tagumpay dahil sa
paghihintay nang matagal upang matamo ang layunin.
f. Nasusuri ang binasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga pangyayari sa
aktwal na karanasan.

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan tungkol sa araling ito bilang bahagi ng ating panitikan.
Subukin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Pagdugtungin ang mga kaisipang
magkaugnay. Hanapin sa Hanay B ang kaugnay ng nasa Hanay A. Ilagay ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
A B
______1. Nang matapos magkwento si a. sapagkat may narinig
Florante ng kanyang buhay silang nag-uusap
______2. Bumalik agad si Aladin sa Persia b. si Aladin naman ang
Matapos magbiktorya sa Albania nagsimulang magkuwento
______3. Nabalitaan ng sultan na nabawi ng buhay niya
ni Florante ang Albania c. kaya pagdating ni Aladin
______4. Isang araw habang naglilibot sa Persia, ikinulong siya
sina Florante at Aladin sa gubat, sa salang pag-iwan sa hukbo
napatigil sila d. kaya hinatulan ng ama si
______5. Isang heneral ang pumasok sa Aladin na pupugutan ng ulo
karsel ni Aladin e. at ibinalitang maaari na
siyang lumaya sa kondisyong
aalis sa Persia

Tuklasin Pagkakaiba
Pagkakatulad

Ang Nakaraan

Nang matapos magsalaysay si Florante nagpakilala naman ang gererong kausap


niya. Ngunit hindi agad nakayanang magsalaysay ng gerero ng kanyang buhay. Hiniling
niya sa halip na hayaan munang mapayapa niya ang kanyang kalooban.
Lumipas ang limang buwan. Habang naglilibot ang dalawang gerero sa gubat,
isinalaysay ni Aladin ang kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang ama ang dahilan ng
kasawian niya sa buhay dahil naging kaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Ang kanyang
ama ang nagpakana na pugutan siya ng ulo sa salang pagpapabaya sa hukbo sa Albania
dahil nabawi ni Florante ang Albania. Nang gabing pupugutan siya ng ulo pinakawalan
siya ng sultan sa kondisyong hindi na siya aabutin ng kinabukasan sa kaharian. Sa gubat
tumahan si Aladin ng anim na taon. Napatigil siya ng pagkukuwento nang makarinig sila
ng nag-uusap.
Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 27- Dakilang Pag-ibig. Kailangan na


unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?

361 Napakinggan nila'y ganitong saysay:


Nang aking matatap na pupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban..

362 Inihinging-tawad ng luha at daing


ang kaniyang anak na mutya ko't giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya'y 'di patatawarin.

363 Ano'ng gagawin ko sa ganitong bagay?


Ang sinta ko kaya'y hayaang mamatay?
Napahinuhod na ako't nang mabuhay
ang prinsipeng irog na kahambal-hambal!

364 Ang 'di nabalinong matibay kong dibdib


ng suyo ng hari, bala at paghibik,
naglambot na kusa't kumain sa sakit
at nang mailigtas ang buhay ng ibig.

365 Sa tuwa ng hari, pinawalan agad


dahil ng aking luhang pumapatak;
datapuwa't tadhanang umalis sa s'yudad
at sa ibang lupa'y kusang mawakawak.

366 Pumanaw sa Persya ang irog ko't buhay


na hindi man kami nagkasalitaan;
tingni kung may luha akong ibubukal
na maitutumbas sa dusa kong taglay!

367 Nang iginaganya sa loob ng reyno


yaong pagkakasal na kamatayan ko,
aking naakalang magdamit-gerero
at kusang magtanan sa real palasyo.

368 Isang hatinggabing kadilimang lubha,


lihim na naghugos ako sa bintana;
walang kinasama kung hindi ang nasa —
matunton ang sinta kung nasaang lupa.

369 May ilan nang taon akong naglagalag


na pinapalasyo ang bundok at gubat;
dumating nga rito't kita'y nailigtas
sa masamang nasa niyong taong sukab

370 Salita'y nahinto sa biglang pagdating


ng Duke Florante't Prinsipe Aladin;
na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso'y 'di mapigil-pigil.

