Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bisita

Alas singko na nang hapon. Hudyat na ito upang magsiuwian ang lahat. Kinuha
ko ang aking mga kagamitan at handa ng tapusin ang isang napakahabang araw. Sa
mga oras na iyon, alam kong kakaunti na lang kami sa paaralan. Kitang-kita ko na ang
paglubog ni haring araw.
Nagsimula na akong maglakad sa aming pasilyo. Bumaba ako sa hagdan at
napasilip sa aming palikuran.
“Oy, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kapwa ko estudyante habang hinihintay
ang kaniyang paglingon. Ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nakatayo
lang sya sa may puwerta ng aming palikuran. Nakatalikod.
Limang hakbang pa lamang ay nagulumihan na ako. Takang-taka.
Nagdadalawang-isip kung lilingon pa ba ako. Imahinasyon ko lang ba o sadyang totoo
ito? Naestatwa ako. Nanlamig.
Alam kong siya ‘yon. At alam ko ring hindi na dapat ako lilingon. Siya ‘yon.
Ang aming kakaibang bisita.

You might also like