Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

 Ang katutubong panitikan ay napapailalim sa

kategoryang tinatawag na Matandang


Panahon.
 Ang panahong ito ay nagsimula noong
unang pagdating ng mga Negrito o Aeta
hanggang sa taong 1521.
 Sa panahong ito, ang mga sinaunang
Pilipino ay mayroon ng sariling sining at
panitikan.
 Ang sistema ng pagsulat sa panahong ito ay
tinatawag na Alibata. Ito ay binubuo ng
tatlong patinig at 14 na katinig.
 Ang mga simbolong ito ay isinulat ng mga
sinaunang Pilipino sa mga dahon, balat ng
mga punong-kahoy, at makikinis na bato.
 Ang mga ginamit naman nila sa pag-ukit ay
ang mga matutulis na bato at kahoy.
 Ang paraan naman ng pananalita ay
nasasailalim sa pag-uuri ng panitikan na ayon
sa paghahalin. Ang ayon sa paghahalin ay may
tatlo pang kabahaging uri: pasalindila,
pasalinsulat, at pasalintroniko. Nabibilang ang
katutubong panitikan sa uri na pasalindila.
 Ang pasalindila ay paraan ng paglilipat ng
panitikan gamit ang dila at bibig.
 Karamihan sa mga panitikan nila ay mga
pasalindila tulad ng mga bulong, bugtong,
epiko, salawikain, atbp.
 Ayon sa alamat ng mga Tagalog, si Bathala at
isa sa mga sinaunang Diyos ng Mundo ang
lumikha sa mga bagay-bagay sa ating paligid.
Kasama niyang nilikha si Amihan (Hari ng
Hangin) at si Aman Sinaya (Hari ng Dagat).
 Si Bathala at iba pang mga Diyos at Diyosa ay
naninirahan sa tinatawag na Kalualhatian.
 Para sa mga sinaunang Pilipino, ang mga
espirito ng mga namatay, mga elementong lupa
at mga diwata ang nagsisilbing
tagapagpamahala at tagapamagitan ni Bathala,
ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao.
 Ang katunggaliang Diyos ni Bathala ay si
Bakonawa, ang Hari ng Kasamaan o
Kadiliman at ang kaniyang mga alagad na
mga Aswang at Mangkukulam.
 Ayon rin sa alamat, si Bathala ay sumiping
sa isang babaeng mortal nang minsang
bumisita sa lupa. Sila ay nagpakasal at
nagkaroon ng tatlog anak: Si Apolaki (Diyos
ng Pakikidigma at Araw), si Mayari (Diyosa
ng Buwan), at si Tala (Diyosa ng mga Bituin).
 Ang katutubong panitikan ay tumatalakay sa
paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang
Pilipino.
 Punung-puno ito ng matatandang kaaralang
nagsisilbing gabay ng mga tao noong panahon
nila. Nasasalamin din ang kanilang mga
magagandang kaugalian, paniniwala o
prinsipyo.
 May mga kaugnayan din ito sa simple at
karaniwan nilang pang-araw-araw na
pamumuhay at pagpapahalaga sa kanilang
 May mga ulat tungkol sa mga katutubong
Bathalang Pilipino at sa kanilang mga
nagawa. Maraming mga awitin o kantahin at
berso tungkol sa mga gawaing maka-Diyos
upang magsaad ng pagkadeboto; may mga
bersong tungkol sa kasaganaan at
kaligayahan sa tahanan, sa bukid, sa dagat
at kahit saanman at mayroon pang bersong
nagsasaad ng pag-ibig at pagkamatapat sa
barangay at sa mga namumuno nito.
 Iilan na lamang ang natagpuang mga
ebidensya ng mga arkeologo sa panahong
ito, sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating ang mga Kastila sa bansa dahil sa
paniniwala na ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
 Ang mga iba naman na nakasulat sa mga
dahon at kahoy ay nasira na dahil sa
pagkalipas ng maraming taon.
 Awiting Bayan – tulang inaawit na nagpapahayag
ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga
taong naninirahan sa isang pook
 Bugtong – isang masining na paglalarawan ng