371 Aling dila kaya ang makasasayod


ng tuwang kinamtan ng magkasing-irog?
Sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,
dala ang kanyang napulpol na tunod.

372 Saang kalangitan napaakyat kaya


ang ating Florante sa tinamong tuwa
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kanyang Laurang ninanasa-nasa?

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito sa


pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.

Gawain 2
May mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap. Ibigay ang kasingkahulugan
ng bawat isa.
1. Lihim na naghugos sa bintana si Flerida nang malamang ligtas na si
Aladin.______________________
2. Umalis si Aladin sa Persia ngunit hindi niya inaasahang mawakawak sa ibang
lupain._______________________
3. Walang salitang makasasayod sa tuwang nadama ng apat na magsing- irog nang magkita-
kita sila sa kagubatan._________________________
4. Dahil sa madalas na paggamit ng tabak, napulpol na ito.________________________
5. Matagal na niyang ninanasa-nasa na guminhawa ang kanilang
buhay.______________________

Isaisip

Gawain 3
Sa paglilibot nina Florante at Aladin na nagsasalaysay. Alamin ang salaysay ng babae
sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.
Mga Katanungan:
1. Sino ang narinig nina Florante at Aladin na nagsasalaysay ng kanyang karanasan?
2. Ayon sa nagsalaysay, kinailangan niyang pumayag na pakasal sa hari. Bakit?
3. Nang malaman ng nagsasalaysay na wala sa karsel ang kasintahan, ano ang kanyang
naging pasya?
4. Ayon sa nagsalaysay, paano siya tumakas sa kaharian?
5. Paano raw nakilala ng taong nagsasalaysay ang kanyang kausap?
6. Bakit nahinto sa pagsasalaysay ang babae?
7. Kung ikaw si Flerida, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagpayag na pakasal sa sultan
upang ligtas ang kasintahan? Pangatwiranan ang sagot.

Isagawa

Gawain 4
Walang sukatan ang tunay na pag-ibig. Walang alinlangang iaalay niya ang lahat
magig sariling kaligayahan para sa kalaigtasan ng mahal sa buhay. Hindi nawalan ng pag-
asa si Flerida mangahulugan man ito ng sariling kamatayan. Ito ang nagbigay sa kanya ng
determinasyon upang ipagpatuloy ang paghihitay sa minamahal.
a. Magmunimuni ka. Mag-isip kung ano ang maaaring mangyari kay Flerida kung hindi siya
naghintay.
b. Ipagpalagay mong ikaw si Flerida. Iguhit mo sa kahon ang lugar na pupuntahan mo na
nalaman mong maaring pagtaguan upang hindi na makita ni Sultan Ali-adab. Tandaan mo na
may layunin ka.

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Batay sa isinalaysay ni Flerida kay Laura, isaayos ang mga pangungusap
ayon sa pagkakasunod- sunod. Isulat ang bilang 1- 5. Ilagay ang wastong sagot sa
patlang.
___________1. Pinakawalan ng sultan si Aladin nang pumayag pakasal sa kanya si Flerida.
___________2. Nagbihis gerero si Flerida upang tumakas nang malamang wala na sa
bilangguan ang kasintahan.
___________3. Naghugos si Flerida mula sa bintana ng palasyo at umalis sa Persia.
___________4. Nang malaman ni Flerida sa sultan kapalit ng kaligtasan ng kasintahang si
Aladin.

Karagdagang Gawain

Gawain 6
Angkop sa karanasan ni Flerida ang kasabihang “Kapag may tiyaga, may
nilaga” na nagpapahayag ng pagtitiyaga sa anumang bagay o gawaing nais
napagtagumpayan. Walang napapala ang isang tao kung ang lahat ay dadaanin sa
kawalan ng tiyaga.
• Isulat sa loob ng kahon ang iyong pangalan, iyong naging karanasan dahil sa
sipag at tiyaga ikaw ay nagtagumpay at kung nakatulong ba ang iyong
karanasan sa iyong pag-unlad.

