Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name:______________________________Grade& Sec: ________________Score:__________

School:______________________Teacher:_____________________Subject:EKONOMIKS 9
LAS Writer: LUCILLE C. OTAÑES Content Editor: WILMA A. BARCELONA
Lesson Topic: Konsepto ng Pag-unlad Quarter 4, Wk. 1, LAS 1
Learning Target/s: Naipapaliwanag ang konsepto ng pag-unlad. (AP9MSP-Iva-2)
Reference (s): Balitao, B., Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A. and Mondejar,
I.,2015. Ekonomiks 10, Pasig City, Philippines, Vibal Publishing Company, pp 380-381.
___________________________________________________________________________
KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, kinikitaan na may pag-unlad kung may pagbabago mula sa
mababang antas ng pamumuhay hanggang sa isang mataas na pamantayan ng pamumuhay.
Ayon naman sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na “Economic Development” (1994), ang kaunlaran ay isang
progresibo at aktibong proseso at ang produkto nito ay tinatawag na pagsulong. Ang paggamit ng teknolohiya
sa iba’t ibang sektor tulad sa agrikultura at medisina na kinapapalooban ng proseso ay halimbawa ng pag-unlad
at ang resulta nito ay halimbawa naman ng pag-sulong.
Ang mga kalsada, sasakyan, gusali, pagamutan at mga bahay ay bunga ng pag-unlad. Dagdag ni
Fajardo, ang pag-unlad ay isang unti-unting proseso upang mapabuti ang kondisyon ng tao tulad ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho at mga krimen sa lipunan.
Sa aklat naman nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith na “Economic Development” (2012), inilahad
nila na may dalawang konsepto ng pag-unlad. Una ang tradisyunal na pananaw na tumutukoy sa tuloy-tuloy na
paglaki ng income per capita upang mabilis na maparami ang output ng isang bansa. Sa makabagong pananaw
naman isinasaad na makakamit ang pag-unlad kung may komprehensibong pagbabago sa kabuuang sistema
ng lipunan ng isang bansa.
Ayon naman kay Amartya Sen sa kanyang aklat na “Development as Freedom” (2008), ipinaliwanag niya
na ang yaman lamang ng buhay ng tao ang kailangang mas mapaunlad hindi ang kayamanan ng ekonomiya
ng bansa. Upang masabing may totoong kaunlaran, dapat alisin ang diskriminasyon, kahirapan, hindi
pagkapantay-pantay at mga bagay na nag-uugat ng walang kalayaan ng tao at naglilimita sa kakayahan ng
mamamayan.

Gawain: PAG-UNLAD, GANITO ANG KONSEPTO NITO!


Base sa napag-aralan, isulat ang ibat’ ibang konsepto ng pag-unlad. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

Konsepto ng
Pag-unlad

Mga Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng tradisyunal na pag-unlad sa makabagong pananaw na pag-unlad?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, maunlad ba ang inyong lugar? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

You might also like