Filipino 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan:______________________________________________________________________________
Baitang/Antas: ________________ Seksyon:______________________ Petsa: _____________________

Panuto: Basahing mabuti at tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Bilugan lamang ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa linya ng isang tula?


a. saknong c. tugma
b. sukat d. taludtod

2. Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa isang tula?


a. tugma c. sukat
b. talinghaga d. taludtod

3. Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?


a. saknong c. tugma
b. sukat d. tema

4. Ito ay paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula.


a. taludturan c. talinghaga
b. tugmaan d. kariktan

5. Ito ay binubuo ng apat o higit pa na mga taludtod.


a. sukat c. saknong
b. tugma d. talinghaga

6. Mayroon bang mga tula na walang tugma?


a. opo c. siguro po
b. wala po d. hindi ko po alam

7. Ito ay isa sa elemento ng tula na pinagpapangkat- pangkat o pinagsama- samang mga taludtod.
a. Kariktan c. Talinghaga
b. Tugma d. Saknong

8. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig sa dalawa o
higit pang taludtod.
a. Kariktan c. Talinghaga
b. Tugma d. Saknong

9. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Kinakailangang
magkakapareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
a. Kariktan c. Talinghaga
b. Tugma d. Sukat

 10. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga salitang angkop ayt nagbibigay ganda sa tula na
nagbibigay impresyon sa mga mambabasa.
a. Kariktan c. Talinghaga
b. Tugma d. Sukat

11. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakabuo ng mga malalalim na mga salita at may
natatagong kahulugan.
a. Kariktan c. Talinghaga
b. Saknong d. Sukat
12. Ang lalaki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni sa hatol ay salat.
Ilang pantig mayroon ang taludtod?
a. wawaluhin c. lalabinganimin
b. lalabingdalawahin d. dadalawahin
 
13. Ano ang tawag sa tulang dinala ng mga Hapones sa Pilipinas?
a. liriko c. haiku
b. epiko d. tanaga

14. Ang tulang HAIKU any mayroong ilang pantig sa loob ng isang saknong?
a. apat c. pito
b. anim d. lima
 
15. Ang tulang TANAGA naman any mayroong ilang pantig sa loob ng isang saknong?
a. apat c. pito
b. anim d. lima

Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasaad ng KATOTOHAN o OPINYON. Bilugan lamang
ang titik ng tamang sagot.

16. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
a. Katotohan b. Opinyon

17. Ang paboritong kulay ko ay bughaw.


a. Katotohan b. Opinyon

18. Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.
a. Katotohan b. Opinyon

19. Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.


a. Katotohan b. Opinyon

20. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
a. Katotohan b. Opinyon
21. Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
a. Katotohan b. Opinyon

22. Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.


a. Katotohan b. Opinyon

23. May pitong araw sa isang linggo


a. Katotohan b. Opinyon

24. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.


a. Katotohan b. Opinyon

25. Mas maraming gusali sa pamayanang urban.


a. Katotohan b. Opinyon

26. Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.


a. Katotohan b. Opinyon

27. Ang gagamba ay hindi insekto.


a. Katotohan b. Opinyon
28. Nakatatakot ang mga gagamba
a. Katotohan b. Opinyon

29. Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.


a. Katotohan b. Opinyon

30. Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.


a. Katotohan b. Opinyon

31. Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.


a. Katotohan b. Opinyon

32. Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.


a. Katotohan b. Opinyon

33. Bibilis ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
a. Katotohan b. Opinyon

34. Kapag mayaman ang isang pamilya, masayahin at nagkakaisa ang mga miyembro nito.
a. Katotohan b. Opinyon

35. Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.


a. Katotohan b. Opinyon

You might also like