Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools


SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

F
I
L
I
P
I
N
O DETALYE NG KUWENTONG
/BALITANG BINASA

6
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
DETALYE NG KUWENTONG/BALITANG BINASA

Sa modyul na ito ay inaasahang maibibigay nang


malinaw ang mahalagang detalye na sumusuporta sa mga
pangunahing diwa sa kuwento/balita/ulat na napakinggan.

Naisasalaysay ayon sa wastong pagkasunud-sunod ang


mahahalagang pangyayari ng kuwentong/balitang
napakinggan.

Pagbalik-aralan

Basahin ang mga balitang nakatala sa ibaba. Alin sa mga


ito ang iyong napakinggan?

Namatay ang Papa

Natalo si Pacquiao kay Morales

Nahulihan ng droga si Nora Aunor

Sagutin ang tungkol sa balitang napakinggan.

1. Kailan namatay ang Papa?


2. Bakit natalo si Pacquiao kay Morales?
3. Bakit nahulihan ng droga si Nora Aunor?
4. Sino ang maaaring makatulong kay Nora Aunor?
5. Ano kaya ang kanyang nadama nang siya’y mahulihan ng droga?

1
Pag-aralan Mo

Basahing mabuti ang balita

Chiz atras na sa 2010 polls

Burado na ang plano ni Senator Francis “Chiz” Escudero na sumabak


sa presidential elections sa susunod na taon dahil hindi pa umano niya
panahon. Ang pag-atras ay inihayag ni Escudero sa Club Filipino sa
Greenhills, San Juan kahapon ng alas-8 umaga, halos isang buwan matapos
siyang kumalas sa kaniyang partidong Nationalist People’s Coalition (NPC).
Inamin ni Escudero na hindi ang 2010 presidential elections and
tamang panahon upang isulong niya ang kanyang planong pagtakbo biang
president ng bansa kung saan tatakbo rin ang itinuturing niyang matalik na
kaibigan na si Senator Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
Ilang beses na umano niyang sinabi na wala siyang ibang gusto kundi
ang “presidency” sakaling muling kumandidato, pero hindi umano niya ito
gagawin kung mawawala naman ang kanyang pagkatao at kaluluwa.
Idinagdag ni Escudero na patuloy pa rin siyang mangangarap ng isang
bagong Pilipinas at patuloy umano siyang mananalig sa kakayahan ng mga
Pilipino.

Metro Ngayon
Nov. 25, 2009

A. Sagutin ang mga tanong sa inyong kuwaderno batay sa balitang inyong


binasa

1. Sino ang pangunahing tauhan sa balita?


2. Ano ang inihayag ni Escudero sa Club Filipino?
3. Saan nangyari ang kanyang pagpapahayag?
4. Kailan nangyari ang pagpapahayag ni Escudero?
5. Ano ka yang nararamdaman ni Escudero para sa matalik niyang
kaibigan at siya’y umatras sa laban?
6. Paano nila pinapahalagahan ang kanilang pagkakaibigan?

2
B. Isulat sa kuwaderno ang mahahalagang detalye sa balitang iyong binasa.
1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____

Isaisip Mo

Ang balita ay nagsasaad ng mahahalagang mga pangyayari na


nagaganap sa iba’t ibang pook ng bansa. Isinasaad dito ang pangunahing
tauhan na pinangyarihan, kailan nangyari at bakit nangyari.

Ngayong alam mo na kung paano ang pagtukoy sa pangunahing diwa,


maaari ka nang magpatuloy sa susunod na gawain.

Pagsanayan Mo

Ngayong alam mo na ang kahulugan ng balita. Maaari ka nang gumawa


ng isang balita ukol sa pangyayaring naganap sa inyong paaralan.

Sundin ang pormat :

1. Kailan
2. Pangyayari
3. Tauhan

Subukin Mo

Basahin ang balita at isulat nang malinaw ang


mahahalagang detalye nito sa pamamagitan ng paglalagay sa
talahanayan.

3
Ang mga mag-aaral sa Unang Pangkat ng Ikalimang Baitang sa
Paaralang Juan Sumulong at tumanggap ng mga kuwaderno at bolpen mula sa
puno ng lungsod ng antipolo na si Kgg. Angelito Katlabayan.
Ang pamimigay ng mga gamit sa mga mag-aaral ay ginanap sa paaralang
nabanggit ganap na ika 9 ng umaga kahapon. Ang pasasalamat sa puno ng
lungsod ay pinangunahan ng punongguro, Dr. Ricardo de Guzman at Alfred
Ardon, pangulo ng klase.

Sino Kailan Ano Bakit Paano

Sa mga balitang ating pinag-aralan isulat sa inyong notbuk ang mga


pangalang ginamit sa balita. Gumamit ng malalaking titik.

You might also like