Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO-VII


Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa awiting-bayan sa kaliwa.
Magtanim ay Di Biro
1. Ano ang mensaheng nakapaloob sa awitin?
Magtanim ay ‘di biro a. Kailangang magtiyaga upang mabuhay.
Maghapong nakayuko b.Nakaaaliw ang pagtatanim.
Di man lang makaupo c.Pagtatanim ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.
Di man lang makatayo d. Ang mga katutubo ay mahilig sa pagtatanim.
Kay pagkasawing-palad 2. Ilarawan ang pamumuhay ng tauhan sa awiting bayan.
Ng inianak sa hirap a. marangya b. pulubi
Ang bisig kung di uunat c. magara d. simple
Di kikita ng pilak. 3. Ano ang damdaming inilalarawan ng kanta?
a. masaya b. malungkot c. katatakot d. katatakot

4. “Kay pagkasawing-palad ng inianak sa hirap”. Ang kahulugan ng nakasalungguhit ay_______.


a. maswerte b. malas c. biniyayaan d. masakit
5-7. a. Payak b.maylapi c. Inuulit d. Tambalan
________5. tinatahak
________6. kayod-kalabaw
________7. talino
8.Ito ay mga awiting bayan na inuukol sa pag-ibig.
a. kundiman b. kumintang c. dalit d. hele
9. Alin sa mga sumusunod na awitin ay isang kundiman?
a. Magtanim ay Di Biro b. Bahay Kubo c. Nasaan Ka Irog d. Leron-Leron Sinta
10. Ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
a. pormal b. kolokyal c. balbal d. lalawiganin
11. Sabi ng lalaking nakatabi ko kanina walang epek sa kanya ang pagkapanalo ng Ginebra. Alin sa
mga salitang ginamit sa pangungusap ang pabalbal?
a. lalaki b. Ginebra c. epek d. kanina
12. Ang katagang “Papanaw ka na?” ay halimbawa ng lalawiganing salita. Ano ang katumbas nito sa
Filipino?
a. Aalis ka na? b. Saan ka pupunta? c. Bakit ka aalis? d. Aalis ka ba?
13. Ito ay isang uri ng komunikasyon na karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit
upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita o titik.
a. berbal b. kinesis c. di-berbal d. paggalaw
14. Nais mong lumikha ng kantang iyong gagamitin sa pagpapatulog ng iyong bunsong kapatid.
Anong uri ng kanta ang iyong lilikhain?
a. kundiman b. kumintang c. dalit d. hele

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

15. Ano ang nakitang nakitang katangian ni Maria kay Juan kaya niya ito nagustuhan?
a. Kabutihang Loob b. Magandang Boses c. Matipuno d.Katalinuhan
16-19 a.Payak b. Maylapi c. Inuulit d.Tambalan
__________16. Tawag sa salita na may pag-uulit.
__________17. Binubuo ito ng dalawang salitang pinag-isa.
__________18. Mga salitang binubuo ng salitang ugat lamang.
__________19. Tawag sa mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlapi.
20. “Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay”. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalunguhit?
a. natumba b. napaupo c. natalo d. naapi
21.Ito ay paninindigan ng isang pahayagan, pambansa man,local o pangkampus, organisasyon,
pangkat o institusyon tungkol sa iba’t ibang isyung panlipunan.
a. Editoryal b. Sanaysay c. Talumpati d. Dula
22. Uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay sa daigdig.
a. Maikling Kuwento b. Alamat c. Sanaysay d. Nobela
23. Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ito ay itinatanghal sa harap
ng madla.
a. Maikling Kuwento b. Sanaysay c. Alamat d. Dula
24. Isang panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin at iba pa
hinggil sa isang paksa.
a. Alamat b. Sanaysay c. Maikling Kuwento d. Kuwentong Bayan
25. Ito ay mga awiting bayan na inuukol sa pag-ibig.
a. kundiman b. kumintang c. dalit d. hele
26.Siya ang tamad na kapatid ni Juan na nang iwan sa kanya.
a. Pablo b. Pedro c. Juan d. Ramon
27. Ano ang nakamit ni Juan dahil sa kanyang kabaitan.
a. naging hari b. nananatiling mahirap
c. naging prinsipe d. namatay
28. Ano naman ang nangyari sa kapatid niyang si Pedro?
a. naging hari b. nananatiling mahirap
c. naging prinsipe d. namatay
29. Samahan mo si lola sa palengke __________ hindi maligaw.
a. kung saan b. noong c. ng d. nang

