Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Charlemagne Darwin Peraja y Gutierrez, may sapat na taong


gulang, kawani ng Oriental Mindoro Electric Cooperative at naninirahan sa
Calapan City, Oriental Mindoro, ay kusang loob na nagbibigay ng salaysay
base sa itinadhana ng batas.
Na, noong Nobyembre 14 taong kasalukuyan ay may nagchat sa aking
social media account sa facebook at nag pakilalang si Jekka Reyes. Gusto daw
niyang makipag-kaibigan, makipagkita at magkakilala kami ng personal.
Inimbita din nya ako sa kanyang staff house sa CARD Bank Victoria Branch
kung saan siya nagtatrabaho. At dahil hindi ko naman siya personal na kilala
ay tumugon lang ako ng isang pasasalamat sa kanyang imbitasyon.
Na, noong araw ding iyon ay kausap din pala niya ang aking asawa na si
Mary Ann D. Peraja sa facebook kung saan ay puro paninira naman ang
sinasabi ni Jekka tungkol sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Ganon
pa man ay nag usap kami ng aking asawa ng maayos at nagkasundo na wag
na lamang pansinin itong Jekka at inisip namin na wala lang siyang magawa
at gusto lang sirain ang aming pagsasama at na wag naming hayaang
magtagumpay siya.
Na, noong Desyembre 7 taong kasalukuyan ay muling nagpost itong si
Jekka sa aking facebook na nagaakusa sa akin ng kung ano anong paninira at
akusasyon na wala naman akong kinalaman.
Na, noong araw ding iyon ganap na alas dose ng tanghali ay
napagpasyahan kong puntahan na itong si Jekka sa kanyang opisina upang
kumprontahin at kausapin at malinawan tungkol sa kanyang paninira na
ginagawa sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan.
Na, pagdating ko sa kanyang opisina ay agad kong kinausap ang
kanyang Branch Manager para maging maayos ang aming paguusap at
paghaharap. Na, sa mga oras na iyon ay ipininatawag na niya itong si Jekka
para kami ay pagharapin.
Na, sa aming paghaharap sa unang pagkakataon ay labis na ikinagulat
ni Jekka ang kanyang mga nalaman tungkol sa akin at wala daw siyang
kinalaman sa lahat ng nangyari. Na, sa mga oras na iyon ay humingi sya ng
paumanhin at pasensya sa akin at ako ay naliwanagan.
Na, ayon sa kanya ay may gumawa lang din daw nang isang dummy or
fake account sa facebook at gamitin ito sa paghihiganti laban sa kanya para
siraan sya sa kanyang sariling kompanyang pinagtatrabahuhan at sa mga
taong nakakakilala sa kanya.
Na, ayon sa kanya ay ang taong gumawa daw ng dummy or fake account
na iyon ay ang kanyang dating kasintahan na si PO1 Mario S. Perez, isang
pulis na kawani ng Pambansang Kapulisan Ng Pilipinas.
Na, ginawa ko ang salaysay na ito sa kahilingan ni Jekka Blanca Reyes
y Tolentiono para sa katotohanan at para sa pagsasampa ng kaso sa
hinaharap.

CHARLEMAGNE DARWIN G. PERAJA

You might also like