Professional Documents
Culture Documents
Sosyedad at Literatura: Worktext in GE 11
Sosyedad at Literatura: Worktext in GE 11
Sosyedad at
Literatura
Prepared by:
Annie A. Daet, MAEd
Sherry Ann P. Tumamao, MST
Fe T. Dugay, MST
Meliza Joy B. dela Cruz
Kevin Jay L. Arienda
Name: ________________________________________
Bloc: ________ Course and Year: ____________
Tandaan: Laging tingnan ang oras kung ito ba ay nararapat sa pagtawag o pagtetext.
Magkaroon ng kamalayan kung oras na para sa tanghalian, hapunan o oras ng pagtulog
bago kontakin ang guro.
1
CHED Memorandum Order No. 20 series of 2013 p 4
Layunin:
1. Mapalalim ang pag-unawa sa mga panitikan na nauugnay sa mga aspetong panlipunan;
2. Bigyang paghahalintulad sa nabasang panitikan hinggil sa kahirapan at sa
kasalukuyang pangyayari na dulot ng kahirapan.
Talakayan:
Ang kantang ito ay sumasalamin sa kahirapan. Ipinapakita nito ang magkaibang
pamumuhay ng mayayaman at sa mahihirap. Ipinapahiwatig nito ang pinakamalaking
suliranin sa pamumuhay ng bawat Pilipino, ito ay ang kahirapan. At sa kantang ito,
ibinabahagi ang epekto ng korupsyon na nagdudulot ng matinding kahirapan sa Pilipinas.
Halina at pag-usapan natin ang awiting “Upuan” ni Gloc 9.
"Upuan"
(feat. Jeazell Grutas of Zelle)
Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Base sa liriko ng kantang ito, nagbibigay ng sitwasyon si Gloc-9 kung saan lubos na
naipapakita ang kahirapan sa ating bayan. Sa unang berso, inilarawan niya ang sitwasyon
ng isang mayaman na mayroong napakaraming bagay na wala ang mahihirap. Inilarawan
niya ang bahay na malaki, “may malawak na bakuran, matataas na pader at pinapaligiran
ng mga mamahaling sasakyan”. Sa loob naman ay palagi may mga taong naka-barong,
palaging merong pagkain na “hindi tutong” at palaging may hamon kahit walang
okasyon. Ilan lamang iyan sa mga ginamit na paglalarawan ukol sa buhay ng
mayayaman.
Sa ikalawang berso naman, inilarawan naman ang buhay ng mahihirap. Ginamit
niya rito ang punto-de-bista ng isang mahirap. At kasalungat sa buhay ng mayayaman,
ikinumpara niya ang buhay ng mahihirap. Kumpara sa bahay ng mayayaman, ang kanila
daw ay gawa mula sa “tagpi-tagping yero” lamang. At kung may makakain araw-araw
ang mayayaman, sila daw ay umaasa lamang sa “ulam na tuyo’t asin” na pinagkakasya
lamang sa singkwenta pesos. Bukod pa dito, nakakakain lamang sila kapag sumweldo
ang kanilang ama. Ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa napakaraming
halimbawang inilarawan ng may akda. Sa dulo ng bersong ito, napag-isip-isipan ng
persona kung masyado lang “maraming harang” ang pumapagitan sa mayayaman o
mahihirap o sadya lamang na “nagbubuluag-bulagan” ang mga ito upang maiwasan ang
sitwasyon na ito. Sa ating bansa, masasabing ito ay totoo sapagkat ang mayayaman at
mga pulitiko ay walang ginagawa upang masolusyonan ang problemang ito.
Sa “music video” naman ng kantang ito, paulit-ulit na ipinapakita ang isang upuan
na inuupuan ng mga kumakanta at ng mayayamang tao. Ipinakita ang kaginhawahan ng
buhay ng mga mayayaman habang sila ay nakaupo sa upuan. Habang nakaupo ang
Paulit-ulit at nangingibabaw ang upuan sa buong tagal ng bidyo. Dahil dito, mas
nabibigyang pansin at diin ang nasabing “upuan”. Makikita mo rin na may takip sa bibig
si Gloc-9 sa ilang punto ng bidyo. Sinasabi nito na walang boses at hindi naririnig ang
mga hinaing ng mga tao. Nais imulat ng may akda ang mga mamamayan sa sitwasyon na
ito ng ating bansa. Ang hinihingi lamang ng may akda sa mga mayayaman ay “tumayo”
mula sa kanilang mga “upuan” upang makita ang naghihirap na sitwasyon ng bayan
sapagkat sila ang nasa posisyon upang lutasin ang problema ng kahirapan at korupsyon sa
bansang Pilipinas.
Layunin:
Masuri ang iba’t ibang uri mg karapatan sa lipunang ginagalawan
Matukoy ang mga pahiwatig ng paglbag sa karapatang pantao.
Bigyang repleksyon ang ginamit na panitikan hinggil sa karapatang pantao.
Talakayan:
Uri ng Karapatan
Natural Rights-ito ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng
Estado.
Constitutional Rights-ito ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
Estado.
