FOURT QUARTER AP-Modyul 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

8

AralingPanlipunan
Ikaapat na Markahan- Modyul 2
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Alamin
Inihanda ang modyul na ito upang matulungan at magabayan ang mag-aaral na maunawaan
at matukoy ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Nakatuon ang modyul na ito ukol sa mga salik na nagbigay daan sa pagsiklab, mga kaganapan at
epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayari at bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. ( AP8AKD-IVb-2)

Paalala sa mga Mag-aaral:


• Basahin at unawaing mabuti ang bawat teksto o paksa bago dumako sa mga gawain.
• Unawaing mabuti ang panuto ng bawat gawain upang maisagawa ang bawat pagsasanay ng
maayos at tugma sa hinihingi ng panuto.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Balikan
Gawain 1. Alaala ng Kahapon…Partner Tayo!
Pagtambalin ang mga aytem sa hanay A at hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

1. Versailles A. Pinakamabagsik na raider ng Germany


2. Triple Entente B. Nagbigay wakas sa World War I
3. Militarismo C. Pagmamahal sa bayan
4. Nasyonalismo D. Kaalyado ng France at Russia
5. Imperyalismo E. Naghudyat sa pagsiklab ng World War I
6. Emden F. Punong Ministro ng Great Britain
7. Krisis sa Bosnia (1914 G. Pagpapalakas ng Hukbong Sandatahan
8. David Llyod George H. Lumagda sa Proclamation of Neutrality
9. Great Britain I. Binuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy
10. Woodrow Wilson J. Panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa
sa mga mahihinang bansa.
Tuklasin
Gawain 2: Ako ang Katapat Mo!
Ibigay ang mga bansang kaanib ng dalawang magkalabang puwersa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Isulat ito sa loob ng “arrow”.

ALLIED POWERS AXIS POWERS

VS

Suriin

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Inagaw ng Japan ang lungsod Manchuria noong 1931. Dahil dito, kinundena siya ng Liga ng
mga Bansa at sinabing mali ang kanyang ginawang paglusob. Kasunod ng pagkundena ay
itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa (1933)
Umalis ang Germany sa liga dahil para sa kanya ay isang paglabag sa karapatan nila ang
pagbabawal ng Liga na sila ay muling magsandata.
Nais din niyang labagin ang probisyon ng Kasunduang Versailles na naglagay sa kanya sa
kahiya-hiyang kalagayan. Muling nagsandata ang Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler sa
ilalim ng pamahalaang Nazi.
Nakipag alyansa naman ang France sa Russia upang paghandaan ang muling pagpapalakas ng
Germany.
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia noong 1935. Tuwiran niyang
nilabag ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the League).
4. Digmaang Sibil sa Spain
Nagsimula ang digmaang sibil noong 1936 sa pagitan ng pasistang Nationalist Front at ang
sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista sa labanan, marami ang nadamay
sa digmaang ito dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
5. Pagsanib ng Austria at Germany ( Anschluss)
Nais ng Austria na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ito ay tinutulan ng mga kasapi
ng Allied Powers ( France, Great Britain at United States). Tinutulan rin ng Italy, subalit
nawalan ng bisa ang kanyang pagtutol noong 1938 dahil sa Kasunduang Rome-Berlin-Tokyo
Axis.
6. Paglusob ng Germany sa Czechoslovakia
Hinikayat ni Adolf Hitler ang mga German sa Sudeten noong Setyembre 1938 na pagsikapan
nilang matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat naman ng England si Hitler na
magdaos ng pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten, gayundin ang
mga natitira pang teritoryo sa Czechoslovakia.
7. Paglusob ng Germany sa Poland.
Ang tuluyang nagpasiklab ng Ikalawang Digmaan sa Europe ay ang malakidlat na paglusob
ng Germany sa Poland noong 1939. Tinawag itong blitzkrieg. Ang pagsakop na ito ay ang
paglabag ng Germany sa kasunduang Ribbentrop-Molotov nila ng Russia na hindi na muling
makikidigma.
Ginawa ito ng Germany dahil sa hindi pagsali ng Russia sa negosasyon sa krisis ng
Czechoslovakia at ikalawa ay nang mainis ang Russia sa England nang ang ipinadalang
negosyador ng England sa Kasunduan ng Pagpupulungan ( Mutual Assistance Pact) ay hindi
isang importanteng tao..
Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Adolf Hitler, https://www.onthisday.com/images/people/adolf-hitler-medium.jpg


