Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GAWAIN # 6

I. Pamagat: “ Muro-ami”
II. Mga Tauhan:
 Cesar Montano – bilang Fredo
 Ping Medina– bilang Dado
 Amy Austria – bilang Susan
 Jong Hilario – bilang Botong
 Rebecca Lusterio – bilang Kalbo
III. Buod ng Pelikula: Ang pelikulang Muro-Ami ay tungkol sa iligal na
gawain na nagaganap sa isang dalampasigan sa Pilipinas. Ipinokus
ang istorya sa isang mangingisda, si Fredo o mas kilala sa tawag na
Maestro,na siyang namumuno sa barkong Aurora. Isa siyang
mangingisda na may tinatagong galit at lungkot dahil sa pagkamatay
ng kanyang asawa at anak. Sa kasalukuyan, si Fredo ay pumapalaot
bitbit ang galit at paghihiganti. Dahil sa inaasahang mataas na kota,
ang mga batang maninisid ay sinasapilitang pinapatrabaho walong
beses sa isang araw para makamit ito. Ang mga kabataang ito ay
pinapakain dalawang beses lamang at pinapatulog sa masikip at
siksikan sa isang kwarto ng barko.Marahas ang pamumuno ni Fredo
sa kanyang barko, kaya ang mga taong pinamumunuan niya ay unti-
unting nagagalit sa kanya, kabilang na rito si Botong. Dahil dito,
nagplano si Botong at ilan sa kanyang mga tauhan na patayin si Fredo.
Binugbog nila ito at itinapon sa dagat, kasama na rin ang tatay ni
Fredo na si Dado. Si Botong ang pumalit kay Maestro bilang pinuno
ng barko, at sa kanyang pagkagulat, bumalik si Fredo sa kanyang
barko. Naglaban ang dalawa at ito ang naging dahilan ng pagkasunog
ng barkong Aurora.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar):
a. TAGPUAN: Akmang-akma ang lugar kung saan ginanap ang pelikula
dahil makikita natin dito ang kagandahan ng ilan sa mga parte ng
Bohol. Napakalaki ng kinunan sa Muro-ami ay nagana sa dagat, at
makikilala ito sa pamamagitan ng topograpiya nito at sa pagpapakita
ng buhay ni Fredo.
b. PROTAGONIST: Cesar Montano – bilang Fredo
c. ANTAGONISTA: Jong Hilario – bilang Botong
d. SULIRANIN: Dahil marahas ang pamumuno sa kanyang barko,
nagalit sa kanya ang kanyang mga tauhan.
e. MGA KAUGNAY NA PANGYAYARI O MGA PAGSUBOK SA
PAGLUTAS NG SULIRANIN: Nagplano si Botong at ang kanyang
mga kasamahan na patayin si Fredo.
f. MGA IBINUNGA: Binugbug nila si Fredo at itinapon ito sa dagat.
Bumalik at naghiganti si fredo at sila ay naglaban hanggang sa
masunog ang barko ni Fredo.
V. Paksa o Tema: Ang tema o paksa ng may akda ay nakatuon sa
pagkasaria ng mga korals sa ating yamang dagat at sa murang edad
ang mga bata ay nagtatrabaho na.
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. SINEMATOGRAPIYA: Ang pagkuha sa wastong anggulo ng bawat
eksena ay napakagaling. Wasto ang timpla ng ilaw at lente ng kamera
na kung saan makikita na parang totoo ang bawat kaganapan o eksena.
b. MUSIKA: Napalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin
ng manonood.
c. VISUAL EFFECTS: Ang visual effects na ginamit sa pelikula Muro-
ami ay madaling unawain kung anong nais ipabatid sa mga
manonood.
d. SET DESIGN: Ang mga disenyong ginamit sa pelikula ay angkop at
nagbigay sigla sa mga manonood.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula: Maraming aral ang matututunan sa