30. Suriin ang pangungusap. “Makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang bagay”
a. pinatutunayan ng mga detalye b. nagpapakita
c. kapanipaniwala d. katunayan

31. Hindi nakapasok si Mench __________ malakas na ulan.


a. sapagkat b. dahil sa c. kasi d. upang

32. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pahambing na magkatulad?

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

a. Di-hamak na mas matangkad si Luis kaysa sa akin.


b. Matalino si Mike ngunit lalong matalino si Jil.
c. Mas mabait si Amihan kaysa kay Alena.
d. Si Ana ay kasing ganda ng kanyang ina.
33. Alin ang paghahambing na di magkatulad?
a. Si Anna ay maganda katulad ng kanyang nanay.
b. Si Marcela ay kasing bait ni Beth.
c. Magsing tangkad sina Troy at Ken.
d. Di sing puti ng gatas ang balat ko
34. Aling pangungusap ang nagsasaad ng pahambing na di-magkatulad na pasahol?
a. Di gaanong matalino si Danny kaysa kay Norman.
b. Higit na madali ang eksam ngayon sa noon.
c. Mas maunlad ang bayan namin kaysa kanila.
d. Di-hamak na mas maganda naman ang pamumuhay naming ngayon kaysa noon.
35. Paghambingin ang kabataan noon at ngayon sa magkatulad na antas.
a. Mas magagalang ang mga kabataan noon kaysa ngayon.
b. Higit na mapagkatiwalaan ang kabataan ngayon kaysa noon.
c. Gaya ng mga kabataan noon, matatiyaga din ang kabataan ngayon.
d. Di-hamak na mas pino gumalaw ang mga kabataan noon kaysa ngayon.
36. Ito ay isang uri ng kuwentong bagay na nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. alamat b. maikling kuwento c. sanaysay d.. tula
37. Mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na
ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pormal b. Kolokyal c. Balbal d. Di Pormal
39. Salitang ginagamit sa aklat pangwika sa lahat ng paaralan.
a. Pampanitikan b. Pambansa c. Lalawiganin d. Kolokyal
40. Mga salitang ginagamit ng mga tambay. Ito ang pinakamamabang antas ng wika.
a. Balbal b. Pambansa c. Lalawiganin d. Kolokyal
Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7
Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I
Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II

SECOND QUARTER PERFORMANCE TASK

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

FILIPINO 7

Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________


Panuto: Sumulat ng sariling bersyon ng awiting bayan gamit ang iyong sariling wika at mga
antas ng wika. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba para sa iyong gawain.

[Type a quote from the document or the


summary of an interesting point. You can
position the text box anywhere in the
document. Use the Drawing Tools tab to
change the formatting of the pull quote text
box.]

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Naisulat ang sariling bersyon ng isang awiting-bayan sa sariling lugar
gamit ang wika ng mga mag-aaral o wikang higit na nauunawaan ng
kabataan.
Nakagamit ng iba’t ibang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit
sa pagsulat ng awiting bayan.
Kabuuang puntos: 20
10 9 8 7 6
Napakahusay Mahusay Katamtaman Di-mahusay Maraming kakulangan

Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO-VII


Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

1. “Si Pelimon, si Pilemon nangisda sa kadagatan. Nakakuha, nakakuha ug isdang Tambasakan.”