https://img.newspapers.com/img/thumbnail/39323118/300/225/0_0_4644_6621.jpg

Sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo
ang mga ito noong tag-araw ng 1939. Tinangka rin niyang kunin ang Baltic Port at ang Polish Corridor
mula sa Poland, subalit tumanggi ang Poland kaya nagkaroon ng krisis sa lugar. Dahil dito sinalakay
ng puwersa ni Hitler sa himpapawid at sa lupa ( Nazismo) ang Poland noong Setyembre 1, 1939. Ang
paglusob bg Germany sa Poland ang naging mitsa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang malaman ito ng Great Britain
at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia
na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay din sa Poland sa gawing Silangan.
Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ito ay pinaghatian ng Germany at Russia.
Ang Digmaan sa Europe
Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang sa likod ng Maginot Line.
Hindi agad sumalakay ang mga German pagkatapos nilang masakop ang Poland. Walang gaanong
operasyong militar sa Europe matapos masakop ng Germany ang Poland, tinawag itong Phony War
dahil sa pananahimik ng digmaan. Tinawag naman ito ni Winston Churchill na Twilight War at ng
mga German na Sitzkrieg na nangangahulugang Sitting War.
Noong Abril 1940, ang Phony war ay natapos sapagkat tinuloy na ni Hitler ang mga biglaang
paglusob na walang babala.
Ang mga taga Norway ay lumaban subalit sila ay madaling natalo samantalang ang mga taga-
Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral
na mga bansa ng Belhika, Holland At Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong German ang mga
bansang ito na kung tawagin ay low countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran at tulay.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang hukbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan ay
nagpasya na si Winston Churchill, ang Punong Ministro ng England na umurong ang kanyang hukbo.
Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa German ay itnuring na Epiko ng Dunkirk.
Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanyang tanggulan ay nabigla nang
dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga German noong ika-10 ng Hunyo, 1940. Bumagsak
ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
Ang United States at ang Digmaan
Nangamba ang Amerika sa pagkapanalo ng Nazi sa Europe. Nabahala sila sa kaligtasan ng
England pati na sa layunin ng Demokrasya. Bilang tugon, pinagtibay ng Kongreso ng United States
ang batas na Lend Lease kung saan magbibigay ang America ng mga kagamitang pandigma sa lahat
ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Noong 1941, naging miyembro ng Allied Powers ang
United States of America.
Battle of Britain
Tinangka ng Germany na sakupin ang Great Britain. Nagsagawa ito ng matinding pagbobomba sa
mga base ng Royal Air Force, ang hukbong panghimpapawid ng Great Britain noong Agosto 1940.
Nagpatuloy ang pambobomba ng Luftwaffe, ang hukbong pamhimpapawid ng Germany. Sa loob
ng 57 gabi, naging tuon ng pagbobomba ang London, kabisera ng Great Britain.
Labanan sa Mediterranean
Naganap ang First Battle of El Alamein noong Hulyo 1940. Dito napigilan ang Germany sa
pagsakop sa Alexandria at sa Suez Canal sa Egypt. Natalo ang Germany sa Second Battle of El
Alamein noong Oktubre hanggang Nobyembre 1942.
Sinakop naman ng Italy ang Greece mula sa base nito sa Albania noong Oktubre 1940. Lumaban
ang mga Greek at napalaya ang ¼ ng Albania noong Disyembre 1940. Samantala, nagsimula ang
North African Campaign sa taon ding iyon at inatake ng Italy ang puwersang British sa Egypt.
Pagdating ng Agosto 1940, nasakop ng Italy ang East Africa.
Ang Atlantic Charter at Arcadia Conference
Noong Agosto 1941, nagpulong sa baybayin ng Newfoundland sina Pangulong Theodore
Roosevelt ng United States, at si Winston Churchill ang Punong Ministro ng England. Doon nila
isinagawa ang Atlantic Charter, na nagbigay ng isang tiyak na kasunduan na “pagkatapos wasakin
ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na
muling gagamit ng puwersa”.
Noong Disyembre 1941 hanggang Enero 1942, nagkaroon ng Arcadia Conference kung saan
napagpasyahan ng mga lider ng Allies na unahing talunin ang Germany kaysa Japan. Napagpasyahan
din na ang petsa ng paglapag ng pwersang Allies sa Africa ay Hulyo 1942.
Inilunsad ng Allies ang Operation Torch noong Nobyembre 1942 sa pamumuno ni Heneral Dwight
Eisenhower, upang makontrol ang Morocco at Algiers. Sa Battle of Kasserine Pass, tinalo ni Heneral
Erwin Rommel ng Germany ang mga Allies sa pamumuno ng U.S.
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantala, habang abala ang hukbong German ( Nazi) na namiminsala sa Europe, ay naghahanda
naman ang hukbo ng Japan sa paglusob sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng United States
ang pagpapadala ng langis sa Japan.
Nagpunta si Hideki Tojo ( Punong Ministro ng Japan) kay Embahador Saburu Kurusu upang
tulungan si Admiral Kichiburu Nomura sa pakikipagtalastasan sa Amerika upang maiwasan ang krisis.
Subalit pataksil na binomba ng Japan ang Pearl Harbor, ang himpilan ng hukbong dagat ng U.S. sa
Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Tinawag itong “ Day of Infamy” Ito ang naghudyat ng pagsiklab
ng digmaan sa Asya-Pasipiko.

