Panulaan Modyul 2 Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

MODYUL 2

MGA URI NG

TULA

29 | P a g e
INTRODUKSIYON

Sa pagdaan ng panahon, buhat nang nagsimulang


maging malikhain ang mga tao sa pagsasalaysay at
pagpapahayag ng damdamin, nagkaroon at nagsulputan
ang iba’t ibang bihis ang tulang Pilipino. Simula pa noong
nagpasalin-salin ang mga ito hanggang sa kasalukuyang
panahon, maging pasalaysay man o pandulaan, patnigan
man o madamdamin, ang mga ito ay tinangkilik at ang ilan
ay tinatangkilik pa rin.
Ang Tulang Pilipino ay sadyang hitik sa laman,
kasama nito ang kaluluwa at buhay ng sumulat.
Madarama sa bawat hibla ng salita at hagod nito sa isipan
ng nakikinig at bumabasa ang damdaming nais iparating.
Iba iba ang layon ng tulang Pilipino. Ilan sa mga ito ay
naglalarawan, nang-aaliw, ang ilan ay may temang
pangungutya at mapagpanuto.
Sa modyul na ito, mas mauunawaan ang
pagkakaiba-iba ng tula. Matatalakay rin sa modyul na ito
ang kayarian ng tula, ang mga uri ng tula ayon sa
pamamaraan, at sa huli, ang tula ayon sa kaukulan.

30 | P a g e
LAYUNIN

1 Nailalahad ang pagkakaiba-iba ng tula ayon sa uri nito


sa pamamagitan ng paghahambing gamit ang isang
tsart

2 Naipamamalas ang pagkilatis at pagtukoy sa uri ng


tula sa pamamagitan ng mga tulang ipapakita ng guro;
at

3 Nakagagawa ng maikling tula ng alin man sa mga uri ng


tulang pinag-aralan.

Inaasahan sa modyul na ito na magkaroon ng sapat na


kaalaman ang bawat mag-aaral hinggil sa mga Uri ng tula; ang
kaanyuan, kayarian, layon, pamamaraan at maging ang kaukulan
nito na magagamit sa pagbuo ng saring-sulat na tula.

31 | P a g e
MODYUL 1
Makikita sa talahayanan ang mga gawaing
pampagkatuto na nilalaman ng Modyul na ito
kasama ng bilang ng oras na inaasahang
matatapos ang mga ito.

Mga Gawaing Bilang ng


Araw ng Pagpasa
Pampagkatuto Mungkahing Oras

Pagsagot sa Paunang
10 minuto
Pagsubok

Panimulang Gawain 10 minuto

Pagatatalakay 6 oras

Pagsusuri 20 minuto

Paglalapat 20 minuto

Pagtataya 30 minuto

32 | P a g e
PAUNANG PAGSUBOK
ANO NA BA ANG ALAM MO?

Panuto: Makikita sa kahon ang ilang pamilyar na salita. Ayon sa iyong


kaalaman at pagkaka-unawa, piliin ang mga salitang ANGKOP sa
mga Klasipikasyon/Uri ng Tula. Isulat ang sagot sa inilaang kahon.

ODA KANTAHIN KORIDO SARSUWELA DUPLO


AWIT SONETO ELEHIYA EPIKO TIBAG
KOMEDYA BATUTIAN PANUNULUYAN
BALAGTASAN DALIT KARAGATAN FLIPTOP
MORO-MORO

TULANG PANDAMDAMIN

TULANG PASALAYSAY

TULANG PANDULAAN

TULANG PATNIGAN

33 | P a g e
PANIMULANG GAWAIN
ANO NA BA ANG ALAM MO?

