Professional Documents
Culture Documents
TQ 1
TQ 1
Pangalan:_____________________________________Baitang at Seksyon:_____________Petsa:_________
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap na nakasulat sa ibaba at tukuyin kung ano ang hinihingi. Piliin ang
sagot mula sa mga salita na makikita sa mga kahon, at isulat ang titik ng pinakaakmang sagot. Kung sa iyong palagay ay
wala sa mga pagpipilian ang sagot, isulat ang akmang sagot sa patlang. (N x 1)
II-A. Panuto: Basahin ng mabuti ang hininhingi na kayarian na salita sa ibaba at magbigay ng mga halimbawang salita.
Ilagay ang iyong mga kasagutan sa kahon. (N x 1)
Sanhi-Bunga Bunga-Sanhi
1. 3.
2. 4.
II-C. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa batay sa mga sumusunod na sitwasyon. (N x 1)
III. Panuto: Basahin ng mabuti ang ilang pangyayari sa kuwentong-bayan na pinamagatang “Manik Buangsi” pagkatapos
ay isa-ayos ang pangyayari ayon sa tamang pagkasunod-sunod nito. Gamitin ang mga bilang na 1-10 sa pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______Agad na nahulog ang puso ni Tuan Putli kay Manik Buangsi kaya sinagot niya ito at sila ay nagpasiyang
magpakasal.
_______Isang gabi habang natutulog si Tuan Putli, nakalimutan ni Manik Buangsi na bumalik sa punong bayabas dahil
nakatulog din ito.
_______Tuwing gabi ay bumibisita si Manik Buangsi kay Tuan Putli sa Silid-tulugan nito at kapag nag-umaghan na ay
babalik siya sa punong bayabas.
_______Hindi isang pangkaraniwang tao si Manik Buangsi. Nakatira siya sa pook ng mga Bathala, kung saan walang sakit,
gutom, paghihirap, at kamatayan.
_______Marami nang makikisig at maharlikang binata ang sumubok manligaw kay Tuan Putli. Subalit lahat sila’y bigo na
mapaibig siya. Kung bakit ay dahil may iba nang napupusuan ang dalaga.
_______Kinaumagahan ay nagulat si Tuan Putli ng may isang lalaki na nakatulog sa kanyang silid ngunit napagtanto niya
ito na siya pala ang lalaki na nabumibisita tuwing gabi sa kaniyang panaginip.
_______Lingid sa kaalaman ni Tuan Putli, nasa loob ng isa sa mga bungang iyon si Manik Buangsi. Kinagabihan, biglang
nagsabog ng liwanag ang pinakamapintog na bunga ng pubong bayabas. Mula rito’y lumitaw si Manik Buangsi.
_______Noong unang panahon, may isang sultan na may pitong anak dalaga. Bawat isa kanila’y likas na maalindog at
kahali-halina. Para silang mga diwata na bumaba mula sa kalangitan. Gayunman, pinakanamumukod sa lahat ang bunso
na si Tuan Putli.
_______Isang araw, hindi na nakatiis si Manik Buangsi. Nais niya nang malapitan si Tuan Putli. Dali-dali ay dumulog siya
sa Dakilang Bathala at hinigi ang pahintulot nito. Batid naman ng Dakilang Bathala ang tapat na pagsuyo ni Manik
Buangsi sa tagalupa. Agad nitong ibinigay ang kanyang basbas.
_______Maya-maya pa sa gitna ng pananagis ng pulubi ay isang dilag ang lumapit sa kaniya-si Tuan Putli. Agad na
inihandong sa kaniya ng dilag ang bitbit nitong buslo ng mga tinapay at prasko ng tubig. Maging ang suot na balabal ng
dilag ay ibinigay na rin niya. Halos maluha ang pulubi sa labis na kasiyahan.
IV-A. Panuto: Suriin ng mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Bilugan mo ang sanhi, salungguhitan mo ang naging
bunga at ikahon mo ang pang-ugnay na salita. (N x 1)
4. Hindi nag-aral si Loyd kaya mababa ang kaniyang marka sa kanilang pagsusulit.
5. Pinag-aralang mabuti ni Ace ang kanyang leksyon kagabi kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
6. Takot na takot si Daniela na maglakad sa gabi sapagkat napipinto siyang baka may dumukot sa kanya.
7. Nagsikap ng mabuti ang mga mag-aaral sa 7- GA upang sabay-sabay silang makapagtapos ng pag-aaral.
8. Upang payagan si Marga na manood ng telebisyon, ginawa niya nang maaga ang kaniyang takdang-aralin.
9. Napapagalitan ang mga mag-aaral sa 7- FOP ng guro dahil maingay silang sumasagot ng kanilang pagsusulit
.
10. Nagkakaisa ang mga mag-aaral sa 7- COA gawa ng pagtulong nito sa iba pang mag-aaral sa kanilang paaralan.
IV-B. Panuto: Ibigay muna ang iba’t ibang bahagi ng banghay, pakatapos ay suriin ng mabuti ang kuwento sa
pamamagitan ng pag-uuri ng banghay nito batay sa nasuring kuwento. (Isang punto para sa pagbibigay ng bahagi ng
banghay at isang punto para sa Pag-uuri ng banghay)
Noong unang panahon, may isang matandang babae nga may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi ng
lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na
bumibisitaang mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilmatandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang
magagandang bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mha mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging
nagliliwanag ang kapaligiran at may kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng tanim.
SInubukannilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.
Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila
at pumitas ng bulaklak na walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan
lamang siya dahil sa pangit nitong anyo.
Dahil sa kalapastangan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng
dalawa at nakita ng mga taumbayan na may kakaiba na palaging nagaali-aligid sa mga bulaklak.
5.
4.
1.
6.
3.
2. 7.