Montante LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

OPOL COMMUNITY COLLEGE

Opol, Misamis Oriental

TEACHING SOCIAL STUDIES IN ELEMENTARY GRADES

MALA-MASUSING BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN VI

I. Layunin

Sa loob ng apatnapung (40) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipapaliwanag ang mga dahilan kung bakit naganap ang Rebolusyon sa EDSA;

• Natutukoy ang Rebolusyong EDSA ng 1986; at

• Naibibigay ang mga kahalagahan o leksyon na makukuha mula sa Rebolusyong EDSA.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Rebolusyon sa EDSA ng 1986 (Peaceful Revolution)

Sanggunian: Makisig 6 … ang Lahing Pilipino

Yunit 4 Aralin 3 pahina 237-250

Electronic Reference:
https://www.mtholyoke.edu/~guing22f/classweb/The1986PeoplePowerRevolution/page11/Conte
xt%20for%20revolution/contextforrevolution.html

Kagamitan: Biswal eyds, Aklat, Larawan

Pagpapahalaga: Pakakaisa, Pagkamakabayan

III. Pamamaraan A.Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagsasaayos ng Silid

4. Pagtatala ng Liban

5. Balitaan

6. Balik-Aral

Itanong:

1. Sino ang kumalaban sa pag takbo ni


Pangulong Marcos noong halalan 1978 na nasabing binayaran lang ni Pangulong Marcos para
tumakbo at maging legal ang pagtakbo nya bilang president?

2. Ano ang sakit na dumapo kay Pangulong Marcos?

3. Sino ang kilalang kalaban ni Pangulong Marcos sa Pulitika?


4. Ano ang nangyari kay Ninoy Aquino noong bumaba sya sa Eroplano ng sinasakyan niya?

5. Saang lugar nabaril si Senador Aquino?

7. Pagganyak

Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ng mga mag-aaral ang isang malaking kendi, ang
mag aaral na may hawak ng kendi sa pagtigil ng tugtog ay syang pupunta sa unahan at
bubunot ng isang bagay sa isang malaking kahon ang gagawin nya lamang ay magsasabi kung
ano kaya ang sinisimbolo nito.

Mga maaaring makuha sa kahon: Bulaklak, Watawat, Rosaryo, at Walis Ting-ting

B. Paglinang na Gawain

1. Mga Gawain (Activities)

▪ Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.

▪ Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang papel na may nakasulat na pahayag


o ideya na may kinalaman sa pag aaralan.

▪ Ang mga mag-aaral ay hahayaang makapag isip kung sasang-ayunan ba nila o hindi
sasangayunan ang pahayag na napunta sa kanila.

▪ Bibigyan sila ng tatlong (3) minuto para makapag isip.

▪ Ilalahad ng lider ng grupo ang kanilang sagot sa harap ng klase.

2. Paunlarin (Analysis)

▪ Ano ang inyong naiisip o nahihinuha kapag narinig nyo ang salitang Rebolusyong EDSA?

3. Abstraction

▪ Ano ang Snap Election?

▪ Ano ang nagbigay daan para magkaroon ng isang rebolusyon sa EDSA?

▪ Ano ba ang Rebolusyong EDSA?

▪ Ano ang mga pangyayari sa apat namapayapang araw sa Pilipinas

Noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986?

▪ Sino ang pumalit kay pangulong Marcos?

▪ Saan na nagtungo si Pangulong Marcos matapos nyang manungkulan bilang ikasampung


presidente dito sa pilipinas?

4. Isabuhay (Application)
1) Hatiin muli ang mga mag-aaral sa apat na grupo

2) Atasan ang bawat grupo na gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng

pagkakaisa katulad ng naganap noong rebolusyon ng EDSA

3) At bawat grupo ay pupunta sa harapan upang ipakita ang kanilang ginuhit na larawan
at magsasabi ng pahayag ukol dito.

IV. Ebalwasyon

(Bibigyan ng sagutang papel ang mga mag-aaral.)

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isang ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas,


mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon?

a. Rebolusyong EDSA 1989

b. Rebolusyong EDSA 1988

c. Rebolusyong EDSA 1987

d. Rebolusyong EDSA 1986

2. Siya ang pinili ng mga nagkakaisang Pilipino upang tumakbo bilang pangulo

laban kay Pangulong Marcos sa 1986 Snap Election.

a. Juan Ponce Enrile

b. Gloria Macapagal Arroyo

c. Fidel Ramos

d. Corazon C. Aquino

3. Sinu-sino ang nagsagawa ng Pres Conference noong Pebrero 22,1986 upang ipahayag
ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos?.

a. Juan Ponce Enrile at Corazon Aquino

b. Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos

c. Fidel Ramos at Corazon Aquino

d. Fidel Ramos at mga Madre

4. Kelan kumalat ang mga usap-usapan na si Marcos at ang kanyang pamilya ay umalis
ng bansa. Pinatunayan ni Marcos na mali ang mga usap-usapan at nagdeklara na wala
siyang intensiyon na lisanin ang bansa. Nagdeklara din siya ng state of emergency? a.
Pebrero 22,1986

b. Pebrero 24,1986

c. Pebrero 26,1986

d. Pebrero 28,1986
5. Kalian sinagawa o nangyari ang panunumpa ni Corazon Aquino?

a. Pebrero 27,1986

b. Pebrero 26,1986

c. Pebrero 25,1986

d. Pebrero 24,1986

II. Mula sa iyong mga natutuhan sa mga nakaraang aralin, ilista ang lahat ng mga aral na
maaaring makuha mula sa Rebolusyong EDSA 1986. Ilista ang lahat ng iyong maiisip sa
mga patlang na ibinigay sa ibaba.

a.__________________________________________________________

b.__________________________________________________________c._______________
___________________________________________d.________________________________
__________________________e._________________________________________________
_________

V. Takdang Aralin

Isulat kung ano ang iyong palagay tungkol sa sumusunod na pangungusap. Ilagay ang
kanilang sagot sa isang buong papel.

1. Hindi kainlanman magagapi ang nagkaisang taumbayan.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Ang mga katawan na nilikha para magsilbi ay naging mga katawan na pinagsilbihan. Isang
kondisyong nagsisilang ng isang rebolusyon.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. 3. Sadyang inuulit ng kasaysayan ang kanyang sarili.


__________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. 4. Ang Rebolusyong EDSA 1986 ay tungkol sa kapangyarihan ng mga tao.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. 5. Ang kalayaan ay karapat-dapat pag-alayan ng buhay.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Inihanda ni:
Montante, Louise Edberg D.
BEED 2-C
Ipinasa kay:
LUCY A. PEROCHO, PhD
Part-time College Instructor

You might also like