Pangalan Naging karanasan na Nakatulong ba ang mga


nagtagumpay dahil sa karanasan sa iyong
pagtitiyaga at paghihintay? pag-unlad?
Aralin 28:
Modyul 8
Ikaapat Tagumpay at Kaligayahan
na (Saknong Bilang 373- 399)
Markahan

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at
Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito
iyong inihuhuni mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang
awit na tinutukoy rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Natutukoy ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita sa pangungusap.
d. Nakagbibigay ng mga tungkulin o maaaring gawin ng kabataan upang
mapanatili ang kapayapaan at makatulong sa kaunlaran ng bayan.
e. Nailalahad ang mga kahanga-hangang ginawa ng mga dati at kasalukuyang
pangulo ng bayan na naging dahilan upang sila ay hangaan at kilalanin ng
sambayanang Pilipino.

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan tungkol sa araling ito bilang bahagi ng ating panitikan.
Subukin

Gawain 1
Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap ng wastong sagot. Ilagay ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
________ 1. Nang sakupin ni Adolfo ang Albania si Florante ay nasa _____________.
a. Persia c. Crotona
b. Etolya
________ 2. Bago pumayag si Laura na pakasal kay Adolfo siya ay humngi ng palugit
na _______________
a. labingwalong araw c. dalawang taon
b. limang buwan
________ 3. Nang magkita- kita sina Florante, Laura, Aladin at Flerida ang gubat ay
nagmistulang ___________________
a. palasyo c. paraiso
b. langit
________ 4. Nang mamuno si Florante sa Albania, nanumbalik ang
_______________
a. kayamanan c. katanungan
b. kapayapaan
________ 5. Sina Aladin at Flerida na ang namuno sa Persia nang
_________________
a. mamatay si Sultan Ali- adab
b. nagpabinyag silang maging Kristiyano
c. manalo sila sa digmaan

Tuklasin
Pagkakatulad
Ang Nakaraan

Narinig nina Florante at Aladin ang salaysay ng isang tinig. Ayon sa kanya,
pupugutan ng ulo ang kanyang kasintahan kaya napilitan siyang pakasal sa sultan. Ito
ang naging katumbas ng buhay at kaligtasan ng kanyang kasintahan. Nang malamang
nakaalis na sa kaharian ang kasintahan, isang gabing madilim, nagsuot gerero sita at
tumakas. Nakarating siya sa gubat kung saan lumagi siya ng ilang taon. Dito sila nagkita
ng dalagang kausap nang iligtas niya sa kamatayan. Naputol ang pag-uusap ng dalawang
dalaga sa paglitaw nina Florante at Aladin. Nagkita-kita ang apat makalipas ang ilang
taong pamumuhay sa gubat.
Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 28- Tagumpay at Kaligayahan. Kailangan


na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?

373 Anupa nga't yaong gubat na malungkot,


sa apat ay naging paraiso'y lugod;
makailang hintong kanilang malimot
na may hininga pang sukat na malagot.

374 Sigabo ng tuwa'y unang dumalang-dalang,


dininig ng tatlo kay Laurang buhay;
nasapit sa reyno mula nang pumanaw
ang sintang naggubat, ganito ang saysay:

375 'di lubhang nalaon noong pag-alis mo,


o sintang Florante sa Albanyang Reyno,
narinig sa baya'y isang piping gulo
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.

376 Ngunit 'di mangyaring mawatasan-watasan


ang bakit at hulo ng bulung-bulungan;
parang isang sakit na 'di mahulaan
ng medikong pantas ang dahil at saan.

377 'di kaginsa-ginsa, palasyo'y nakubkob


ng magulong baya't baluting soldados;
O, araw na lubhang kakilakilabot!
Araw na isinumpa ng galit ng Diyos!

378 Sigawang malakas niyong bayang gulo:


Mamatay, mamatay ang Haring Linceo
na nagmunakalang gutumin ang reyno't
lagyan ng estangke ang kakani't trigo.

379 Ito'y kay Adolfong kagagawang lahat


at nang magkagulo yaong bayang bulag;
sa ngalan ng hari ay isinambulat
gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.

380 Noon di'y hinugot sa tronong luklukan


ang ama kong hari at pinapugutan;
may matuwid bagang makapanlumay
sa sukab na puso't nagugulong bayan?

381 Sa araw ring yao'y maputlan ng ulo


ang tapat na loob ng mga konseho;
at hindi pumurol ang tabak ng lilo
hanggang may mabait na mahal sa reyno.