Ano ang isinaad sa linyang ito?
a. naaaliw ang mga tao sa pangingisda c. mahusay sa pagsasaka ang mga tao sa Bisay.
b. isa sa mga pangkabuhayan ng mga Bisaya ay ang pangingisda.
2.” Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke. Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang
pinagbilhan, pinambili ng tuba.” Ano ang isinasaad ng linyang ito?
a. ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba.
b. ang tauhan ay nagbibigay ng tuba araw-araw.
c. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
3. Ang dalaga naman ay biglang umiyak. Luha ay tumulo, sa dibdib pumatak.
Ano ang isinasaad ng linyang ito?
a. ang tauhan ay naghihinagpis
b. ang tauhan ay nagagalak
c. ang tauhan ay may hinihintay na panauhin.
4. “Tabi-tabi, makikiraan lang kami. Kami ay patawarin kung kayo’y masagi namin.”
Ano ang isinasaad sa linyang ito?
a. pagpapakita ng paggalang o pagrespeto sa mga nadadaanan mong nuno.
b. pagtanaw ng utang na loob.
c. pagkuha sa bagay na hindi naman sa iyo.
5. “Batang munti, batang munti matulog kana. Wala rito ang iyong ina, Siya ay bumili ng tinapay.
Batang munti, batang munti matulog kana.”
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging mahusay na mang-aawit.
b. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging magalang.
c. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para makatulog ang bata.
6. Ay! ay! kalisud. Kayhirap ng iniwanan! Gabi’t araw ang mata ay laging luha.
Ano ang isinasaand ng linyang ito?
a. masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig.
b. ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao.
c. napakahirap ang iwanan ng taong mahal mo.
7. “Dandansoy, iiwan na kita. Babalik ako sa payaw, kung sakaling ikaw ay mangulila, sa payaw ikaw
tumanaw.” Ano ang isinasaad ng linyang ito?
a. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang nagmamahalan.
b. napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang pagmamahalan.
c. napakalungkot ng kinakaharap na kabiguan sa pag-aaral.
8. “Ang panyo mo at ang panyo ko, asawa kita asawa mo ako.” Ano ang isinasaad sa linyang ito?
a. dalawang pusong nagmamahalan
b. magkapatid hanggang kamatayan
c. magkaaway habang buhay
9. Ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma?
a. Alamat ng bayan b. Awiting bayan c. Bulong ng Bayan d. Awit at Bayan
10. Ginagamit ito sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno?
a. Aral b. Awit c. Bulong d. Alamat
11. Bakit hiniwalayan ni Tungkung Langit si Alunsina?
a. Dahil sa selos ni Tungkung Langit.

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

b. Dahil hindi pwede magsama ang mga bathala.


c. Dahil sa pinatitikan ni Alunsina sa dayaray si Tungkung Langit.
d. Dahil sa nagtaksil si Alunsina kung kaya’t nagalit si Tungkung Langit sa kabiyak.
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bulong?
a. Mano po b. Paalam c. Tabi-tabi po d. Kain tayo
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng awiting-bayan ng kabisayaan?
a. Ay Kalisud b. Bahay-kubo c. Si Pelimon d. Waray-waray
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang balbal na may salungguhit, ang ginamit sa
usapan nina Dindo at ng kanyang mga kaibigan sa hanay A. Piliin sa hanay B ang titik ng
tamang sagot at saka isulat sa patlang.
A B
14.___ Dindo: Masaya ang tipar kina Jun kagabi. A. ama/tatay
15.___ Rico: Oo nga,pero maaga akong umuwi. B. bata pa
May sakit kasi si erpat kaya kailangan ko siyang bantayan. C. handaan
16. ___ Niπo: Dehins ako nakarating.Dumating kasi si utol kaya sinundo D. hindi
muna namin siya sa airport. E. inay/ina
17.___ Bong: Ako nama’y nasiraan ng tsekot nang papunta pa lang. F. kapatid
18.____Sinita nga ako ng lespu sa gitna ng kalye ba naman ako tumirik. G. kotse
19.___ Dindo: Palitan mo na kasi yang tsekot mo ng tsedeng para hindi ka H. matanda
na nasisiraan. I. pera
20.___ Rico: Wala pa tayong datung pre,tsaka na yan. . J. pulis
21.___ Niπo: Bagets ka pa naman. Mag-ipon ka pa at tiyak na makabibili ka
rin ng tsedeng balang araw.
22.___ Bong: Pangarap ko yan bago ako maging gurang.
23.____Dindo: O pano,uwi muna ako. May iniutos pa kasi si ermat.
24.___Rico: Ako rin, susunduin ko pa si utol. Paalam muna sa inyo
25. Istandard dahil kinikilala,tinatanggap at ginagamit higit ng nakararami.
A. pormal B. balbal C. di-pormal D. kolokyal
26. Ang _______ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan.
A. pera B. wika C. pamilya D. pagkain
27. Isang salitang kanto o salitang kalye.
A. pormal B. kolokyal C. balbal D. lalawiganin
28. Ang wikang __________ ang ating wikang Pambansa.
A. Ingles B. Espanyol C. Filipino D. Nihonggo
29. Ipinakikilala ko ang syota kong kano. Ang salitang kano ay?
A. kolokyal B. pomal C. lalawiganin D. balbal
30. Mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
A. pormal B. pambansa C. di pormal D. pampanitikan
31. Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinag gagamitan nito.
A. pambansa B. kolokyal C. lalawiganin D. di pormal