https://miro.medium.com/max/7568/1*MDd1jvRZiS2WU59wE9nyYw.jpeg

Bagama’t atubili ang U.S. na sumali sa digmaan noong una, ito ay napilitang lumahok bilang
reaksiyon sa pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor.
Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa United
States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin ng Japan ang Pearl Harbor,
ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid
ng Clark Field sa Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Magiting na lumaban ang
Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral
Douglas McArthur. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang
pinakahuling pananggalang ng demokrasya ay ang Bataan at Corregidor. Sa pagbagsak ng Bataan
noong Abril 9, 1942 at Corregidor noong Mayo 6, 1942, ganap nang nasakop ng Japan ang Timog
Silangang Asya.
Kasabay ng pagsalakay sa Pilipinas ay ang pananalakay ng Japan sa Thailand, British Malaya,
Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Japan ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa
Pasipiko noong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia-Co Prosperity Sphere.
Nagpahayag ng pakikidigma sa Japan ang U.S., gayundin ang Great Britain. Samantala,
nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.
Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo nito sa Pearl Harbor at sa
Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga
nawasak ng Japan. Tinipon nila ang mga puwersang Allies na pinamumunuan ni Heneral Douglas
McArthur na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “ I Shall RetURN’’.
Tagumpay ng Mga Alyadong Bansa
Noong Hulyo 1943, nabawi ng Allies ang Sicily
Sa Italy. Nilusob nila ang kabuuan ng Italy at
napasakamay din nila ang Hilagang Africa.
Dahil dito napaalis sa kapangyarihan si Benito
Mussolini sa pamamagitan ni Pietro Badoglio.

Nakatakas mula sa bilangguan si Mussolini at nagtungo sa hilagang Italy.


Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon siya nahuli
at pinatay kasama ng babaeng kanyang kinakasama na si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril ,1945.
Kasunod nito ay ang paglusob ng mga Allies sa France upang mabawi ito mula sa Germany.
D-Day at V-E Day sa Europe
Nagsimula ang pagbawi ng Allies sa Kanlurang Europe ng lumapag sa Normandy, France ang
puwersa ni Heneral Eisenhower noong Ika-6 ng Hunyo, 1944 ( D-Day). Tinawag ang labanang ito na
Battle of Normandy. Isinagawa ng mga Amerikano, British, Canadian at French na umabot sa 120,000
na tropa ang amphibious assault, isang uri ng pag-atake sa kalabang nasa lupa mula sa puwersang
nanggaling sa mga sasakyang pandagat. Pagkaraan ng ilang linggong labanan ay natalo ang mga Nazi.
Matapos mabawi ang France, isinunod ng mga Allies ang Germany. Noong Disyembre 1944,
sinubukang pigilan ng Germany ang napipintong pagbagsak nito sa pamamagitan ng paglusob sa
hangganan nito sa Belgium at Luxembourg na kinahihimpilan ng puwersang Amerikano. Tinawag
itong Battle of the Bulge noong Disyembre 1944. Hindi nagtagumpay ang Germany at kumontra atake
ang mga Amerikano. Magkasanib na puwersa ng Russia at Amerikano ang pumasok sa Germany.
Noong Abril 30, 1945, pinili ni Hitler na magpakamatay kaysa sumuko sa mga Allies. Noong Mayo
8, 1945, sumuko ang Germany sa mga Allies. Tinawag nila itong V-E Day ( Victory in Europe Day).
Bagama’t nagtapos na ang digmaan sa Europe, patuloy pa rin sa Asya. Inatake ng puwersang
Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asya-Pasipiko na nasakop ng Japan. Unti-unting natalo ang
Japan sa labanan sa Pacific, sa Midway, at sa Guadalcanal noong 1942; sa Solomon Isalands noong
1943; sa New Guinea noong 1943 at 1944. Napalaya rin ang mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Ang Battle of Leyte Gulf sa Pilipinas noong Oktubre 24-26, 1944 ang sinasabing pinakamalaking
digmaang pandagat sa kasaysayan. Napilitang sumuko ang Japan matapos ibagsak ng U.S. ang atomic
bomb sa Hiroshima noong Agosto 6, 1945 at sa Nagasaki noong Agosto 9, 1945. Sumuko ang Japan
Agosto 15, 1945. Nilagdaan nito ang pormal na pagsuko noong Setyembre 2 ,1945 sa barkong USS
Missouri na nakadaong sa Tokyo Bay.
Mga Bunga/Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1. Tinatayang umabot sa 50 milyong katao ang namatay. Sa bilang ito, halos 20 milyon ay
Russian.
2. Malaking bilang ng aria-arian ang nasira ng digmaan. Tinatayang 60 bansa ang naapektuhan
ng digmaan .
3. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,
industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
4. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong
Japan ni Hirohito.
5. Nahati ang daigdig sa dalawang nagtutunggaliang ideolohiya-ang Demokrasya ng United
States at ang Sosyalismo ng U.S.S.R. Pumasok ang sa daigdig sa panahon ng Cold War, isang
nakagigimbal na panahon ng paramihan ng armas at takutan.
6. Naging daan ng pagsilang ng malalayang bansa- ang East Germany, West Germany,
Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon,India,
Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa.