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung ano ang


ipinapahiwatig ng binasa. Isulat ang sagot sa inilaang
kahon.
1. Naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa
buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at
pagkabigo,tagumpay na mula sa kahirapan
A D A N

2. Tulang may labing-apat na taludtod (14) at ang bawat


taludturan/saknong ay may dalawang taludtod.Karaniwang
pumapaksa sa damdamin at kaisipan at nakikilala sa
matinding kaisahan at kasiksikan ng nilalaman.
N O

3. Naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa


buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at
pagkabigo,tagumpay na mula sa kahirapan.
A A A

4. Naglalarawan ng pagpapahalagao pagkamuhi ng makata o


may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari

M G L A N

5. Tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang


mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang
tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o
pagtatalo.

T I

34 | P a g e
PAGLINANG NG TALASALITAAN
TAYO NA, MAGSIMULA NA!
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

KAANYUAN
uri ng tula na nagpapakita ng panlabas na anyo ng tula; kung
ito ba’y isinasalaysay, itinatanghal sa pamamagitan ng dula,
madamdamin ba ng pagkakagawa, o kung ang anyo nito ay para
sa sagutang tagpo?

KAYARIAN
ito ang mga uri ng tula na tumutukoy sa panlabas na
estruktura ng tula. Ito ba’y may sinusunod na sukat o wala?

LAYON
ito ang mga uri ng tula na nagpapakita sa intensiyon ng
makata. Ito ba’y naglalaraan, magtuturo o nangangaral,
nagbibigay-aliw o nanunukso?

PAMAMARAAN
uri ng tula na nagpapakita ng kapamaraanan o kung paano
inilahad ang tula. Gumamit ba ng mga talinghaga, lantaran ba
ang paglalahad o makabalaghan?

KAUKULAN
uri ng tula na nagpapakita o nagpapahiwatig ng kaangkupan
nito. Ito ba’y pang-okasyon, para ba ito sa mga matatatas ang
isipan o para sa mura?

35 | P a g e
PAGTATALAKAY
MGA URI NG TULA
TULA AYON SA KAANYUAN

1 TULANG PASALAYSAY
Ito ay isang uri ng matandang tula. Ang mga ganitong uri ng tula
ay nakatulong sa iba’t ibang salin ng mga angkan sa pagsasaulo ng
mga buhay sat pangyayaring kanilang kinagigiliwan. Ang layunin ng
mga makata ng buhay ay makapagdulot ng kawili-wiling buhay at
marikit na tula. Ang isang tunay na tula ng buhay ay naiiba sa
kuwento o nobela, sapagkat ito’y higit na nakapagpapadama o
nakakaakit.
Ang tulang pasalaysay ay isang uri ng panulaang naglalahad ng
makulay at mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, tulad ng pag-
ibig at pagkabigo, tagumpay na mula sa kahirapan sa pamamagitan ng
mga taludtod. Inilalahad din nito ang kagitingan at katapangan ng mga
bayani sa pakikidigma. Nabibilang dito ang epiko, awit, at korido.

Panahon na upang ikaw naman ang magbahagi. Saliksikin ang mga


TALAKAYIN MO: sumusunod na uri ng tulang pasalaysay at talakayin gamit ang dayagram.

EPIKO
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

AWIT
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

KORIDO
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

36 | P a g e
KARAGDAGANG KAALAMAN
EPIKO|EPIC
Isang kahabaang salaysay ng mga kabayanihang gawa na
kadalasa’y may uring angat sa kalikasan. Ang himig ay
totohanan, ang balangkas ay pasikut-sikot, at ang pananalita
ay angat sa karaniwan. Halimbawa nito ay “Hudhud at Alim”
ng mga Ipugaw at ang “Bantugan”, “Indarapatra at
Sulayman”, “Bidasari” ng mga Moro at iba pa.

AWIT AT KORIDO
Ay mga patulang salaysay ng paawit kung basahin. Taglay
nito ang mga paksang may kinalamn sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng
mga hari, prinsipe, duke, reyna at prinsesa na ang layunin ay
palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo na inihahandog
sa Diyos, sa bayan at sa mga babaing mahal nito sa buhay.

