Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

LEARNING ACTIVITY SHEET SA SCIENCE 3


IKATLONG MARKAHAN: IKA-ANIM NA LINGGO

Pangalan: ____________________ Baitang: ___________


Paaralan: ____________________ Iskor: ______________
MELC: Nailalarawan ang iba't ibang gamit ng tunog,
liwanag, init at kuryente sa pang-araw-araw na buhay.

Talakayan/Discussion
Ang kuryente ay isang anyo ng enerhiya na
nagpapagana sa mga kagamitan na de-kuryente.
Pinapagana ng kuryente ang isang bagay kapag ito ay
isinaksak sa electrical socket. Ang kuryente ay nagmula sa
power plant. Ang mga kagamitang pinapagana ng
kuryente ay ang mga sumusunod: telebisyon, bentilador,
plantsa at marami pang iba. Bukod sa power plant ang
kuryente ay maaari rin magmula sa baterya. Ang baterya
ay inilalagay sa mga kagamitan para ito ay umilaw,
tumunog at gumalaw. Ang mga kagamitang
pinapagana ng baterya ay ang mga sumusunod:
flashlight, orasan, laruang sasakyan at marami pang iba.
May mga kagamitang naman na maaaring pareho na
pinapagana ng kuryente at baterya. Mga halimbawa
nito ay radyo, laptop, cellphone, electronic bike at iba
pa. ang kuryente ay maaaring makapagpagalaw,
makapagpailaw, makapagpainit, makapagpatunog at
makapagpagana ng mga bagay o kagamitang
nakatutulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Mga Paraan ng Ligtas na Paggamit ng Kuryente.


2
1. Iwasan ang sabay-sabay na paggamit ng pagsaksak
ng mga kagamitang de-kuryente sa iisang extension
cord.
2. Iwasan ang pagsaksak o paghawak ng mga
kagamitang de-kuryente kung basa ang kamay.
3. Alisin ang electrical plug kung ito ay hindi ginagamit.
4. Hugutin ang saksakan ng telebisyon kung kumikidlat.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1/ACTIVITY 1
Panuto: Suriin ang mga kagamitang sa ibaba. Lagyan ng
tsek (/) ang mga kagamitang pinapagana ng kuryente
at ekis (X) kung hindi naman. Isulat ang sagot sa patlang.
___1. orasan
___2. laruang manika
___3. refrigerator
___4. printer
___5. washing machine

GAWAIN 2/ACTIVITY 2
Panuto: Tukuyin ang nagagawa ng kuryente sa mga
kagamitang nasa unang hanay. Lagyan ng tsek (/) ang
angkop na hanay.

Napapa Napapa Napapa Napapa


Kagamitan
galaw ilaw init tunog

1. radyo

3
2. bombilya
3. oven
4. robot
5. plantsa

GAWAIN 3/ACTIVITY 3
Panuto: Magtala ng tatlong kagamitan na makikita sa
inyong tahanan at ibigay ang ligtas na paraan ng
paggamit ng mga ito.

Kagamitan Ligtas na Paraan ng Paggamit


1.
2.
3.

References/ Sanggunian
● DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Science 3.
● DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies. Science 3.
● DepEd (2020). K to 12 Compendium of Notes in
Science 3. Division of Tarlac Province.
● https://www.youtube.com/watch?
v=Q9zBdomE3W8&t=314s

Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1/ACTIVITY 1
4
1. X
2. X
3. /
4. /
5. /

GAWAIN 2/ACTIVITY 2
Napapa Napapa Napapa Napapa
Kagamitan
galaw ilaw init tunog

1. radyo /
2. bombilya /
3. oven /
4. robot /
5. plantsa /

GAWAIN 3/ACTIVITY 3
(Maaaring mag iba-iba ang sagot)

You might also like