Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang 

Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang himig nito ay ipinalikha, sa taóng


1898, ni Gen. Emilio Aguinaldo kay Julian Felipe, sa ngalang "Marcha Filipina Magdalo". Ang áwítin
ay isa sa mga pagsasa-Tagalog ng tulang "Filipinas" na isinulat ni Jose Palma sa taóng 1899 sa
wikang Español.
Ang tugtugin ng awit na ito ay isang marcha. Ang unang itinawag dito ay "Marcha Filipina Magdalo"
(Marchang Pilipinong pang-Magdalo). Pinalitan ito ng katawagan na "Marcha Nacional Filipina"
(Pambansang Marcha ng Pilipinas) nang ang himig at ang Kastilang tula ay gawing pambansang
awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
Unang naipatugtog ang himig ng awit na ito nang ika-12 araw ng Hunyo 1898, sa bánda ng San
Francisco De Malabon nang ipahayag ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa
España. Ang mga salitang Kastila ng awit ay naidagdag lamang matapos maisulat ni Jose Palma
ang tulang "Filipinas" sa Agosto ng taóng 1899. Ang ibinungang awit ay tinawag na "Patria Adorada"
(Sintang Bayan).

You might also like