Ang awit at kurido/korido ay dala rito ng mga Kastila buhat sa


Europa na pawing sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa
salaysay. Pinagsama-sama rito ang romansa, ang pakikipagsapalaran,
kabayanihan, at kataksilan at mga sangkap na pantakas sa
karahasan ng katotohanan. Ang salitang kurido na sa kanila’y
nangangahulugang pangyayari (current events). Ang Mehikanong
Currido ay galling naman sa Kastilang Ocurrido. Tinatawag ding
tulang romansa ang kurido at awit.

PAGKAKAIBA NG AWIT SA KURIDO:


1. Ang kaibahan ng awit at kurido ay nasa sukat at anyo:
a. Mabilis ang bigkas ng kurido, may kabagalan naman
ang awit.
b. Ang Kurido ay may walong pantig at binibigkas sa
kumpas ng martsa “allegro”, samantalang ang awit ay
may lalabindalawahing pantig at inaawit na mabagal sa
saliw ng gitara o bandurya “allegro”.
c. maganda ang aral sa awit at kawiliwili naman ang
kuwento o kasaysayang napapaloob sa kurido.

37 | P a g e
2 TULANG PANDULAAN
Ang mga katangian ng tulang pandulaan – maliban sa
pagkakayaring patula – ay matutunghayan sa pangkat na
nauukol sa Dula. Ito ay isang tula na isinasagawa ng padula na
itinatanghal sa isang entablado o dulaan.Ang usapan dito ng mga
tauhan ay sa paraang patula.

MGA TULANG DAPAT PAG-ARALAN:


1. ANG LUMANG SIMBAHAN ni Florante T. Collantes
2. KAY SELYA ni Balagtas
3. ANG PAMANA ni Jose Corazon de Jesus
4. BULAKLAK NG PAG-IBIG ni Juan C. Bugarin
5. ANG BATONG MALIIT ni Isaias Villaflores

Panahon na upang ikaw naman ang magbahagi. Saliksikin ang mga


TALAKAYIN MO: sumusunod na uri ng tulang pasalaysay at talakayin gamit ang dayagram.

MORO-MORO
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

TIBAG
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

PANUNULUYAN
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

SARSUWELA
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

38 | P a g e
3 TULANG PANDAMDAMIN
Ito ang tinatawag na lyric poetry o tulang liriko. Ang tulang
ganito ay nagpapahayag ng damdaming pansarili sa isang kaanyuang
“maaring awitin” o paano ma’y mahimig. Maaring ang damdamin ay
sarili ng makata o kaya’y damdamin ng ibang tao, o hango sa isang
karanasang bunga ng gunigni. Bukod sa sariling damdamin, ang
tulang liriko ay maaring magpahayag ng damdaming dinaranas ng
isang tao kung binubulay-bulay ang kalikasan o ang ano mang
pangyayari, gaya halimbawa ng kamatayan.
Sa maikling pagsasabi, ang tulang liriko ay dapat magpahayag
ng damdamin, dapat maging matapat at mahimig. Ito’y dapat
maging tala ng isa lamang damdamin; kung mapagbulay, ang tula ay
lalong dapat pagharian ng guniguni; kung pamamaraan ay pasalaysay
o panulaan, ang dapat na maging layunin ay hindi ang Magsaysay ng
isang kuwento kundi ang ibigay ang himig na makadamdamin ng
isang kuwento sa lalongmaselang bahagi nito; hindi dapat kabakasan
ng ano mang pananamlay; ang layunin at himig ay dapat maging
maliwanag.
Panahon na upang ikaw naman ang magbahagi. Saliksikin ang mga
TALAKAYIN MO: sumusunod na uri ng tulang pasalaysay at talakayin gamit ang dayagram.

