Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: _________________________Baitang/Seksyon:__________ Asignatura: EsP 8

Guro: _____________________________ Iskor: ___________ Petsa: ______________


Aralin : Markahan 4- Linggo 2 LAS 2
Pamagat ng Gawain : Katapatan sa Salita at sa Gawa
Layunin : Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa
salita at gawa
Sanggunian : EsP8 LM (Quarter 4), MELC EsP7 EsP8PBIIIh-12.4
Manunulat : Cherilyn C. Manlulu, T-3

May kasabihan na action speaks louder than words. Patunay ito na mas binibigyan ng halaga
ang gawa kaysa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon lamang ang pansin ng marami
sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan. Nakaligtaan na ang kilos din ng tao ay may
kakayahang lumabag sa katapatan.
Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay na hindi niya
pag-aari, at hindi manlilinlang o manloloko ng kanyang kapwa sa anumang paraan. Ito ang
pagkakaayon ng isip sa katotohanan. Ang bawat tao ay nararapat magtataglay ng mataas na
pamantayang moral para sa kaniyang sarili at maging tapat sakaniyang salita at gawa.
Mahalaga na sa lahat ang ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o maliit,
lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng
pagsisimula sa maliit na bagay. Katulad na lamang sa tatlong (3) maliliit na huwaran ng asal
(behavior patterns) na nagpapakita ng malalaki at magkakaugnay na birtud.
1. Gumawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan para rito?
2. Ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mo ban g iyong sarili siniguro mo na ito ay
may kalakip na moral sa awtoridad (moral authority)? O ikaw ba ay marunong tumanggap ng
pagkakamali (openness and humility)?
3. Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan
(sincerity or honesty)?
Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na kakailanganin mong
gumawa ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang pagtakpan ang iyong mga
pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo na ang mga ito upang makapamuhay ka
nang puno ng katapatan.

Panuto: Buuin ang mga nawawalang salita sa loob ng kahon upang makuha ang konsepto ng
katapatan.
_______________________
_______________________
Ang pagiging ay pagpapatunay
Matapat sa ng pagkakaroon ng _______________________
_______________________

Ito ay may layunin _______________________ Gabay


_____________________ ang

Insert QR
Code here

You might also like