pelikulang ito. Ipinapakita dito na hindi dapat nating abusuhin ang
kalikasan dahil kayamanan ito ng ating bansa. Huwag nating hayaang
maubos ito at tuluyan nan gang mawala dahil baka dumating angaraw
na ang mga susunod na henerasyon ay wala ng aabutan na magandang
kalikasan. Huwag din nating hayaan na ang mga musmos na bata ay
abusuhin. Sila ay hindi dapat pinagtratrabaho lalo na at napaka
delikado. Ang dapat na ginagawa ng mga kabataan ay nag aaral sa
paaralan upang pagdating ng panahon ay sila ang magtataguyod ng
ekonomiya ng ating bansa. Ayon nga kay Dr. Jose Rizal “Ang
kabataan an gag-asa n gating bayan.”

VIII. Kabuuang Dating sa Sarili ng Pelikula: Ang pelikulang Muro-Ami


ay kwento ni Fredo. Isa siyang mangingisda na may tinatagong galit at
lungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak. Sa
kasalukuyan. Si fredo ay pumapalaotbitbit ang galit at paghihiganti.
Pinapamahalaan niya ang barko niyang pumapalaot sakay ang mga
musmos ng Muro-ami, Zamboanga. Ginagamit niya ang mga paslit
para sumisid sa dagat at maglatag ng paghuli ng isda ilalim ng dagat.
Ang paraang pangingisdang ito ay iligal dahil sa mga 'coral reef' siya
nanghuhuli at mga bata ang kanyang mga manggagawa. Dahil sa
sobrang kahirapan, ang mga magulang mismo ng mga paslit ay
tinatratong parang mga hayop a loob ng barko. Ito ay isang pelikulang
Pilipino na maipagmamalaki ko. Hindi ito hango sa pelikulang
dayuhan. Ang kwentong ito ay tunay na galing sa isang bahagi ng
Pilipinas. Gusto ko ang paglapat ng mga artista sa pelikula. Hindi
naglagay ng mga 'artistahing' mukha ang direktor Pinili niya ang mga
simpleng tao na may mga natural na galaw at kilos para sa mga
karakter. Medyo pansin nga lang na hindi mga propesyonal na mga
artista ang gumanap pero mas gusto ko nang mapanood ang mga 'di
superstar' na artista kaysa sa mga 'artistahin' nga pero hindi naman na-
aangkop sa karakter. Mahusay ang 'sinematograpiya. Kahit na ang
kuha ng kamera ay puro sa bulok at nakakadiring barko ni Fredo,
hindi talaga matatabunan ng barkong ito ang ganda ng Pilipinas.
Ipinapakitang sinematograpiya ng pelikulangito na ng Pilipinas ay
isang paraiso sa gitna ng impiyernong buhay ng mgabatang Muro-
Ami. Maayos at malinaw ang mga anggulo ng kamera. Kitang-kita n
mga kamera ang gustong mensaheng ipaabot ng pelikula kahit na
hindi ito madaling gawin. Halimbawa dito ay ang eksena sa tulugan
ng mga bata sa barko. masikipat madilim ang lugar pero malinaw
itong na-i-anggulo ng director. Ito ay isang pelikulang dapat panoorin
ng mga tao, bata man o matanda. matapos mong lumabas sa sinehan,
mananatili sa utak mo ang pelikula. magkakaroon ka ng mga
katanungan na nanaisin mong sagutin. Puno ito ng sentimentalidad.
Masaklap nga lang ay totoo, buhay at hindi kathang-isip lang ang
sentimentalidad ng pelikulang ito.' Napakaganda talaga ng Pilipinas.

IX. Rekomendasyon: Maganda ang pagkakapresenta sa pelikulang ito na


nagpapakita sa kung ano ang maaring isakripisyo ng isang asawa para
sa kanyang minamahal. Ang akin lang mairerekomenda ay dapat
dagdagan ng mga tugtug para mas mapabilis ang pagtibok ng puso ng
mga manonood upang mas madala ang mga manonod.

You might also like