32. Wikang ginagamit ng pamahalaan at panturo sa mga nag sisipag-aral.


A. pambansa B. balbal C. pampanitikan D. kolokyal
33. Madalas na ginagamit sa pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita.
A. balbal B. kolokyal C. pormal D. lalawiganin

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

34. Mga salitang karaniwan at palasak sa pang araw-araw na pakikipag-usap.


A. pormal B. pambansa C. di-pormal D. pampanitikan
35. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Mahihinuha na mula rito ang mga dalaga ay…
A. masayahin B.mapagwalambahala C. palakaibigan D. malaro
36. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kaniyang gawaing bahay.
Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay…
A. palautos B. malilinis C. masisipag D. masayahin
37. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala
ng lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Mahihinuha mula rito na
ang mga ama ay…
A. magagalitin B. mapagmalasakit C. mainisin D. mapagbigay
38.“Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
Mahihinuha mula rito na si Delay ay…
A. may sariling desisyon B. malupit C. magagalitin D. mapagbigay
39. Ginagamit ito sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno?
a. Aral B. Awit C. Bulong D. Alamat
40. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan.
Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha ng masagana. Alin sa palagay mo ang hindi
nararamdaman ng ama sa mga sandaling ito?
a. labis na nasasaktan c. labis na nalulungkot
b. labis na nagdaramdam d. labis na nasisiyahan

Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II

SECOND QUARTER PERFORMANCE TASK

FILIPINO 7

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________

Panuto: Ilarawan Si Pelimon sa pamamagitan ng paggawa ng poster. (20 Puntos)


Rubrics: Kaangkupan sa Awitin – 10, Kalinisan – 5, Simbolismo – 5

Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO-10
Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.


a. editoryal b. talumpati c. sanaysay d. talambuhay
2. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa walang
kamatayang
pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
a. Samsaon at Delilah b. Romeo at Juliet c. Florante at Laura d. Thor at Loki
3.Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. magkaaway ang kanilang mga angkan
b. pakakasal na si Juliet kay Paris
c. Labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
d. wala sa nabanggit.
4. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang isakripisyo para
maibili
ng aginaldo ang bawat isa?
a. diyamanteng kuwentas b. buhok c.gintong relos d. mamahaling suklay
5. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil.
a. Dilma Rouseff b. Sheila Molina c. Luna Silva d. Helle Thorming
6.Kailan nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil?
a. Enero 1, 2011 b. Enero 1, 2012 c. Pebrero 11, 2011 d. Peb. 11, 2012
7. Kailan isinilang si Dilma Rouseff?
a. Sep.14, 1947 b. Oct. 14, 1947 c. Nov. 14, 1947 d. Dec. 14,1947
8. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat.”
a. 1950 b. 1951 c. 1952 d. 1953
9. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della.
“Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
a. pag-aalala b. pagtataka c. pagkainis d. pagtatampo
10. “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,” anong pokus ng pandiwa ang may
salungguhit?
a. ganapan b. pinaglalaanan c. layon d. direksyon
11. Langoy naming ang malinis na batis sa kanluran. Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo
ang pokus ng pandiwa ang may salungguhit?
a. nilangoy b. pinaglanguyan c. kalalangoy d. nilanguyan
12. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay _________.
a. tagaganap b. layon c. pinaglalaanan d. sanhi
13. Ang sumusunod na ay mga elementong taglay ng mitolohiya maliban sa _____.
a. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan.
b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya.
c. kapani-paniwala ang lakas.
d. may salamangka at mahika

14. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap?


a. lumikas, nag-ani, magsusulat
b. ibinili, malaman, pag-aaralan
c. ipinambili, ipansulat, ipanghakot

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

d. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi


15. Kasinlaki’y ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?


a. pagwawangis b. pagtutulad c. pagbibigay-katauhan d. pagmamalabis
Para sa bilang 16 at 17.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
- Ang Aking Pagibig
16. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?
a. mapagtiis b. mapagkumbaba c. masayahin d. mapagmalasakit
17. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig
sa pamamagitan ng _____________.
a. pagsasalarawan ng tunay nap ag-ibig.
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay.
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila.
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman.
18. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng hari ng mga Higante upang hindi
sila mapasakop sa kapangyarihan nito” ay ____________.
a. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiran sa masamang paraan.
b. Matalino ang matsing nagpaglalalangan din.
c. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
d. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
19. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng
tauhan na ______________.
a. siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos.
b. sa Diyos pa rin siya kumukuha ng lakas.
c. kinilala niya ang kapangyarihan ng Diyos.
d. sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong.

20. Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young?
a. isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila.
b. hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.
c. pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

d. binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan.
21. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago?”
a. Mas mainam magbigay kaysa tumanggap.
b. Ang pag-ibig ay pagpapasakit.
c. Ang Diyos ay pag-ibig.
d. Ang Pasko ay para sa mga bata.
22. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?”
a. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
b. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
c. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
d. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig.
23. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng __________.
a. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
b. pagsaway sa utos ng kanilang angkan.
c. pagtataksil ni Juliet kay Paris
d. lahat ng nabanggit.
24. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
a. pag-ibig sa ama/ina c. pag-ibig sa kaibigan
b. pag-ibig sa kapatid d. pag-ibig sa kasintahan/asawa
25. Ito ay isang uri ng sanaysay na binibigkas. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng
isang mananalumpati sa harap ng publiko.
a. Sanaysay b. Talumpati c. Tula d. Dula
26. Ito ay tinatawag na biglaang talimpati.
a. Talumpati b. dagli c. extemporaneous d. sanaysay
27. Isang mitolohiya mula sa Iceland.
a. Samson at Delilah c. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
b. Romeo at Juliet d. Ang Matanda at ang Dagat
28. Ito ang tawag sa diyos ng Norse.
a. Aesir b. Odin c. Thor d. Loki
29. Dito naninirahan ang mga Aesir.
a. Asgard b. Paris c. Norse d. Iceland

30. Siya ang pinuno ng mga Aesir.


a. Thor b. Odin c. Aesir d. Mjlonir
31. Siya ang diyos ng kidlat at kulog. Pinakamalakas sa lahat ng diyos.
a. Thor b. Odin c. Aesir d. Mjlonir
32. Ito ay halaw mula sa nobelang “The Old Man and The Sea”.
a. Samson at Delilah c. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
b. Romeo at Juliet d. Ang Matanda at ang Dagat
33. Siya ang sumulat ng Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante.
a. Snorri Sturluson b. William Shakespeare c. Ernest Hemingway d.wala
34. Sino ang lalaking umibig kay Delilah na taga Sorek na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak?
a. Thor b. Romeo c. Samson d. Jim
35. Isang tulang pandamdamin mula sa England.
a. Romeo at Juliet b. Ang Aking Pag-ibig c. Samson at Delilah d. Pag-ibig

