Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

 

Napiling artikulo

Isang Pilipinang mang-aawit si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo


13, 1980) na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol
ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian
siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang
estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng
Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong
Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood.
Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin
ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa
Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang Amerikanong mamamayan mula Puerto Rico ang kanyang
ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Iniwan sila ng kanyang
ama noong apat na buwang gulang pa lang siya, habang namatay ang kanyang ina noong siya ay
14 na taong gulang. Mayroon siyang kapatid sa labas mula sa kanyang ina at tatlo pang kapatid sa
labas mula sa kanyang ama. Madalas siya kutsyain at tuksuhin noong bata dahil sa kanyang maitim
na balat, dahilan ng kanyang takot na pumasok sa paaralan.

You might also like