Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ng 

natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni


Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang
dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang
kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni
Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang
kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing
Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon.
Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang
mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad
o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga
pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga
estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing
Kapaskuhan.

You might also like