POSISYONNG PAPEL NG MGA MAG-AARAL NG KORONADAL NATIONAL
COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL- SENIOR HIGH SCHOOL (KNCHS- SHS) HINGGIL SA PAGPAPATAYO NG PANGATLONG PALIKURAN PARA SA MGA LGBT
Palikuran para sa LGBT: Ang Pantay na Karapatan at Serbisyo ay hindi lamang para sa mga babae at lalake.
Bilang mamamayan ng Pilipinas hindi nakabatay sa edad, kulay, estado sa
buhay, kasarian, relihiyon o trabaho ang makakatanggap ng pantay-pantay na karapatan. Ayon sa seksiyon II ng atikulo II ng saligang batas ng 1987 ng republika ng Pilipinas na pinahalagahan ng Estado ng dangal ng bawat tao at tinitiyak ang ganap na paggalang para sa karapatang pantao. Ito ang patunay na tayong lahat ay may karapatan na maging masaya at magawa ang mga bagay na gusto natin, ngunit para sa iba hindi naging madali ang makatanggap at maranasan ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin masyadong nabibigyan ng pansin ang mga lgbt. Ang pagkakaroon ng kalayaan na maipahayag ang sariling saloobin at totoong pagkatao ng isang indibidwal ay malaking katuparan na para sa mga taong pilit kinukubli ang totoong kulay upang malayo sa panghuhusga at pangungutya ng mga taong nasa paligid nila, ito ay ang mga taong matapang na nakisapi sa LGBT. Lubos na nakakataba ng puso ang makitang nagawa na rin nilang makalabas sa kwartong nagging madilim nilang kanlungan dahil sa mapanghusgang mga mata at isip ng lipunan.
Marapat lamang na makatanggap ng pantay-pantay na kalayaan at
karapatanang bawat isa sa kanila. Bilang tao at may damdamin rin, hindi sila naiiba sa mga totoong babae at lalake. Ang handugan sila ng pangatlong palikuran ay panimulang hakbang na upang maipadama sa kanila na maging ang gobyerno at pamahalaan ay lubos ng tinatnggap ang mga katulad nila. Nabibigyan natin sila ng pagkakakilanlan sa ating lipunan. Ang pagkakaroon ng palikuran para sa kanila ay hindi lumalayon na sila ay tignan ng iba at isipan ng iba, kundi ang bigyan sila ng lugar at identidad bilang mga mamamayang Pilipino.
Kagaya ng mga babae at lalake, ang mga LGBT rin ay nangangailangan ng
hiwalay na banyo upang magkaroon ng sariling praybasiya. Marami sa ating mga kabababayan na LGBT ang naghahangad ng kanilang sariling palikuran para sa kanilang kasarian. Hindi dapat maging hadlang ang kasarian sa pagkakaraon ng karapatang magkaroon ng sariling praybasiya at ang makaramdam ng comfort na kung saan magagawa ng bawat indibidwal ang kanyang mga gustong gawin at ang maipahayag ang kanyang sarili. Bigyan ng tunay na respeto ang mga kasapi ng LGBT bilang sila ay tao din. Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagbigay ng kanilang sariling mga palikuran sa mga pampublikong mga lugar. Ang palikurang ito ay naghahandog ng praybasiya sa mga babae at lalaki sa pampublikong lugar. Dito ay nagagawa nila ang mga bagay na komportable nilang gawin lingid sa mata ng mnga tao. Ito ay ang mga kalayaan din na dapat matamasa ng mga LGBT. Maging sila din ay may mga bagay na sila lamang ang nakakalam na gawin, iba sa totoong konsepto mayroon ang lalaki at babae. Ang palikuran na para sa kanila ay magdudulot ng kalayaan sa kanila. Kalayaan na maisagawa at kumilos ng naayon sa sarili nilang interes.
Ang pagpapatayo ng pangatlong palikuran sa mga establisyamento ay
makakatulong upang mabawasan ang diskriminasyon. Marami sa kanila ang nakakatanggap ng pambabastos dahil sa kanilang pananamit at sa kasariang kinabibilangan. Kahit na tayo ay nasa 21st century na ay hindi pa rin maiiwasan ang ganitong pangyayare na nagdudulot ng masamang epekto hindi lamang sa LGBT kundi sa mamayang Pilipino. Noong 2012, ang Department of Education na kung saan nangangasiwa ng pangunahin at sekundaryong paaralan ay gumawa ng batas para sa proteksyon ng kabataan na naglalayong tanggalin ang diskriminasyon sa paaralan. At noong 2013 naman ay pinasahan ng kongreso ang Anti-bullying law at nagpatupad ng patakaran at regulasyon na mapabilang ang sexual orientation. Hindi natin maipagkakaila na kapag pumasok ang alam natin ay bakla o tomboy sa palikuran ng mga babae at lalake, nag-iiba ang takbo ng ating isipan. Nagkakaroon ng diskriminasyon.
Ngunit kahit na mayroon ng batas para sa proteksyon ng kabataan at sexualidad
ay hindi pa rin natin natin maitatago na meron pa ring karahasan na nagaganap. Marami sa mga lgbtq ang nagsasabi na sa simpleng pagtingin lamang nila sa salamin ay nagdudulot ng ito ng kantyawan. Para sa kanila mas pipiliin nalang nilang umuwi sa bahay at doon na gumamit ng palikuran upang maiwasan ang diskriminasyon. Ngunit bilang isang tao at mamayan ng pilipino, karapatan din nilang magkaroon ng sariling banyo dahil ang lgbt ay isa na ring kasarian at dapat mabigyan sila ng tamang pagtrato. Bilang isang mamayang Pilipino, nararapat lang na mag-laan ng pondo ang bawat establisyemento sa pilipinas upang ito ay gamitin sa pag-papatayo ng pangatlong palikuran. Sa paraang Ito, tayo ay makakatulong upang mabigyan ng hustisya ang bawat mamayang pilipno at LGBT.