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

36. Maikling Kuwento mula sa United States of America.


a. Aginaldo ng mga Mago c. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
b. Romeo at Juliet d. Ang Matanda at ang Dagat
37. Mag-asawang nagnanais na bigyan ng aginaldo ang bawat isa.
a. Samson at Delilah b. Jim at Della c. Romeo at Juliet d. wala sa nabanggit
38. Ito ay pokus ng pandiwa kung saan ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos
nito.
a.Tagaganap b. Layon c. Kagamitan d. Sanhi

“May Isang Pangarap”


ni Teodoro Gener
May isang pangarap akong ninanais,
Sana sa buhay koy mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait.
Panaho’y nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod, napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit…umalpas.
39. Ano ang positibong katangian ang ipinahihiwatig ng tula?
a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok c. Pagiging determinado sa pag-abot ng pangarap
b. Paggawa ng ano man makamit lang ang pangarap. d. Lahat ng nabanggit.
40. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng tula?
a. Mapagbiro ang tadhana c. Ang sumusuko sa buhay ay lagging talo
b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol. d. Kung may nais marating, magsumikap sa buhay.
Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II
SECOND QUARTER PERFORMANCE TASK

FILIPINO 7

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________

Panuto: Batay sa kasalukuyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya, sumulat ng tula na


nagpapakita ng pag-ibig sa iyong kapwa. Gamitin mo lahat ang mga natutuhan mo upang makabuo
ka ng magandang tula. Isulat sa sagutang papel.

Goal Ikaw ay susulat ng sariling-likhang tulang liriko gamit ang mga matatalinghagang
salita.
Role Ikaw ay magiging manunulat at makata.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Batay sa kasalukyang kinakaharap natin kaugnay ng pandemya, gagawa ka ng
sariling likhang tula na may 2-3 saknong na may apat na taludtod sa bawat
saknong. Gawin itong malikhain.
Product Sariling-likhang Tualng Liriko.
Standards A. Malinaw na mensahe …………………………………………………………………………………..10
puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat ………………………………………………………………………….10
puntos
C. Malinaw na nagpapakita ng kariktan…………………………………………………………….10
puntos
D. Mabisang paggamit ng mga tayutay……………………………………………………………10
puntos
E. Dating …………………………………………………………………………………………………………..10
puntos
Kabuuan………………………………………………………………………………………………………50
puntos

Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO-10
Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________

A. Panuto: Basahin at unawain mo ang diyalogo. Isulat sa iyong sagutang papel ang

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

letra ng tamang sagot.

At nang makarating sa tahanan ni Venus si Pscyhe, agad nitong kinausap ang diyosa.
“Mahal na diyosa, ako ay nagkasala sa iyo at sa inyong anak. Lahat ay gagawin ko upang
mapatawad ninyo ako.” Buong pagmamakaaawang wika ni Psyche. “Ako ay labis na namumuhi
sa iyo mortal! Ngunit sige, kapag nagawa mo ang aking mga ipapagawang pagsubok,
papatawarin kita at baka sakaling mapatawad ka rin ng aking anak na lubhang
nasaktan dahil sa iyo.”

_____ 1. Sino sa dalawang tauhan ang tagapagpadaloy ng usapan?


A. Psyche B. Parehong A at B C. Venus D. Wala sa nabanggit
_____ 2. Sino sa dalawang tauhan ang tagatanggap sa usapan?
A. Psyche B. Parehong A at B C. Venus D. Wala sa nabanggit
_____ 3. Ano ang sitwasyon sa nasabing usapan?
A. Pagpunta ni Psyche kay Venus
B. Paghingi ng tulong ni Psyche kay Venus.
C. Dumalaw si Psyche kay Venus upang makausap ang anak nito.
D. Paghingi ng tawad ni Psyche kay Venus.
_____ 4. Patungkol saan ang usapan ng dalawang tauhan?
A. Si Venus ay may galit kay Psyche at humihingi ito ng kapatawaran.
B. Pagpapakumbaba ni Psyche sa diyosa upang tulungan siya nito.
C. Nais makausap ni Psyche ang kaniyang asawa upang humingi ng kapatawaran.
D. Pagpapakita ng pagnanais ng dalaga na matanggap siya ni Venus para sa kaniyang
anak.

