Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 1 of 21

Working Title: SHORTS FOR RADIO: Si Pinkaw


Producer’s Name: Yna Aguilar
Type of Prod Org: Preproduction organizer
Production Objective: To produce a 22-minute radio narrative adaptation of a high school short story for
the DZUP-NCCA Project.
The Text
Si Pinkaw by Isabelo S. Sobrevega
A short story about a woman who scavenges for her and her children’s survival, and who goes insane
when her children, poisoned from eating scavenged food, fail to get medical treatment in time and die
Marasigan, E. V., & Dayag, A.M. (2009). Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.
Concept
The program will feature a short story that uses the philosophy of humanism. Humanism is the
philosophical and ethical stance which places man at the center of the universe. Pinkaw is the heart of
the story. The radio narrative will tell the tragic life of Pinkaw as she struggles to get through her ill-fated
life brought by poverty. This is where the concept of humanism comes in. All the narration and decisions
in the story revolve around Pinkaw. Furthermore, to make the concept of humanism more apparent, the
story will use the “kariton” as a symbol that represents Pinkaw’s life. The “kariton” is Pinkaw’s livelihood.
The “kariton” is where Pinkaw carries her three dying sons. The “kariton” is also where one of her sons
died. The “kariton” was, therefore, present throughout the ups and downs of Pinkaw’s life. In the end,
the humanistic nature of the story is evidenced by how the last line goes back to Pinkaw, now deranged.
Treatment
DELIVERY: As the narrator establishes the story, the reading must elicit a sense of annoyance. And as
the story progresses, the reading should begin to tone down towards a light-hearted and
well-modulated tone. A normal tempo will be used together with a semi-low pitched male
voice. Since the story is being told using the first person point of view, the narrator must
project certain emotions such as sympathy and sadness. In parts that convey a highly
emotional scene, a slower tempo will be used so as to provide emphasis for that specific
passage and make sure the point is clearly made. Since the story is composed of several
characters, each character will be voiced by a different person. Their lines should be delivered
in accordance to the emotion of their characters. Moreover, since Pinkaw is the center of the
story, the narrator must always emphasize her name when it is mentioned and project
Pinkaw’s feelings through the delivery of the narration. In dramatic parts, the tempo must be
slow to moderate and the voice must be slightly high-pitched. If it is a normal speaking line,
the tempo must be moderate but still spoken with the emotion the particular character is
feeling.
MUSIC: The story will mostly be dominated by silence in order to focus on the narrator and the story
he is telling. Slow and soulful music will be played in dramatic scenes to induce a sense of
compassion for the characters. Cheery but relaxed music will be used in scenes that convey a
sense of hopefulness. In the climactic scenes, moderate- to fast-beat music shall be
incorporated. The music will be somehow ethnic because of the story’s Hiligaynon origin.
SFX: Add sound effects to aid the story telling. For the visualization of the story to be effective, the
necessary sound effects shall be added such as dragging of cans, the sound of several slippers
while walking, and rummaging through garbage. The most prominent of all the SFX must be
the “kariton”. Neighbourhood and town ambience will also be used.
The Material
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 2 of 21

Si Pinkaw by Isabelo S. Sobrevega

Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan
ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si
Pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad.
Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil
ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti,
may nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakaputong
na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.

“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga,
“kumanta ka nga ng blak is blak.”

“Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga bata.

“Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri.

“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo!” nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat.
Mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang
babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.

Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw.

“Sige, agawin natin ang kanyang anak,” sabi nila sabay halakhak.

Maya-maya’y nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa.

“Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.” Patuloy pa rin ang
panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw.

Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t sinigawan ko sila upang takutin. “Hoy, mga bata!
Mga salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.”

Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya’t isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang
mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:

“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”

Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at
ngayon nama’y meyor. “O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.”

Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata
pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata.

“Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay...” ang kanyang kanta habang ipinaghehele at
siya’y patiyad na sumasayaw-sayaw.
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 3 of 21

Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.

At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay namin sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.

Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng
siyudad); dito siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang
kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong
may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong
kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya—lagi siyang kumakanta. Hindi naman
maganda ang kanyang boses—Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang
bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong
pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.

Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya’y puno
ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton,
makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-bins, pan
de sal na kadalasa’y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang
nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit
magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang Bisaya.

Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad niyang tatawagin ang mga anak: “Poray,
Basing, Takoy, nanadito na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang magkasalubong sa kanya
habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang kanilang
pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy?

Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay niyang
pangalan. “Pinkaw” ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang
asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit
sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-
iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas
para sa kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng
istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si
Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas
nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at
gwapong-gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na totoo nga ang
sinasabi ni Pisyang sugarol.

Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang
mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang kanyang mga
anak, at ang sungi ang siyang pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa
Intsik na tagabili.
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 4 of 21

Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na
sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na
inaambaan ang kanyang mga anak.

“Ang mga bata,” nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang ina
ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. “Hindi kailangang paluin; sapat nang
sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal.
Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.”

Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa ilong ng
kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. Lubha siyang matulungin, lalo na sa
katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng
iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi kukulangin sa
beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi.

Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw.
Nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit
sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong
ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-
uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos
ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.

Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng
bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata.

“Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sana’y
namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi naipaduktor,” sabi ni
Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak.

Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba pang bagay
na ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap. Subalit si Pinkaw na
nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa
naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat
bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang
hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang
nagkakamal ng tulong. Kalokohan...”

Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.

Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong
maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking
nadama sa kanila.

Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ng tiyan
ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi nito.
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 5 of 21

Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala
silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.

Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak.
Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor sapagkat naglalaro raw ito
ng golf, ayon sa katulong.

Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa pang duktor. Matagal siyang
tumimbre sa tarangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.

Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos hindi na
makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng
kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.

Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang
maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya’y napansing hindi na
kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang
ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping
mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit
nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-
talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada.

Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan.
Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga
pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamot ang dalawang anak ni Pinkaw.

Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumunod namang
namatay ang bunso.

Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw, sinusundan na
naman ng mga pilyong bata.

“Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” ang kanta niya habang ipinaghehele sa
kanyang mga bisig ang binihisang lata.

Source:

Marasigan, E. V., & Dayag, A.M. (2009). Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.

Production Directory

NAME FUNCTION CONTACT INFORMATION NOTES


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 6 of 21

Yna Aguilar Producer 0905-744-0271


Roj Tirona / Talent (Narrator) 0926-689-8581 (Roj) / Check availability for
Darryl Peralta 0905-783-1306 (Dharyl) recording
Shierraine Torres Talent (Pinkaw) 0926-590-6100 Check availability for
recording
Jheng Olitoquit / Talent (Manang) 0906-966-7486 (Jheng) / Check availability for
Yna Aguilar 0905-744-0271 (Yna) recording
Jheng Olitoquit Talent (Katulong) 0906-966-7486 Check availability for
recording
Dharyl Peralta; Talent (Children) 0905-783-1306 (Dharyl) /
Shierraine Torres; Jheng 0926-590-6100 (Shierraine) /
Olitoquit; Yna Aguilar 0906-966-7486 (Jheng) /
0905-744-0271 (Yna)
Fernan Villafuerte 0906-282-9569 High school Filipino
teacher; Check
availability for interview

Director’s Script

TEXT CONCEPT/ TREATMENT NOTES


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 7 of 21

Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon Sense of annoyance is Use SFX to
dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa felt the very beginning establish the
lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at but tone becomes story’s setting
dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng mga more compassionate as and to aid in
bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na the story progresses visualization.
naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang
tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil ay asul Pinkaw’s name
o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang must be
kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling emphasized
pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa from here on
kanyang ulo, may nakaputong na palarang kumikinang out.
tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
“Hoy, Pinkaw,” sigaw ng isang batang nakasandong abot Converted into Delivery must
tuhod at may itinatawing-tawing na daga, “kumanta ka nga speaking lines. be normal to
ng blak is blak.” fast.
“Sige na, Pinkaw,” udyok ng iba pang mga bata. Children make fun of
“Ayoko nga, nahihiya ako,” pakiyemeng sagot ng babae the mentally-ill Pinkaw.
sabay subo sa daliri. Tone must be taunting.
“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo!” Make the audience feel
nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat. Mahaba ang sorry for Pinkaw.
buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin an gang
karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang Narrator “saves”
yapos sa kanyang karga. Pinkaw. He’s the hero.
Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na His tone must be firm
pinalilibutan si Pinkaw. and authoritative. But
“Sige, agawin natin ang kanyang anak,” sabi nila sabay also soft and
halakhak. compassionate.
Maya-maya’y nakita kong sumalampak si Pinkaw at
nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa.
“Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong
ko kayo sa meyor.” Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga
bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw.
Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya’t
sinigawan ko sila upang takutin. “Hoy, mga bata! Mga
salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa kanya.”
Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata
kaya’t isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang mga bata,
tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:
“Meyor, kukunin nila ang aking anak.”
Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may
sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon nama’y
meyor. “O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang
umiyak.”
Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang
basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala iyon ng
biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa
lata.
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 8 of 21

