SURINGTULA

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Portinto, John Carlo D.

BSEFIL 2-2

“KAHIT SAAN”
ni José Corazón de Jesús

Kung sa mga daang nilalakaran mo,


may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,


nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa


at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,


isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan


ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,


akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!
Portinto, John Carlo D.
BSEFIL 2-2

Sa akdang “Kahit Saan” ni José Corazón de Jesús ay tulang nagpapatungkol sa pag-ibig Aking
ginamitan ng Formalistiko o Bagong Kritisismong dulog sa pagbasa ng panitikan ang akdang
nabanggit, sapagkat nagpapakita ito ng mga talinhaga na sadyang mababatid sa pagsusuri nito ng
mabuti kung saan nagbibigay ng mga salitang naiiba ang pagpapakahulugan tulad ng unang
nakasaad sa saknong na “Kung may isang ibong tuwing takipsilim, nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa gabing malalim. Ako iyan, Giliw!” na
ginagamitan ng mga salita bilang imahe lamang sa nais ipabatid na damdamin kung saan ang mga
salitang nabanggit ay hindi literal bagkus may nakatago pa itong pagpapakahulugan . Ang akdang
ito ay naglalaman din ng lohiko sapagkat nagiiwan ito ng mga katanungan habang binabasa at
laman nito ang mahusay na paglalahad ng damdaming ninanais ipabatid sa mga mambabasa
maging ang ideya at mga kaisipan nakapaloob sa akda.

Ang akdang ito ay nagbibigay pokus sa walang hanggang pagmamahal, base sa tula ay nagbibigay
ang may akda ng mga talinhaga o imahe patungkol sa kanyang pagmamahal bilang mensahe sa
kanyang iniirog na kung nasaan at anumang oras ay kanyang dala dala o kasama ang pagibig nito,
tulad bawat saknong na nagpapakita ng mga eksena sa iba’t ibang panahon. Ang akdang ito ay
maaring magkaroon ng iba’t ibang saloobin hinggil sa personal na karanasan ng mambabasang
indibiwal, maaring maisaisip mong ang tula ay nagmumula sa iyong magulang na nasa ibang
bansang nakikipagsapalaran upang matugunan ang iyong pangangailangan, kaibigan mo nalayo
sa iyong piling, kasintahan iyong iniwan, aso mong nasagasaan, pusa mong lumisan, taong
mahalaga sayo, o kaya naman ay ang mga taong yumao. Na maiigunay mo sa tula na nagsasaad
na kung saan ka man naroroon ay kasama mo ako at ang pagibig ko ay iyong taglay.

Ako bilang mambabasa ako ay lubhang naantig ang aking puso dahil aking naalala ang alaga kong
pusa na aking pinakamamahal. Bigla kong naalala ang mga oras na siya ay nasaking piling at kung
paano niya pinapawi ang aking kalungkutan sa panahon ng hilahil at kaguluhan, isa ako sa mga
taong tinamaan ng lubhang pagkalumbay noong mga nakaraang taon ay ang alaga kong pusa na
kulay puti ay siyang nagbigay pag asa at naging kahulugan ko ng paglaban. Sa tulang ito pumasok
sa aking kamalayan na hindi siya naalis sa aking tabi at patuloy na nagbibigay ng pagibig. Ang
saknong na “Ngunit kung ibig mong makita pa ako, akong totohanang nagmahal sa iyo; hindi
kalayuan, ikaw ay tumungo sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . . magkikita tayo!” na ang
kahulugan sakin ay kung gusto mo pang makita ang iyong minamahal na malayo na sa iyong piling
ay bumalik ka sa inyong mga lugar kung saan nakakabit ang inyong mga alaala at tiyak makikita
mo siya hindi gamit ang iyong mga mata ngunit gamit ang iyong isip.

You might also like