KANTAHIN
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

ODA
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

ELEHIYA
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

SONETO
KAHULUGAN:
KATANGIAN:
39 | P a g e
TANAGA
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

HAIKU
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

KARAGDAGANG KAALAMAN
KANTAHIN
- KANTAHING PANSARILI – nagbubuhat sa mga damdaming
may kaugnayan sa mga bagay na lalong malapit sa puso ng
isang tao – ang kanyang pag-ibig, kawalang pag-asa, mga
pangamba, lugod at kalungkutan, ang kanyang mga pagbibiro
o totohanang dinaramdam, ang kanyang mga pinaparaluman.
- KANTAHING PANLIPUNAN – ay nagbubuhat at may
kinalaman sa mga damdaming sumasaklaw samaraming tao.
Ganyan ang mga kantahing ukol sa pagsasamahan.

ODA
Sa pasimula, ito’y isinulat upang awitin datapwat ngayon,
ito’y karaniwang isinusulat upang basahin. Ito’y isang tulang
liriko na may marangal na uri at karaniwang apostrophe
(pagtawag) o patungkol sa isang kaisipan. Katangian: 1.
Pagpapahayag ng masiglang damdamin ng isang kapusukang
pigil ng maguniguning pagbubulay-bulay. 2. Pagpapahayag
ng isang papuri o kaya’y ng isang panagho’y na kapitapitagan.

ELEHIYA
Ito’y isang tulang liriko na naglalaman ng pagbubulay-bulay
naudyok ng isang pangyayari o guni-guni ukol sa kamatayan.
Katangian: Tula ng pananangis – pag-alaala hinggil sa yumao;
2. Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di
masintahin.
40 | P a g e
SONETO
Tulang liriko na binubuo ng 14 na taludturan na hinggil sa
damdamin at kaisipan. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan
ng sukat at kalawakan sa nilalaman. Ito’y kailangan ng
malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan.
Naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Nasa unang 8
taludtod ang diwa, paghanga man o talinghaga at sa huli
naman ang karagdagan o anumang ikapupuno ng tula.

TANAGA
Isang tulang Tagalog na palasak nab ago pa dumating ang
mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat
na taludturan na may pituhang pantig. Ito ay itinuturing na
malayang tula at sagana sa talinghaga.

HAIKU
Ito ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong
taludturan; na ang unang taludturan ay may limang pantig,
sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay
may limang pantig. Ito’y tulang ginagad sa tulang Hapon na
tinatawag na haiku. Nagtataglay rin ito ng talinghaga.

TULANG PADULA
Ang makata sa ganang sarili niya ay hindi magsasalita at ang
pinagaganap ay ang mga tauhan ng dula. Ang mga tauhan ay
tumutupad nang sabay ang anyo at salita, alinsunod sa
tungkulin ng bawat isa sa akda. Saklaw nito ang mga tula ng
galak, sakuna, kasaysayan, katatawanan, at kasayahan.

41 | P a g e
4 TULANG PATNIGAN
Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng
damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o
pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa karaniwang debate ay
gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan.

Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata


ngunit hindi sa paraang padula,kundi sa tagisan ng mga katwiran at
tagisan ng mga talino sa paraang patula.

Panahon na upang ikaw naman ang magbahagi. Saliksikin ang mga


TALAKAYIN MO: sumusunod na uri ng tulang pasalaysay at talakayin gamit ang dayagram.

KARAGATAN
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

DUPLO
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

BALAGTASAN
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

BATUTIAN
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

FLIPTOP
KAHULUGAN:
KATANGIAN:

42 | P a g e
KARAGDAGANG KAALAMAN
BALAGTASAN
Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Ito ay
isang uri ng pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa
iisang paksa. Magsasalitan ng pagsagot ang bawat panig na
pinagigitnaan ng isang lakandula o lakambini.

KARAGATAN
isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na
“libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat.

DUPLO
Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong
patula. Hango ito sa Bibliya na binubuo ng mga
mahahalagang salita at kasabihan. Isa itong madulang
pagtatalo na karaniwang ginaganap sa isang maluwang na
bakuran ng namatayan.Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa
nawawalang loro ng hari.

BATUTIAN
ito ay isang sagutang patula na may halong pangungutya at
pagpapatawa.