“Hele-hele, tulog muna, wala rito ang iyong nanay...”


ang kanyang kanta habang ipinaghehele at siya’y patiyad na
sumasayaw-sayaw.
Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw.
Nakakaawa naman.
At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay namin
sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.

Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay The narrator is pulling Reading


(narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad); dito from memory. Tone of tempo must
siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati- narrator and music be normal.
rati, madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang must be relaxed. Not too fast,
kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa Pinkaw’s tone must be not too slow.
karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at happy.
maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong
kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya Music and narrator’s
—lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang relaxed tone must elicit
boses—Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong a sense of hopefulness.
kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito sa
malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong
pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong
naghahalukay lamang siya ng basura.
Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi
mula sa tambakan. Ang kariton niya’y puno ng mga karton,
papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na
nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang
pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya’y
pork-en-bins, pan de sal na kadalasa’y nakagatan na, at kung
minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang
nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay
na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila
nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang
Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong,
agad niyang tatawagin ang mga anak: “Poray, Basing, Takoy,
nanadito na ako.” At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang
magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa
pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano
ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko
man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. “Pinkaw” ang
tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang
dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak.
Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paboritong
santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw
ang mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang
panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 9 of 21

gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita


mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa
tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa
maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig
pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa
biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong
taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo. Ibang-iba siya
sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na totoo
nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang
laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote, ang
mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan
katulong ang kanyang mga anak, at ang sungi ang siyang
pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang
kariton patungo sa Intsik na tagabili.
Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa
tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina
ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si
Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak.
“Ang mga bata,” nasabi niya minsang bumibili ng tuyo
sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na
anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. “Hindi
kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay.
Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo
subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.”
Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan
ang tao ay handang tumapak sa ilong ng kapwa-tao upang
mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. Lubha
siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay
lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak
ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin
na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi kukulangin sa
beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi.
Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito.
Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Narrator and Pinkaw’s Delivery of
Pinkaw. Nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na tone must evoke a lines must be
pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sense of urgency. The fast and be in
sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae action in the story is sync with the
ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga- rising to a climax fast musical
tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala therefore fast and accompani-
naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na upbeat music will be ment.
ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng played to further elicit
kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik. a sense of urgency of
Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. alarm.
Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom
sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata.
“Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung Tone of characters and Delivery of
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 10 of 21

ninais niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na. the music must be lines must be
Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit relaxed again. of normal
hindi naipaduktor,” sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa speed.
tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak. The feeling of
Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan hopefulness must once Towards the
ang tungkol sa bigas, relip, at iba pang bagay na again be evoked end, the
ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa through the use of action is rising
mahirap. Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, “Bakit relaxing piano playing again so there
iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at in the background. will be a
masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang change in tone
maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat once more.
bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino
ang higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan.
Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan
sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan...”
Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang maaabot sa
buhay.
Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa
amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit.
Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik
ko, at matinding galit ang aking nadama sa kanila.
Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, The tone of the Delivery
bigla na lamang namilipit sa sakit ng tiyan ang mga bata. characters’ voices and should be fast
Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging music must be fast and to induce a
sanhi nito. upbeat. This is the sense of
Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga climactic scene and the urgency from
kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang listeners must be able the listeners.
maitulong maliban sa pagsabihan siyang dalhin ang anak sa to feel the same kind of
ospital. anxiety and
Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa helplessness the
kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak. Nagtungo siya sa characters’ are feeling.
bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor
sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong. A fast, upbeat violin
Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang solo will play in the
kariton sa isa pang duktor. Matagal siyang tumimbre sa background to help set
tarangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang the highly dramatic
may sumisilip-silip sa bintana. mood of the scene.
Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang
kariton papuntang bayan. Halos hindi na makakilos sa
pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan
sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang
pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming
sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang maysakit na
mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-
maya’y napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay.
Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang
mabatid niyang ito’y hindi na humihinga. Humahagulgol
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 11 of 21

niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping


mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming
tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka
kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya
upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang katawan ng
kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-
lubak na kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago
niya narating ang ospital ng pamahalaan. Matapos ang
pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang
pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman,
nalapatan din ng gamot ang dalawang anak ni Pinkaw.
Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang The tone and music Delivery must
araw pa ang lumipas at sumunod namang namatay ang becomes slower and be slow and
bunso. melodramatic. should invoke
Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong a sense of loss
dumungaw. Bumalik si Pinkaw, sinusundan na naman ng mga A sad, soulful music (of life and
pilyong bata. piece will be played in sanity).
“Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...” this scene to drive the Silence in the
ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang mga bisig audience’s emotion first and last
ang binihisang lata. and compassion for part of scene.
Pinkaw.

Radio Script

1 SFX : NEIGHBORHOOD AMBIENCE, FAINT SOUND OF CHILDREN SHOUTING ANG LAUGHING


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 12 of 21

2 NARRATOR : Naalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at

3 tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at

4 dumungaw sa bintana. Si Pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang

5 kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang

6 ulit nang tinagpian, at ang isang paa’y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi

7 ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may

8 nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo,

9 may nakaputong na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.

10 SFX : CAN BEING DRAGGED

11 PINKAW : (HUMMING)

12 CHILDREN : (LAUGHING, MAKING TAUNTING NOISES)

13 CHILD 1 : Hoy, Pinkaw! Kumanta ka nga ng blak is blak.

14 NARRATOR : Ito ang sinabi ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na

15 daga.

16 CHILD 2 : Sige na, Pinkaw. Kakanta na ‘yan! Kakanta na ‘yan! Kakanta na ‘yan!

17 PINKAW : Ayoko nga, nahihiya ako.

18 CHILD 1 : Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo!

19 CHILD 2 : Sige, agawin natin ang anak niya. (LAUGHS MOCKINGLY)

20 PINKAW : (ANXIOUS, ALMOST CRYING) Huwag ni’yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko

21 kayo sa meyor. (SOBS)

22 NARRATOR : (IN CHARACTER) Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n’yo iyang panunukso sa

23 kanya.

24 NARRATOR : Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya’t isa-isang nag-alisan.

25 PINKAW : Meyor, kukunin nila ang aking anak.


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 13 of 21

26 NARRATOR : Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koronel, may sardyen, may senador siyang tawag

27 sa akin at ngayon nama’y meyor.

28 NARRATOR : (IN CHARACTER) O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak.

29 NARRATOR : Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita

30 kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata.

31 PINKAW : (SING) Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay...

32 MUSIC : SNEAK IN “SAD INSTRUMENTAL MUSIC” THEN FADE UNDER UNTIL “NA PAGKANTA”

33 NARRATOR : Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman. At naalala ko

34 ang Pinkaw na dating kapitbahay namin sa tambakan, nang hindi pa iyon

35 nababaliw. Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay, narito sa amin ang

36 tambakan ng basura ng siyudad; dito siya nakakuha ng makakain, magagamit o

37 maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang

38 patagulaylay na pagkanta.

39 SFX : KARITON BEING PUSHED, DOGS BARKING, THEN FADE UNDER UNTIL “…SA PANDINIG.”

40 PINKAW : (SINGING) Lalalalalala…..

41 NARRATOR : Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik

42 na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay lamang ang

43 mapupuna mo sa kanya—lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang

44 boses—Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani

45 sa pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong

46 pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.

47 SFX : FAINT SOUND OF CHURCH BELLS. HEAVY KARITON BEING PUSHED

48 NARRATOR : Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya’y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton

49 niya’y puno ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 14 of 21

50 nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang

51 sardinas, karne norte o kaya’y pork-en-bins, pan de sal na kadalasa’y nakagatan na, at

52 kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa

53 kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak,

54 ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang

55 Bisaya.

56 SFX : SQUEAKY DOOR OPENING

57 PINKAW : Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.

58 NARRATOR : At ang mga ito’y kaagad magtatakbuhang pasalubong sa kanya habang hindi

59 magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang

60 kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy.

61 MUSIC : SNEAK IN “SONG OF NATURE (RELAXED)” UNTIL “…SINASABI NI PISYANG SUGAROL”

62 NARRATOR : Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay

63 niyang pangalan. “Pinkaw” ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw

64 siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang

65 sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang

66 paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama

67 ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa

68 kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong

69 nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga

70 panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig

71 pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa biyak ng kanyang labi.

