Preach Mateo 6 24-34

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MATEO 6:24-34 DIYOS O KAYAMANAN?

Observation:

Sino ang sumulat ng Mateo?

Para kanino ang sulat na ito?

Bakit naisulat?

Kailan at saan isinulat? Kaninong panahon?

1. V. 24 Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan


niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.
Mateo 6:19-21, Awit 62:10, 1 Timothy 6:17-19 Mateo 19:24
Ito ay isang katotohanan/fact at hindi theory o experiment. Kapag nagserve ka
sa dalawang master, mapapagod ka kasi nga hindi talaga pwedeng maglingkod sa
dalawang panginoon.
Ano ang dalawang tinutukoy dito na panginoon? Diyos at kayamanan.
Di natin kayang balansehin..kasi sa pagdaan ng panahon.
Ang isa – iibigin at paglilingkuran
Ang ikalawa – kapopootan at hahamakin
2. V. 25 Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin o
sa inyong iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong
katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang
katawan kaysa damit. huwag magpabaya kundi huwag madistract or maworry,
maaburido. Ang tapat na disciple/anak ng Diyos nagpaplano nang hindi nag-aaburido at
isinasangguni sa Diyos ang plano.
Ang mayaman nagwoworry kung paano mas yumaman, nagwoworry kung paano
mapangangalagaan ang kanyang kayamanan. Hindi mananakawan. Hindi malulugi.
Ang nasa average or middle class- hindi mawawalan ng trabaho, mga babayarin sa
motor, tuition, philhealth, and so on.
Ang mahirap ‘yong hindi mababasa kapag umulan nang malakas at may maihahain na
pagkain sa mesa. Madaling matempt sa mga sugal like jueteng, lotto, perya at iba pa.

Pero ang ating Panginoon sabi niya huwag mabalisa kasi siya mismo nakaramdam ng
pain pero nagtiwala siya sa Ama. Lukas 22:42
Worry is the opposite of faith. Ibig sabihin kung nagtitiwala ka sa Diyos hindi ka
mababalisa, hindi ka maaaburido.
3. V. 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y
nagtitipon sa kamalig ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t
higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
4. V. 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa
pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
5. V. 28 At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo
ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. V. 29
Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi
nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.
6. V. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at
kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya
sa kanya!
7. V. 31 Kaya’t huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.
V. 32 Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na
ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
8. V. 33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang
pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga
bagay na ito.
9. V. 34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-
aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”

Interpretation:

Application:

1. Ang ating Panginoon hindi anti-money. Meron nga siya utos sa atin diba na tulungan
ang needy and the poor pero paano natin ibebless sila kung wala tayo maibigay diba.
Hindi anti-money ang Diyos kundi use your money to glorify God. Hindi siya kontra sa
pera pero may utos ang ating Panginoon na higit sa lahat bigyang-halaga ang Kaharian
ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban at bigay niya ang lahat ng bagay
na ito. Actually kahit hindi iutos ito ng Panginoon, if we really love Him and naglolong
tayo sa kanyang presensya sa buhay natin, bibigyan natin siya ng halaga dahil ito ang
highest blessing na binigay sa tin to be part of his Kingdom, maligtas sa naglalagablab
na apoy. He gave us Jesus to redeem us and give us eternal life. At kahit andito palang
tayo sa lupa, kapag namumuhay tayo nang nasa kalooban ng Diyos, we experince na rin
na para tayong nasa langit.

You might also like