isang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamit
bilang pang-aliw sa mga pagtitipon. May sukat o
tugma.
 Salawikain – isinasaad sa maiiksing pangungusap
subalit ito ay makahulugan at makabuluhan
 Alamat – nagsasalaysay tungkol sa
pinagsimulan ng mga bagay-bagay.
 Mito – kuwento tungkol sa mga Diyos o Diyosa
 Epiko – mahabang tula na inaawit o binibigkas.
Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at
kabayanihan ng isang mamamayan.
 Kasabihan – nagbibigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay
 Bulong – paghingi ng pasintabi sa mga di
nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupa
tulad ng duwende.
 Palaisipan – tulad ng bugtong, nagpapatalas
din ng isipan ngunit hindi ito nakataludtod,
walang sukat o tugma at nakasulat sa
anyong pakuwento.
 Sawikain – salita o grupo ng mga salitang
patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng
hindi tuwirang kahulugan
 Kwentong Bayan
 Oyayi o Ayayi – awiting panghele sa bata
 Diyona – awitin tungkol sa kasal o
pagharana
 Kundiman – awit ng pag-ibig
 Kumintang – awit ng pandigma
 Soliranin – awit sa paggagaod
 Tikam – awit ng pandigma na pang-akit sa
pakikihamok o pagbati sa bayaning
nagtatagumpay
 Talindaw – awit sa pamamangka
 Kutang-kutang – awiting panlansangan
 Maluway – awit sa sama-samang paggawa
 Pananapatan – panghaharana sa Tagalog
 Sambotani – awit ng pagtatagumpay
 Balitaw – awit sa paghaharana ng mga
Bisaya
 Dalit – awit sa panrelihiyon
 Pangangaluwa – awit sa araw ng mga patay
ng mga Tagalog
 Dunga-aw – awit sa patay ng mga Ilokano
 Labaw Donggon (Ilonggo)
 Parang Sabir (Moro/Tausug)
 Ibalon (Bicolano)
 Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
 Hudhud (Ifugao)
 Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)
 Hinilawod (Bisaya)
 Bathala/Alah – pangunahing Diyos
 Amihan – Diyos ng hangin
 Aman Sinaya – Diyosa ng dagat
 Idionale – Diyos ng mabuting gawain
 Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan
 Apolaki – Diyos ng digmaan
 Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani
 Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig
 Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang
buhay
 Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay
 Tala – Diyos ng pang-umagang bituin
 Mayari – Diyosa ng Buwan
 Bakonawa – Hari ng Kasamaan o Kadiliman
 Patianak – Tagatanod sa lupa
 Mamanjig – Tagapangiliti ng bata
 Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa
ilalim ng lupa
 Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
 Tanggal/Aswang – matandang babaeng
sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang
paglalakbay, iniiwan ang kalahati ng
kaniyang katawan.
 Tama-Tama – maliit na taong kumukurot o
nagpapaiyak ng sanggol
 Kapre – maitim na higanteng laging
nakatabako
 Salot – nagsasabog ng sakit
 http://www.scribd.com/doc/35466487/Kasaysayan-
ng-Panitikan-sa-Pilipinas
 http://eskwela-apc-
nstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf
 http://cytheria-07.xanga.com/640066805/-pagsibol-
paglago-at-pamumunga-ng-panitikang-filipino/
 http://www.ppt2txt.com/r/60ffb083/
 http://www.pinoyhenyo.com/Ano_ang_kasaysayan_
ng_Panitikang_Pilipino-20081013065645428.html
 http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyan
g-pinoy-si-bathala/
 http://www.affordablecebu.com/load/literature/awi
ting_bayan/22-1-0-956

You might also like