72 Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo.

73 Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa’y maiisip mo na totoo nga ang
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 15 of 21

74 sinasabi ni Pisyang sugarol.

75 SFX : CANS, BOTTLES, WRAPPERS BEING SEGREGATED THEN UNDER UNTIL “TAMBAKAN”

76 NARRATOR : Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang

77 mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan

78 katulong ang kanyang mga anak, at ang sungi ang siyang pinakamalakas na tinig.

79 SFX : KARITON BEING PUSHED

80 MUSIC : UP “SONG OF NATURE (RELAXED)” THEN FADE UNDER UNTIL THE NEXT SFX IS PLAYED

81 NARRATOR : Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili. Mahal na mahal

82 ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan

83 ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na

84 inaambaan ang kanyang mga anak.

85 PINKAW : Ang mga bata, hindi kailangang paluin; Sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba

86 ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung

87 saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob.

88 NARRATOR : Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa

89 ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. Lubha

90 siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas

91 siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata.

92 Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo’y hindi kukulangin sa beinte sentimos

93 SFX : COINS BEING PUT IN A CAN

94 NARRATOR : ang ipinamamahagi niya sa pulubi. Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito.

95 MUSIC : UP “TRIBAL (CLIMAX)”MUSICAL ACCOMPANIMEN T

96 NARRATOR : Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. Nagtungo siya sa suking

97 Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 16 of 21

98 isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya

99 pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat

100 wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod

101 na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.

102 Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng

103 dahon ng bayabas

104 SFX : STOVE DIAL TURNED ON WITH SOUND OF FLAMES

105 NARRATOR : at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata. Ikwinento iyon ni Pinkaw

106 nang magpunta siya sa tindahan.

107 PINKAW : Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking

108 anak, sana’y namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit

109 hindi naipaduktor.

110 MANANG : Balita raw eh mamimigay ang gobyerno ng bigas, relip, at kung anu-ano pa sa mga

111 mahihirap.

112 PINKAW : (SCOFF) Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa

113 naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba

114 riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang

115 higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na

116 mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan...

117 NARRATOR : Iyan si Pinkaw. Kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay. Naganap ang susunod

118 na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit.

119 Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang

120 aking nadama sa kanila.

121 MUSIC : UP “TRIBAL (CLIMAX)” MUSICAL ACCOMPANIMENT


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 17 of 21

122 NARRATOR : Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa

123 sakit ng tiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging

124 sanhi nito.

125 PINKAW : (WORRIED, SHOTING) ‘Naku! Diyos ko! Tulong! Ang mga anak ko! Tulungan niyo ho

126 ako.

127 SFX : RUNNING, KNOCKING ON GATES

128 PINKAW : Tulong! Tulungan niyo po ang mga anak ko! Parang awa niyo na! Tulong!

129 NARRATOR : Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.

130 Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga

131 anak.

132 SFX : HEAVY KARITON BEING PUSHED

133 NARRATOR : Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit…

134 KATULONG : Naku. Wala rito ang duktor. Nandoon, naglalaro ng golf.

135 NARRATOR : Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa pang duktor.

136 MUSIC : SNEAK IN “TRIBAL (CLIMAX)” THEN FADE UNDER

137 SFX : HEAVY KARITON BEING PUSHED

138 SFX : KNOCKING ON GATE

139 CHILDREN : (CONTINUES TO MOAN IN PAIN)

140 PINKAW : (DISTRESSED, CRYING) Tao po! Tao po! Tulungan niyo po ang mga anak ko! (SOBBING)

141 NARRATOR : Ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Litong-

142 lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan.

143 SFX : TOWN AMBIENCE. HONKING OF CARS. PEOPLE TALKING. PEOPLE WALKING.

144 SFX : HEAVY KARITON BEING PUSHED

145 PINKAW : (CATCHING HER BREATH)


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 18 of 21

146 NARRATOR : Halos hindi na makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan

147 sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.

148 SFX : CARS WOOSHING

149 NARRATOR : Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang

150 isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya’y

151 napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang

152 sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang ito’y hindi na humihinga.

153 PINKAW : (CRYING HARDER) Anak ko. Mahal na anak ko. (CONTINUES CRYING)

154 SFX : HEAVY KARITON BEING PUSHED

155 NARRATOR : Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas

156 ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya

157 ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang

158 tumulong.

