Ordeniza-BSND-1 (FIL 101)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ordeniza, Ma. Fielicity J.

BSND 1
FIL 101

Individualistic
Ako si Ma. Fielicity J. Ordeniza, nakatira sa tahimik at matiwasay na bario ng Pasonanca.
Kilala ako bilang isang masiyahing kaibigan at anak, dala na ng aking pinagmulan. Sa aking
kalagayan, natutunan kong maging isang malaya sa aking ginagawa dahil sa mga taong
nakapaligid sakin - pinapasiglahin at tinutulungan nila ako maging buo sa aking pagkatao.
Lumaking may ngiti sa labi at sa kagandahan ng loob. Nasanay na maging mag-isa ngunit ay
masaya.

Collectivist
Ang pangalan ko ay Ma. Fielicity J. Ordeniza, isang mag-aaral na kumukuha ng kursong
Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics sa universidad ng Western Mindadano State
University. Lumaki ako sa masiyahing pamilya - ang tatay ko ay palabiro samakatuwid, ang aking
nanay ay laging tumatawa at kami ng aking apat na kapatid ay nadadamay sa halikhik. Nadala ko
ang pagiging palabiro sa aking mga kaibigan, ika nga nila - ako ay isang happy pill.

Allocentric
Ma. Fielicity J. Ordeniza ang aking buong pangalan, pwede rin akong tawaging sa aking
palayaw, Heart. Hindi magkatugma ang tunay kong pangalan at ang aking palayaw, ngunit
madami ang nagsasabi na ito ay natatangi sa lahat. Sa tuwing ako ay may nakikilalang bagong
mukha, iminimungkahi ko na tawagin ako sa aking palayaw at inilalahad ko ang kwento sa likod
na aking palayaw sa kanila.

Idiocentric
Ako si Ma. Fielicity J. Ordeniza. Hindi madali ang maging ako ngunit di ko itinatanggi na
masaya na maging ako. Mahilig ako sa pagkain lalo na’t ito ay lutong bahay, kadalasan ay
itinatago ko muna ang pagkain na nakahain (maliit na bahagi lamang) upang ito ay hindi maubos
ng mabilis. Hindi ko sinasabing ako ay madamot, ito lamang ang aking paraan sa pagiging matipid
lalo na sa panahon ngayon.

Polychronic
Ang aking pangalan ay Ma. Fielicity J. Ordeniza, ako ay panganay sa magkakapatid. Sa
pagiging panganay nasanay ako na maging responsable sa mga bagay-bagay. Katulad ng pag
gising ng maaga, maging matulungin sa gawaing-bahay, at maging mabuting ate. Nagagawa ko
ang lahat ng ito araw-araw at ng sabay dahil ako ay ginagabayan ng aking mga magulang.

Monochronic
Ang ang panganay sa aming magkakapatid, ang pangalan ko ay Ma. Fielicity J. Ordeniza. Ang
pagiging panganay ay mahirap, ngunit sa paggabay sa akin ng aking magulang ito ay nagigng
mas madali sa akin. Nagagawa ko ang mga dapat kong gawin sa oras.

You might also like