TAYAHIN:
Tukuyin ang inilalahad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel:
1. Ang pormal na pagsuko ng Japan ay naganap noong______.
A. Setyembre 5, 1945 C. Setyembre 4, 1945
B. Setyembre 2, 1945 D. Setyembre 3, 1945
2. Ito ay inilunsad ni Heneral Dwight Eisenhower noong Nobyembre, 1942 upang makontrol nila ang
Morocco at Algiers.
A. Blitzkrieg C. Amphibious Assault
B. Phony War D. Operation Torch
3. Tawag sa pagdaong ng mga Allies sa Normandy France Hunyo 6, 1944 upang bawiin ang Kanlurang
Europe.
A. D-Day C. Allies Victory Day
B. VE-Day D. Axis Fall Day
4. Naganap noong ika-7 ng Disyembre sa Asya-Pasipiko.
A. Pearl Harbor Bombing C. Undeclared Chinese-Japanese War
B. Pagsakop sa Manila D. Fall of Bataan
5. Ang paglusob ng mga Nazi na walang babala.
A. Sitzkrieg C. Blitzkrieg
B. Twilight War D. Operation Torch
6. Tinaguriang pinakamalaking labanang pangkaragatan sa kasaysayan.
A. Battle of Kasserine Pass C. Battle of El Alamein
B. Battle of the Bulge D. Battle of Leyte Gulf
7. Tawag sa pagsuko ng mga German sa mga Allies noong Mayo 8, 1945.
A. V-E Day C. German’s Fall
B. D-Day D. Victorious Day
8. Ang pagpapahiram o pagpapaupa ng United States ng mga kagamitang military sa sinomang bansang
lalaban sa Axis.
A. Lend -Lease Act C. Atlantic Charter
B. Arcadia Charter D. Benevolence Act
9. Naganap noong Disyembre, 1941 kung saan napagpasyahan ng mga lider ng Allies na unahing
talunin ang Germany kaysa sa Japan.
A. Atlantic Charter C. Yalta Settlement
B. Arcadia Conference D. Allies Settlement
10. Naghudyat ng Ikalawang digmaang pandaigdig sa Europe.
A. Paglusob ng Italy sa Sicily C. Paglusob ni Hitler sa Poland (1939)
B. Battle of Britain D. Battle of the Bulge
11. Dahilan ng pagsuko ng Japan.
A. Amphibious Assault ng Allies sa kanyang teritoryo
B. Lufwaffe Tactics ng Allies
C. Pagpapabagsak ng Allies ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki.
D. Sumuko na ang Germany at Italy
12. Tawag sa pananahimik ng Europe sa digmaan pagkatapos ng atake ni Hitler sa Poland.
A. Dummy War C. Still War
B. Phony War D. Silent War
13. Ang kasunduang naganap noong Agosto, 1941 sa pagitan ni Roosevelt at Churchill na nagbigay ng
tiyak na pagwasak sa tiraniya ng mga Nazi.
A. Atlantic Charter C. Arcadia Charter
B. Maginot Line Treaty D. Yalta Settlement.
14. Base ng hukbong panghimpapawid ng U.S. sa Pilipinas na winasak ng mga Hapon pagkatapos ng
Pearl Harbor.
A. Subic Base C. Manila Base
B. Clark Field D. Bataan Base
15. Puwersang binuo ng Italy, Germany at Japan.
A. Central Powers C. Axis Powers
B. Allied Powers D. League Powers
Isagawa

Gawain 7 : Mapanuri…
Suriing mabuti ang larawan at magpahayag ng inyong pagkaunawa sa nais nitong iparating na
mensahe.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRkpqdjw0HwppR7sT3hRpmF7klixMUicVpkVQ&usqp=CAU
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. C
2. A
3. D
4. A
5. C
6. D
7. A
8. D
9. A
10. C
11. B
12. A
13. D
14. D
15. A

Gawain 1: Balikan
1. B
2. I
3. G
4. C
5. F
6. J
7. A
8. E
9. H
10. D

Gawain 2 : Ako ang Katapat Mo !


Allied Powers Axis Powers
1. Great Britain 1. Italy
2. France 2. Germany
3. U.S.A 3. Japan
Gawain 3: I Flow Chart Mo!
1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng Mga Bansa
3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia
4. Digmaang Sibil sa Spain
5. Pagsasanib ng Austria at Germany
6. Paglusob sa Czechoslovakia
7. Paglusob ng Germany sa Poland.

Gawain 4: Anong Kahulugan Ko Sa ‘Yo?


1. Paglusob ng walang babala ng Germany
2. Pagpasabog ng Japan sa Pearl Harbor sa Hawaii
3. Pangkat ng Hukbong German
4. Kasunduan ng hindi pakikidigma ng Germany at Russia
5. Hukbong panghimpapawid ng Germany
Gawain 5: Buoin Mo Ako!
1. Leyte
2. Atlantic
3. Infamy
4. Return
5. Missouri
6. Amphibious
7. Hitler
8. Victory
9. Atomic
10. Luftwaffe
Gawain 6: Sino Ako?
1. Punong Ministro ng Japan
2. Punong Ministro ng Italy
3. Pangulo ng United States
4. Punong Ministro ng England
5. Diktador ng Germany

You might also like