159 SFX : HEAVY KARITON ROLLING ON ROCKY ROAD.

160 NARRATOR : Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito

161 sa lubak-lubak na kalsada. Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago niya

162 narating ang ospital ng pamahalaan.

163 SFX : HOSPITAL AMBIENCE. NURSES TALKING. SQUEAKY WHEELS ROLLING

164 NARRATOR : Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay

165 ang mga pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamot ang dalawang anak ni

166 Pinkaw.

167 MUSIC : UP “SAD INSTRUMENTAL MUSIC” THEN FADE UNDER

168 NARRATOR : Kinagabiha’y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumunod

169 namang namatay ang bunso.


PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 19 of 21

170 SFX : NEIGHBOURHOOD AMBIENCE. CHILDREN SHOUTING, LAUGHING, AND TAUNTING

171 NARRATOR : Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw,

172 sinusundan na naman ng mga pilyong bata.

173 PINKAW : (SINGING DARKLY) Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay...

Talent Pegs

NAME VOICE DESCRIPTION NOTES


Roj Tirona Early 20s; Slightly low-pitched and well- Check availability for recording
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 20 of 21

modulated voice similar to Charo Santos-Concio’s


tone of speaking; Able to deliver a wide range of
emotions (compassionate, gentle, mad);
Shierraine Torres Late 20s; Slightly low-pitched and hoarse voice; Check availability for recording
Tone of a mentally-ill person (slurred speech);
Able to deliver a wide range of emotions (happy,
serious, anxious, sad)
Jheng Olitoquit/ Mid-20s; Slightly high-pitched voice; Gossipy tone Check availability for recording
Yna Aguilar
Jheng Olitoquit Mid-20s, Slightly low-pitched; Angry tone Check availability for recording
Darryl Peralta; 9-14 years old; (2) Females and (4) males ; High- Check availability for recording
Shierraine Torres; pitched voice; Able to deliver a wide range of
Jheng Olitoquit; emotions (happy and mocking)
Yna Aguilar

Music Pegs

IDENTIFICATION MUSIC DESCRIPTION NOTES


FILE NAME/TITLE: Song of - RA- pan flute, santoor, sitar and - The piece is soft and relaxing,
Nature (Relaxed) a few effects symbolizing nature, the perfect musical
ARTIST: Shamasundar Hallegere trying to bring in an ethnic accompaniment for the narrator
TRT: 5:13 ambient feel to the song as he tries to recall Pinkaw’s past
Source: youtube.com The piano’s tempo is moderate. and tell us her story from
The tune is soft, almost soothing. memory.
The music gives off a sense of
relaxation.
FILE NAME/TITLE: Tribal (Climax) -strings - The guitar’s fast tempo incites a
ARTIST: Darren Howse The tempo is fast and its melody sense of urgency.
TRT: 2:30 is somehow repetitive.
Source: youtube.com - The tone is emotive with a
dramatic melodic final.
FILE NAME/TITLE: Sad -piano - The piano’s slower tempo and
Instrumental Music The piano’s tempo is very slow emotive melody will be used to
ARTIST: Lampros Leontarakis and the notes are stretched out. elicit a sense of compassion for
TRT: 3:56 - The overall music sounds the characters in the story.
Source: youtube.com melodramatic and highly
emotive.

Sound Design Pegs

IDENTIFICATION MUSIC DESCRIPTION NOTES


Neighborhood ambience Faint sound of children shouting ang laughing See CD/DVD
PREPRODUCTION ORGANIZER Si Pinkaw | Aguilar | Page 21 of 21

Can being dragged Hollow milk can See CD/DVD


Kariton being pushed Wooden, unstable kariton See CD/DVD
Dogs barking Faint See CD/DVD
Church bells Faint, clock tower See CD/DVD
Heavy Kariton being pushed Wooden, full See CD/DVD
Stove dial turned on With flame-swoosh sound See CD/DVD
Running On gravel See CD/DVD
Knocking of gate Either with coin or by hand See CD/DVD
Town ambience Honking cars, people walking, people talking See CD/DVD
Heavy kariton on rocky road Rolling on gravel See CD/DVD
Hospital ambience Nurses talking, hospital PA announcement, hospital chart See CD/DVD
folder movement, rolling of squeaky wheels of hospital beds

You might also like