382 Umakyat sa trono ang kondeng malupit


at pinagbalaan ako nang mahigpit,
na kung 'di tumanggap sa haying pag-ibig,
dustang kamataya'y aking masasapit.

383 Sa pagnanasa kong siya'y magantihan


at sulatan kita sa Etolyang Bayan,
pinilit ang pusong huwag ipamalay
sa lilo — ang aking kaayawa't suklam.

384 Limang buwang singkad ang hininging taning


ang kaniyang sinta't bago ko tanggapin;
ngunit ipinasyang tunay sa panimdim
ang pagpatiwakal kundi ka rumating.

385 Niyari ang sulat at ibinigay ko


sa tapat na lingkod, nang dalhin sa iyo;
'di nag-isang buwa'y siyang pagdating mo't
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.

386 Sa takot sa iyo niyong palamara


kung ika'y magbalik na may hukbong dala,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka
ng may selyong sulat at sa haring pirma.

387 Matanto ko ito'y sa malaking lumbay


gayak na ang puso na magpatiwakal
ay siyang pagdating ni Menandro naman
kinubkob ng hukbo ang Albanyang Bayan.
388 Sa banta ko'y siyang tantong nakatanggap
ng sa iyo'y aking padalang kalatas,
kaya't nang dumating sa Albanyang S'yudad,
lobong nagugutom ang kahalintulad.

389 Nang walang magawa ang Konde Adolfo


ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
dumating ang gabi umalis sa reyno
at ako'y dinalang gapos sa kabayo.

390 Kapag dating dito ako'y dinarahas


at ibig ilugso ang puri kong ingat;
pana'y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab.

391 Sagot ni Flerida: Nang dito'y sumapit


ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko'y binibigyang-sakit,
nahambal ang aking mahabaging dibdib.
392 Nang paghanapin ko'y ikaw ang natalos,
pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata't bininit sa busog
ang isang palasong sa lilo'y tumapos..

393 Di pa napapatid itong pangungusap,


si Menandro'y siyang pagdating sa gubat;
dala'y ehersito't si Adolfo'y hanap,
nakita'y katoto ... laking tuwa't galak!

394 Yaong ehersitong mula sa Etolya,


ang unang nawika sa gayong ligaya:
Biba si Floranteng Hari sa Albanya!
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!

395 Dinala sa reynong ipinagdiriwang


sampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,
kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
magkakasing sinta'y naraos na kasal.

396 Namatay ang bunying Sultan Ali-Adab,


nuwi si Aladin sa Persiyang Siyudad;
ang Duke Florante sa trono'y naakyat,
sa piling ni Laurang minumutyang liyag.

397 Sa pamamahala nitong bagong hari,


sa kapayapaan ang reyno'y nauwi;
rito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati.

398 Kaya nga't nagtaas ang kamay sa langit,


sa pasasalamat ng bayang tangkilik;
ang hari't ang reyna'y walang iniisip
kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

399 Nagsasama silang lubhang mahinusay


hanggang sa nasapit ang payapang bayan;
tigil aking Musa't kusa kung lumagay
sa yapak ni Selya't dalhin yaring ay, ay!

(Wakas ng Awit)

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito sa


pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.

Gawain 2
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Nalaman na ang dahilan at hulo ng pangyayari pagkatapos magsalaysay ang saksi.
a. pinagmulan c. sanhi
b. wakas d. bunga
2. Sigabo ng tuwa ang mga mamamayan na sumalubong sa bantog na mang-aawit.
a. sabay- sabay c. sama- sama
b. punung-puno d. ayos na ayos
3. Lumaban ang ehersito nina Florante upang ipagtanggol ang kaharian sa mga
kaaway.
a. pulutong c. barkadahan
b. samahan d. hukbo
4. Pinahuli nila ang lalaking nagtangkang ilugso ang puri ng dalaga.
a. ibaba c. sirain
b. agawin d. baguhin
5. Kailanman ay hindi nagtatagumpay ang balakyot laban sa may ginintuang layunin.
a. mapagpanggap
b. mapag- isip
c. mapag-ingay
d. masamang - loob