FLIPTOP/BATTLE RAP
Isang modernong uri ng Balagtasan ang FlipTop kung saan
nagsasagutan din ang dalawang panig patungkol sa isang
paksa. Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang
nang mas mabilis.

43 | P a g e
TULA AYON SA KAYARIAN

1 MATANDANG TULA
Tinatawag din itong MAKALUANG TULA. Ito ay binubuo ng mga
taludtod na may sukat at tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ni
Francisco Balagtas/Baltazar, Andres Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar,
Jose Rizal, Jose Corazon de Jesus, Lope K. Santos at mga makabagong
makata na patuloy pa ring sumusunod sa katutubong kayarian ng
ating mga tula. Ang mga talustod ay nagtataglay ng tinatawag na sukat
at ang huling pantig ng isang saknong ay magkasintunog.

2 MALAYANG TALUDTURAN
Ito’y tinatawag ding FREE VERSE. Ito ang tawag sa tulang walang
sukat o tugma. Ito ay sumilang bilang pagtakas sa makipot na bakod ng
matandang panulaan. Winasak ng mga makata ang malayang taludturan
ang matibay na moog ng sukat at tugma at ang kaluluwa ng kanilang tula’y
ipinahahayag nila sa ganitong paraan.

3 TULA SA TULUYAN
Ito ang uri ng tula tila man din tumataliwas sa sabing ang tula ay tula
at ang tuluyan ay tuluyan. Maaaring it’y tuluyan sa kabuuan dahilan sa
taglay nito ang kaluluwa ng isang tula at ipinahahayag ang kaluluwa ditto
sa marikit na pananalitang angkop sa isang tula kaya’t ito’y tinatawag na
tula sa tuluyan.

44 | P a g e
TULA AYON SA LAYON

1 NAGLALARAWAN
Ang pangunahing layunin nito ay ipakita ang katangian ng isang tao,
lugar, pangyayari, kalagayan o mga bagay sa kalikasan. Ang katangiang
lulutang ay ang sa pagtingin sa makata, sa kaniyang pagpapahalaga, sa
kaniyang mga nagugustuhan at inaayawan, sa mga hindi niya itinuturing na
hindi dapat pag-ukulan ng pansin, at sa kaniyang pagpapakahulugan sa
mga katangiang ito.

2 NAGTUTURO
Ang pangunahing layunin nito’y magturo , magpayo, mamatnubay o
magpanuto. Ito’y tulad ng mga parabola at pabula na ang pinakalantad na
layunin ay mangaral. May hawig ito sa mga pananalinghaga ng mga
salawikain na kababakasan ng mga itinuturing na mabuting kaugalian
noong panahong una.

3 NAGBIBIGAY-ALIW
Hindi gaanong mahalaga rito ang malalim na diwa o matalinhagang
pagpapahayag. Importante’y kaaliwang dulot sa bumabasa. Maaring ito’y
magawa sa pamamagitan ng pagpapatawa, panunudyo, pagbibigay ng mga
nakataludtod na palaisipan at mga nakaaaliw na mga kaisipan.

4 NANGUNGUTYA
Ito’y isang kakaibang paraan ng pagpapakitang kamalian o kasamaan
ng isang bagay, ng kahangalan ng tao, at ang pagkakakulong sa isang hindi
magandang bagay. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawan sa
katawa-tawang pamamaraan o pangungutyang estilo.

45 | P a g e
TULA AYON SA PAMAMARAAN

1 MASIGASIG
Hindi sinasabi nang tiyakan ang nais sabihin. Sa pamamagitan
ng paggamit ng mga sagisag ay nagpapahiwatig at nagpapakahulugan
lamang ang makata.

2 MAKATOTOHANAN
Hindi lumalayo sa tunay na nagaganap sa buhay. Binabanggit
ang mga tao, pangyayari, lugar, kalagayan sang-ayon sa kung ano
talaga ito sa realidad.