Statutory Rights-ito ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
Layunin:
1. Matukoy ang mahalagang karapatan ng mga mangagawa;
2. Bigyang repleksyon ang ginamit na panitikan hinggil sa uring manggagawa.
Talakayan:
Ang isang malakas na boses upang ipagtanggol ng mga batas pantrabaho sa
pandaigidig ay ang ILO. Ang ILO (International Labour Organization) ay nagsimula
pagkatapos ng Unang Pandaigdigang Digmaan. Ngunit pagkatapos ng Ikalawang
Pandaigdigang Digmaan, nagging bahagi ng United Nations ang ILO. Ang ILO ay naging
kasangkapan upang bigyan-tuon ang ilang napakaimportanteng batas na pandaigdig.
Tuklasin:
Basahin ng maigi ang tula. Habang iyong binabasa ito, nakikinikinita mo ba ang ibig
nitong sabihin? Nararamdaman mo ba kung anong emosyon ang nais nitong iparating?
May mga linya ba na nais kang bigyan ng diin? Mula sa tula, ano ang nakikita mong
mga isyu sa pangkasarian na maaring nakikita mo pa rin sa kasalukuyan?
“BABAE
Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapiha’y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pang-kama?
Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan,
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa?
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Bakit ba mayroong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
Talakayin:
Pagkatapos mong basahin ang tula at analisahin itong mabuti, basahin mo din ang
artikulong sinulat ni Mykel Andrada na pinost sa www.pinoy.weekly.org nong ika- 8 ng
Marso, 2016. Ito ay isang tungkol sa tula na nasulat sa itaas.
Kung durugtungan natin ang awit na Babae, maaarin nating ipakita ang patuloy na
pakikibaka ng kababaihan at sambayanan sa kasalukuyan at hinaharap- ang pag- aalay ng
sining, talent, tapang at bahay ng kababaihan para sa tunay na pagbabagong panlipunan.
Walang awit na natatapos hanggang patuloy itong inaawit at dinurugtungan.
Tuwing Marso 8, ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ay pinatutugtog at inaawit
ang kantang “Babae” ng grupong Inang Laya. Ang pagkanta sa “Babae” ay isang
historikal, kultural at sosyo-politikal na akto. Historikal dahil ipinapaalala nito ang
mahalagang papel ng kababaihan sa pagpapalaya ng bansa mula sa mga dayuhang
mananakop at lokal na naghaharing uri. Kultural dahil ipinamamalas nito ang talim ng
awit bilang instrumento sa pagmumulat ng kamalayan ng mamamayan. At sosyo-politikal
dahil itinuturo nito na iwaksi ang kaisipan na ang babae’y mahina, sunud-sunuran at
perenyal na biktima, at sa halip ay hinihimok ang kababaihan na sumapi sa kilusang
magpapalaya ng kababaihan at ng bayan.
Patanong ang retorika ng kanta. Tinatanong nito kung anong klaseng babae ang mga
Pilipina, at kung tama ba o hindi ang ganung pagturing sa babae. Nakalista sa mga
saknong ng kanta ang iba’t ibang pangalan ng babae sa panitikan at kasaysayan ng
Pilipinas.
BIKTIMA AT SINTOMAS NG KARAHASAN
Sa unang saknong, nabanggit ang mga pangalan ng tatlong babaeng tauhan sa mga nobela
ni Jose Rizal: sina Maria Clara, Hule at Sisa. Sa katunayan, hango sila sa totoong mga
babae noong panahon ng mga Kastila. Ang tatlong tauhang ito ay nagpapakita ng dikta
ng lipunan sa babae: na ang babae ay mahina, umiiyak, nagtitiis, biktima, binabaliw at
Matapos basahin ang artikulo, basahin din ang sumusunod na tula at kanta. Habang
binabasa ito, kumuha ng kamag- aral at sagutin magdiskuyon habang sinasagitan ang
mga sumusunod na tanog:
1. Sino- sino ang tinutukoy ng tula na nais makilala?
2. Para kanino ang tulang nabasa?
3. Kung magdaragdag pa kayo sa babaeng dapat kasama sa awit, sino sila at bakit?
Ipaliwanag.
4. Sino ang mukha ng matapang na babae sa panahong ito?
5. Anong napapanahong isyung tungkol sa kababaihan o LGBTQ and dapt pag-usapan,
pahalagahan at ipaglaban?
Mga Sanggunian:
https://www.metrolyrics.com/tatsulok-lyrics-bamboo.html
https://malupitnatagalog-c2012.blogspot.com/2012/02/upuan-ni-gloc-9-ivan-ubalde.html
https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/upuan.html
https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/walangnatira.html
Upuan Kasalukuyan
Pagkakatulad o pagkakaiba
TATSULOK ni Bamboo
Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi
Batayan sa Pagmamarka
"Walang Natira"
(feat. Sheng Belmonte)
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Gusto kong (Yumaman [4x])
Nagaabroad sila
Batayan sa Pagmamarka
Batayan sa Pagmamarka
Batayan sa Pagmamarka