Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pilipinas ay isang arkipelagikong bansa na walang panlupang hangganan sa iba o

mga kalapit na bansa. Napapalibutan tayo ng masaganang mga karagatan na sagana sa mga
lamang dagat at koral na pinagmumulan ng ating mga pangunahing pangangailangan sa
pamumuhay at isa asa mga pagunahing atraksyon ng turismo. Ang West Philippine Sea ay ang
opisyal na pagtatalaga ng gobyerno ng Pilipinas ng silangang bahagi ng south china sea na
kasama sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Kung pagbabatayan ang mga mapang
historikal ng Pilipinas masasabi natin na ang scarborough shoal at ang mga isla ng spratly islands
ay nakapaloob sa karagatan ng Pilipinas sapagkat ang mga ito ay sakop pa rin ng exclusive
economic zone (EEZ) ng ating bansa. Ngunit kung pagbabatayan naman ang historikal na mapa
ng Tsina kasama rin sa kanilang territorial sea ang scarbarough shoal sapagkat nakapaloob ito sa
nine-dashed line na tinutukoy ng Tsina.
Ayon sa United Nations Convention on the law of the Sea (UNCLOS), ang bawat coastal
state ay may karapatan sa 200 milyang pandagat ng EEZ at continental shelf na sinusukat mula
sa mga baseline ng mga pangkontinenteng lupain o mga isla. Kung pagbabatayan ang UNCLOS,
hindi magkakaroon ng matinding suliranin sa hangganan ng EEZ at continental shelves ng Tsina
at Pilipinas sa South China Sea or West Philippine Sea. Subalit nagpahayag ang Tsina ng hindi
mapasusubaling soberanya o ‘indisputable sovereignty’ sa mga isla sa SCS at sa katubigang
nakapaloob sa tinatawag ng tsina na nine dashed line. (“Ang West Philippine Sea”, 2014)
Matapos ang arbitral tribunal na isinagawa sa kaso ng agawan sa West Philippine Sea
napagdesisyunan ng UN na ang may ekslusibong mga karapatan ng soberanya sa West
Philippine Sea ay ang Pilipinas dahil hindi valid ang ‘nine dashed line’ na isinasaad historikal na
mapa ng Tsina. Ang implikasyon ng paggamit ng mga historikal na ebidensya upang maging
kasangkapan sa pagsaad ng katotohanan ng kasyasayan ay isa sa mga daan upang malaman ang
katotohanan at karampatang karapatan ng isang bansa sa isang partikular na pagmama may ari na
nakapaloob sa kanilang teritoryo o bansa.

References:
Ang West Philippine Sea. Dfa.gov.ph. (2014). Retrieved from
https://dfa.gov.ph/images/2015/center//doc/WPS_isang%20Sipat.pdf.

You might also like