3 MAKABABALAGHAN
Ang pinapangitai’y ang kilo o tungihin ng isip sa pamamagitan
ng hindi mapaniwalaang ‘di magkakaayong paglalarawan o ng hindi
natural na pagkakasama ng mga tagpo o tanawin.

TULA AYON SA KAUKULAN

1 MABIGAT
Mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Malalim ang
ipinahihiwatig ng tula. Mahirap isipin. Hindi pangkaraniwan ang
talinghaga at kariktan.

46 | P a g e
2 PANG-OKASYON
May mga tiyak na pagkakataon o okasyon ng pagbigkas. Maaring ito’y
palatuntunan sa paaralan, pagpuputong ng korona sa isang reyna ng
piyesta, pagdiriwang ng kaarawan, pagpupuri sa isang bayani, at sa mga
holidays at mga luksang lamayan. Samakatwid, ang tula ay angkop lamang
sa okasyong kinauukulan.

3 MAGAAN
Hindi gaanong mataas ang uri, hindi mabigat ang tema at diwa at
hindi malalim ang ipinahihiwatig ng tula. Madaling isipin at karaniwan sa
mga bugtungan at tulang pambata, mga salawikain at kawikaan ng
matatanda. Maaring isama rito ang tugma-tugmaang ang mahalaga ay
porma at hindi ang nilalaman.

47 | P a g e
PAGSUSURI
ILAHAD ANG NATUTUHAN
PAGNILAYAN NATIN

GAWAIN 1: Pagkatapos matutunan ang mga tinalakay sa itaas,


ibahagi ang iyong pananaw kung ano ang
pinakamabuting uri ng tula na maaaring
makapagbigay ng isang masidhing damdamin sa mga
babasa ng iyong tula.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

48 | P a g e
PAGLALAPAT
ILAHAD ANG NATUTUHAN
PAGNILAYAN NATIN

GAWAIN 2: Base sa iyong mga natutuhan, tukuyin kung anong tula ang
makikita sa ibaba. Ipaliwanag ang sagot.

Ang bayan kong Pilipinas _________________________________________


Lupain ng ginto’t bulaklak _________________________________________
Pag-ibig ang sa kaniyang palad, _________________________________________
Nag-alay ng ganda’t dilag _________________________________________

Totoong sinangaling _________________________________________


At talagang malihim _________________________________________
Pipi kung kausapin _________________________________________
Walang kibo’y matabil _________________________________________

O mumunting alon! _________________________________________


Buhat sa magalas na batong _________________________________________
tuntungan _________________________________________
Namalas kitang tumatakbo- _________________________________________
takbot sumasayaw-sayaw _________________________________________
Bago ka humalik sa _________________________________________
dalampasigan

49 | P a g e
PAGTATAYA
SUBUKIN NATIN ANG IYONG GALING

I. Panuto: Punan ng mga hinihinging impormasyon ang talahanayan sa


ibaba.

Tulang Tulang Tulang


Tulang patnigan
pasalaysay Pandamdamin pandulaan
Mahahalagang Mahahalagang Mahahalagang Mahahalagang
Katangian: Katangian: Katangian: Katangian:

Pagkakatulad

Pagkakaiba

TULA AYON SA TULA AYON SA TULA AYON SA TULA AYON SA


KAYARIAN LAYON PAMAMARAAN KAUKULAN
Mahahalagang Mahahalagang Mahahalagang Mahahalagang
Katangian: Katangian: Katangian: Katangian:

50 | P a g e
II. Panuto: Bumuo/sumulat ng isang tula sang-ayon sa iyong natutunan.
Maari kang pumili ng alinman sa Kaanyuan, Kayarian, Layon,
Pamaraan, at Kaukulan na sa iyong palagay ay mas magandang
gamitin. Ang gagawing tula ay mamarkahan gamit ang rubrik sa
ibaba. (50 pts)

Nilalaman ------------------------------- 20
Wastong gamit ng uri ng tula -------- 10
Damdamin ------------------------------ 10
Kabuoang dating ---------------------- 10

Kabuoan 50 pts

51 | P a g e

You might also like