Saveby God

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na


tatawagin kong lalim ng wika. Ito ang
nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim
ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan.
2.
3. Ayon sa aking pananaw
Napatunayan ko ang bisa ng Wikang Filipino bilang isa sa
midyum ng pagtuturo sa larangang Humanidades at Agham
Panlipunan. Ito ang aking strand noong ako ay nasa Senior
High School pa lamang. Sa mga sabjek na nakapaloob sa
dalawang larangang ito, mas natuto ako kapag ang mga
aralin ay ipinaliliwanag sa Wikang Filipino, mas nagiging
aktibo rin ako at ang aking mga kamag-aral kapag
hinahayaan kami ng aming guro na magpahayag ng aming
mga sagot sa Filipino. Bilang karagdagang suhestiyon, hindi
masamang gamitin ang Ingles bilang midyum sa pagtuturo,
ngunit huwag nating isantabi ang Filipino sapagkat ito ang
pinakanauunawaan ng maraming estudyante. Walang takot
sa pagsagot sa mga katanungan ng guro dahil komportable
sa wikang kanilang ginagamit. Dagdag pa, huwag na nating
ipilit na isalin ang mga terminong na nasa Ingles patungong
Matandang Tagalog na hindi na angkop sa modernong
panahon natin ngayon. Na kung minsan ay nagiging mitsa pa
ng katatawanan sa pinipilit nating isalin na termino.

Sanggunian:
*Bernales et. al, 2019. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Mutya
Publishing House
*www.diksiyonaryo.ph/aghampanlipunan

You might also like