Professional Documents
Culture Documents
LAS-Fil 8 3
LAS-Fil 8 3
Kuwarter 3– MELC 2
Pagbibigay-kahulugan sa mga
Lingo/Termino na Ginagamit sa
Mundo ng Multimedia
i
Filipino 8
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 2
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City
Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.
ii
MABUHAY!
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).
iii
Kuwarter 3, Linggo 1
Petsa: __________________________
III.Mga Sanggunian
Sariling Katha
Brugada, Mary Rose B. (2021). Social Media sa Panahon ng Pandemya. Hindi
nailathang sanaysay.
1
“Social Media sa Panahon ng Pandemya”
ni: Mary Rose B. Brugada
Kasabay ng pag-unlad at pagbabago ng ating panahon ay ang pagbabago rin ng
mga nakaugalian na ng kabataan ngayon. Ang kabataan sa kasalukuyan ay
nabubuhay na sa mundo ng social media. Halos lahat ay mayroon ng social media
accounts gaya ng facebook, twitter at instagram lalo na ngayong panahon ng
pandemya kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon at paggala. Dahil dito madali ng
malalaman ng nitezens ang mga kaganapan sa buhay ng isang tao. Bukod sa tatlong
social media accounts na nabanggit ay trending din ngayon ang pagkakaroon ng
youtube account. Lalong dumami ang mga vlogger na naghahangad na mang-aliw at
magpasaya sa atin araw-araw. Dumami rin ang mga online gamer lalo na sa sikat
na larong ML o mobile legends. Halos lahat yata ng kabataan ngayon ay
nahuhumaling sa larong ito sa internet.
Bukod sa mga unang nabanggit malaki rin ang ambag ng social media sa buhay
ng mga mag-aaral, lalo na ngayong panahon ng pandemya na kung saan
ipinagbabawal ang “face to face learning”. Sa tulong ng google ay maaari na nilang
malaman ang iba’t ibang impormasyong makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Maaari ring magkaroon ng online class sa tulong ng iba’t ibang aplikasyon sa internet
gaya ng messenger room, google meet, zoom, webex at marami pang iba. Malaking
tulong din ang messenger sa madaliang pagpapadala ng mensahe, lalo na’t mayroon
itong “gc” o groupchat.
Talaga nga namang napakalaki ng ambag ng social media sa buhay ng tao.
Ngunit kasabay ng paggamit nito ay ang pagpapakita ng netiquette o tamang pag-
uugali sa paggamit ng social media. Maging maingat sa mga salitang pino-post o
binibitiwan lalo na kapag masama ang iyong loob. Wika nga nila “think before you
click”.
2. Pagsasanay/Aktibidad
A. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga lingo/termino na ginagamit sa
mundo ng multimedia mula sa binasang sanaysay.
B. Matapos maitala ang mga Lingo/termino mula sa binasa, bigyang
kahulugan ang mga ito batay na rin sa binasang sanaysay.
V. Repleksiyon
Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel.
Ang mga natutuhan ko sa aralin ay ______________________________________
2
3
Pagsasanay /Aktibidad
A. Social media, facebook, twitter, instagram, nitezen, trending,
vlogger, online gamer, ml, gc, messenger, chat, post,netiquette
B. Nitezens - mga taong aktibong gumagamit ng internet
Social Media – sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao sa
pamamagitan ng
internet
Trending – napag-uusapan sa internet lalo na social media
Vlogger – taong nagbabahagi ng kanilang sariling buhay sa harap ng
kamera
Chat – makabago at mabilis na paraan ng pagpapadala ng mensahe
Millennial – tawag sa mga teenagers sa panahon ngayon
Netiquette - tamang pag-uugali sa paggamit ng social media
Mga Batayang Tanong: (posibleng sagot)
1. Malaki ang maitutulong nito sa aking pag-aaral dahil nagbibigay ito
ng mga impormasyong kinakailangan ko sa aking pag-aaral.Naka-
aaliw rin ito sa akin upang muling manumbalik ang aking sigla at
makapag-aral muli.
2. Kapag sobra at hindi wastong paggamit dito. Maaaring hindi na sila
makakain kapag napasobra ang pagbababad sa internet na siyang
magiging dahilan ng kanilang pagkakasakit.
3.
4. Gamitin ito sa tamang paraan. Laging isaisip ang mga netiquette sa
paggamit ng social media. Huwag itong abusuhin dahil lahat ng
sobra ay masama.
VI. Susi sa Pagwawasto