ningas panakip palaka nakaw sulong pagong


patay bukid bisig kilay akyat

B. Panuto: Ilapat ang angkop na salita para mabuo ang kahulugan ng sumusunod
na mga salita. Piliin ang salita sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang papel.
___________________ 5. ______________-butas (Pamalit o pansamantala lamang)
___________________ 6. Nagsusunog ng _____________ (Masipag mag-aral)
___________________ 7. Kapit-______________ (Pagkakaisa)
___________________ 8. _____________-bahay (Magnanakaw)
___________________ 9. _____________-tingin (Pagsulyap sa isang tao na hindi nito nalalaman)
___________________ 10. Dalagang-______________ (Isang uri ng isda)
___________________ 11. Boses-______ (Sintunado o wala sa tono kung kumanta)
___________________ 12. __________-gutom (Palaging gutom o matakaw)
___________________ 13. Lakad-____________ (Mabagal maglakad)
___________________ 14. Urong-____________ (Nahihirapang magdesisyon)
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
napiling sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____ 15. Ang mga sumusunod ay hiram natin sa salitang Kastila maliban sa ____________.
A. Panyo B. Keyk C. Hulyo D. Puwersa

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

_____ 16. Hindi maituturing na dula ang isang binasang pagtatanghal kung hindi ito _______________ ng
ibang tao.
A. nababasa B. nakikita C. napapanood D. nasusulat
_____ 17. Ano ang anyo ng salitang hampaslupa?
A. Payak B. inuulit C. Tambalan D. Gana
_____ 18. Isang akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay maitanghal.
A. Nobela B. Maikling Kuwento C. Dula D. Pabula
_____ 19. Ang salitang keyk ay hiram natin sa wikang _______________.
A. Espanyol B. British C. Kastila D. Ingles
_____ 20. Ito ang pinakakalulwa ng isang dula.
A. Iskrip B. Tagadirehe C. Aktor D. Manonood
_____ 21. Isang uri ng dula na karaniwang nagwawakas nang malungkot.
A. Komedya B.Parodya C. Melodrama D. Trahedya
_____ 22. Ano ang katumbas ng salitang Kastila na calendario sa wikang Filipino?
A. kalendaryo B. Kalendario C. Calendaryo D. Calendario
_____ 23. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagbabago ng salita maliban sa _______________.
A. Pagsasama ng mga salita C. Hiram na mga salita
B. Morpolohikal na pinagmulan D. Kasingkahulugan at kasalungat
_____ 24. Ito ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at
kahulugan sa paglipas ng panahon.
A. Etimolohoya B. Ponolohiya C. Morpolohiya D. Sintaks
Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salitang nakadiin. Isagawa ang hinihingi
ng bawat bilang.
25. Hahagkan ko iyong mga labi.
Salitang-ugat: ______________________ Kahulugan: _______________________
26. Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan. Ano ang buong pagkakabaybay ng
nakadiin na salita? ______________________
27. Ang salitang iho sa pahayag na “Pagtitiyagaan siya. Bakit iho?” ay hiram natin
sa ibang wika.
Hiram sa wikang: _____________________ Kahulugan: ______________________
28 Ang ganitong panghihimasok, mapait na lubos.
Salitang-ugat: _______________________ Kahulugan: ______________________
29. Ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.
Kahulugan ng pinagsamang salita: ___________________________

Panuto: Basahin at unawain mo ang bahagi ng tula, pagkatapos sagutin


ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang letra
ng tamang sagot.

