Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aedrief D.

Orense
Frost 9
Ang munting bata ng Payatas

Sa munting kaisipan ay maagang natutunan ni Vicente "Enteng" Tagle ang


pagmamahal at malasakit sa pamilya at kapwa-tao.

Hulyo 10, 2000 nang maganap ang trahedya sa Payatas, Quezon City kung
saan 12,000 mahihirap na pamilya ang nagdusa sa biglang pagbagsak ng
animo'y bundok ng basura doon. Dahil wala ng iba pang matitirahan, tiniis
nila, araw at gabi, ang baho, dumi, putik at kabulukan sa paligid. Hindi nila
akalain na isang araw, ang basurang tahimik na nakatambak ay mag-aanimo
halimaw na gagambala sa kanilang pamumuhay. Sa isang iglap, gumuho na
kumitil ng 217 katao at daan-daang pamilya ang nawalan ng tahanan.

Palibhasa'y panganay sa anim na magkakapatid (10 taon siya noon, ngayo'y


12), kaagad inalala ni Enteng ang kaligtasan ng bunsong kapatid. Sa gitna ng
pagkakagulo at natatabunang bahay, agad niyang pinuntahan ang kuwarto ng
noon ay isang taong gulang pa lamang na kapatid. Ang tanging nasa isip niya
ay kaligtasan ng kapatid sa gitna ng binubuwal na pagguho ang kanilang
bahay-silungan. Inakap niya ang sanggol sa gitna ng nakabibinging
pagbagsak ng basura. "Nagdilim ang paligid at halos wala na akong makita, "
kuwento ni Enteng. Natakot siya at kinabahan subali't pinilit magpakatatag.
"Nakita kong may pinagmumulan ng liwanag sa isang butas ng sira-sirang
kahoy at kalawanging mga yero. Sinikap ko pong makalabas doon kahit na
magkasugat-sugat ako," naluluhang paggunita ng bata.

Pagkalabas na pagkalabas ng noon ay tuluyan nang gumuhong bahay,


narinig ni Enteng ang pag-iyak ng walong taong gulang na si Kikay -- ang
kalaro niyang kapit-bahay. "Tumakbo po ako sa pinanggagalingan ng iyak at
pinilit kong tulungan si Kikay pero, hindi ko po siya makaya dahil nadaganan
na siya ng mga basura." Dahil mabilis na mag-isip, humingi si Enteng ng
tulong sa mga kalalakihang nakita niya. Dahil dito, nailigtas ang batang
babae.

Dahil sa pagliligtas ng dalawang buhay, nagsilbing inspirasyon ang batang si


Enteng sa nakararami. Mahirap man siya ay maaga niyang nabatid ang
pagmamalasakit at pagtulong -- mga bagay na itinuro sa kanya ng kanyang
mga magulang. Ang kanyang inang si Rosalinda ay dating tumutulong sa
isang day care center at ang ama namang si Stimson ay construction
worker.

Noong Marso, isa si Enteng sa itinampok sa Reader's Digest Everyday


Heroes. Kinilala siya bilang "The Little Rescuer." Siya ang unang Pilipinong
napasama sa Everyday Heroes.

You might also like