Isaisip

Gawain 3
Sa pagkikita- kita nina Florante, Laura, aladin at Flerida, isinalaysay ni Laura ang
nangyari sa Albania. Paglatapos, bumalik ang apat sa kaharian. Subaybayan ang nangyari sa
apat sa pamamgutan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.
Mga Katanungan:
1. Ayon kay Laura, ano ang nangyari sa kaharian pagkaalis ni Florante?
2. Bakit isinisigaw ng mga taong- bayan na mamatay si Haring Linceo
3. Sino- sino ang pinaty ni Adolfo?
4. Ilarawan ang ginawang pamumuno ni Adolfo sa kaharian ng Albania?
5. Sa paanong paraan ginantihan ni Laura si Adolfo?
6. Paano pinaghandaan ni Adolfo ang pagbabalik ni Florante sa kaharian?
7. Pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin siya kung hindi tatanggapin ang inihaing pag-
ibig. Kung ikaw si Laura, ano ang iyong gagawn ing ikaw naman ang pagbabantaan?

Isagawa

Gawain 4
Malaki ang responsibilidad ng isang pinuno ng bayan. Sa kanya ipinagkakatiwala ang
pamamalakad ng bayan. Ngunit kung may responsibilidad ang pinuno ng bayan, may
responsibilidad din ang mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bayan. Ikaw ay bahagi ng
isang bayan. Bilang isang kabataan, paano ka maaaring makatulong sa inyong bayan upang
mapaunlad ito? Ano- ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang kapayapaan at
kaunlaran ng bayan? Ilagay ang sagot sa mga nakalaang patlang.
a. _______________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
c. _______________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 5
Panuto: Ayusin ang pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
Lagyan ng titik A- E ang patlang.
____________ Nagpabinyag sina Aladn at Flerida upang maging Kristiyano bago bumalik sa
Persia
____________ Nang sina Florante at Laura ang namuno sa Albania, wala silang inisp kundi
ang kabutihan ng kaharian.
____________ Nagkita- kita sina Florante, Laura, Aladin at Flerida makalipas ang ilang taong
pananahan sa gubat.
____________ Isinalaysay ni Laura kina Florante, Aladin at Flerida ang nangyari sa Albania.
____________ Dumating si Menandro kasama ang hukbo mula sa pakikidigma sa Etolia.

Karagdagang Gawain

Gawain 6
Malaki ang responsibilidad ng isang pinuno ng bayan. Sa kanya
ipinagkakatiwala ang pamamalakad sa bayan. Sino kaya ang pinuno sa ating bayan
ang inyong hinahangaan sa kabutihang ginawa nila para sa ating bayan?
• Itala sa ibaba ang pinuno na hinahangaan mo at ang mga nagawa nila na
naging dahilan kung bakit sila nakilala at kinikilala ng sambayang Pilipino.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Susi ng Kasagutan
Modyul 8
Gawain 1 (Subukin)
1. Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora Aquino
2. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito.
Gawain 2 (Pagyamanin)
1. alinlangan
2. pinuluputan
3. itinali
4. pamamahala
5. umakit
Gawain 3 (Isaisip)
1. Miramolin
2. labimpito
3. tatlumpong libong kawal
4. Binibid siya ng gapos at ikinulong
5. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
6. Adolfo
7- 8. Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 4 (Isagawa)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
Gawain 5 (Tayahin)
1. Turkiya
2. Miramolin
3. labimpitong
4. Etolya
5. monarka
6. Albania
7. Menandro
8. tatlumpong
9. Adolfo
10. labingwalong
Gawain 6 (Karagdagang Gawain)
Nasa guro ang pamantayan sa bahaging ito
SANGGUNIAN

Aklat:
Batayang Akdang Pampanitikan (Obra Maestra) Florante at Laura, pahina 173- 204
Online:

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-26-ang-pagtataksil-ni-adolfo_1225.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-27-ang-salaysay-ni-aladin_1226.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-28-si-flerida_1227.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-29-ang-sinapit-ni-laura_1228.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-francisco-baltazar-a-complete-
modern-tagalog-version-kabanata-30-masayang-wakas_1229.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


E-mail Address: blr.lrdqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like