Ang laki ng naging kapalit


Sa binalewala kong pakikisama Mo
Nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ang ulo ko
sa kamalasan, sa problema;
naging demonyo ako,

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

kaaway ng lahat - ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.


Ayoko na!
Hindi na kaya
ng aking konsiyensiya.
Ang hirap palang wala Ka!

- Sandalangin
_____ 30. Ano ang paksa ng buong saknong?
A. pagkakaisa B. pagsisisi C. pagpapakumbaba D. pagmamalasakit
_____ 31. Ano ang tono o damdaming nakapaloob sa tula?
A. pagkalungkot B. pagkainis C. pagkatuwa D. pagkagalit
_____ 32. Sino/ano ang persona ang kinakausap o pinatutungkulan ng tula?
A. magulang B. bayan C. asawa D. Diyos
_____ 33. Anong uri ng tayutay ang “nasira pati ang ulo ko sa kamalasan, sa problema; naging
demonyo ako.”?
A. simile B. hyperbole C. metapora D.pagtatao
_____ 34. Sa pagsulat ng tula, kailangang sundin ang katangian at paraan maliban sa _______.
A. magmasid sa paligid B. siksik at umaapaw sa mensahe ang tula
C. pagiging orihinal ng akdang isusulat D. iwasan ang paggamit ng mga tayutay
Panuto: Suriin ang mga pahayag kung Simile, Metapora,
Personipikasyon, Hyperbole o Apostrophe ang tayutay na ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
______________ 35. “Si George ay Adonis sa kakisigan.”
_____ _________36. “Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.”
______________ 37. “Bumaha ng dugo sa lansangan matapos ang demonstrasyon ng mga aktibista.”
______________ 38. “Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katwira’y hindi paaapi, kasingwagas ito ng
mga bayaning marunong umingos sa mga papuri.”
______________ 39. “Binabati ako ng haring araw sa paggising ko sa umaga.”
_______________40. Kasing-tamis ng tsokolate ang kanyang mga ngiti.
Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7
Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I
Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II
SECOND QUARTER PERFORMANCE TASK

FILIPINO 7

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Cabadbaran City
CALAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Calamba, Cabadbaran City

Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________


Panuto: Panoorin ang COVID 19 PH: Pagtutulungan Para sa Frontliners sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=VjXktfCbLP0 na isang napapanahong isyu at tukuyin ang
mga pakikipag-ugnayang pandaigdig. Para sa walang internet gamitin ang mga napanood o
napakinggang mga balita sa telebisyon at radio tungkol sa COVID-19 na may kaugnayan sa
pagbibigayan o pagtutulungan.

Goal Ikaw ay susulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong sariling


karanasan na may kaugnayan sa napanood o napakinggan na
napapanahong isyung pandaigdig. Gumamit ng mga pahayag sa
paghihinuha. Isalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat
na maikling kuwento.
Role Ikaw ay magiging manunulat / mananalaysay.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ipagpalagay na ikaw ay lalahok sa isang patimpalak ng pagsulat ng
salaysay na may paksang tungkol sa pagbibigayan ng aginaldo.
Product Salaysay tungkol sa sariling karanasan sa pagbibigay ng aginaldo.
Standards A. Naaayon sa paksa………...………………………….….……….. 40 puntos
B. Mahusay na nilalaman……....…….…………………...……… 20 puntos
C. Mabisang paggamit ng paghihinuha………………….....20 puntos
D. Mensahe sa mambabasa.….....………………..………………10 puntos
E. Masining at may damdamin na pagsasalaysay……..10 puntos
Kabuuan.……….…..………………………..…...............……………..100 puntos

Prepared by:

SHAIRA JANE L. OLAEZ


Guro sa Filipino 7

Reviewed by:

JANNETH S. CORNITES
Master Teacher I

Noted by:

MARIO JICKEY C. PERANG


Principal II

Calamba, Cabadbaran City, Agusan Del Norte


SBM LEVEL III
Email: calambanhs123@gmail.com

You might also like