Worksheet ESP10 Qrt2 Mod2.3 2.4 Week4 Mga Salik Na Nakakaapekto Sa Makataong Kilos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________

MODULE 6.3 – 6.4 : Mga Salik na Nakakaapekto sa


Makataong Kilos.

GAWAIN 1:

Panuto: Bago mo simulan ang aralin, hayaan mo munang tayahin ang iyong sarili upang
masukat kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin sapagkat ito ay may
kaugnayan sa aralin na ito. Masdan at suriing mabuti ang bawat larawan. Sa inyong
notebook, ilagay ang tsek (/) kung ito ay kilos ng tao at ekis (x) kung makataong kilos
naman. Ipaliwanag kung bakit ito ay kilos ng tao o makataong kilos.

1.

2.

3.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________

4.

Gawain 2: Masdan ang mga larawan at suriing mabuti ang mga ito.

Sa sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang iyong damdamin habang nakatingin sa mga larawan? Ilahad ito.
2. Sa iyong palagay, ano ang nararamdaman ng mga taong nasa larawan?
3. Masasabi mo pa rin bang makataong kilos ang mga nasa larawan?

GAWAIN 3: Panuto: Pumili ng isang sitwasyon sa mga nakatala sa ibaba. Tukuyin ang mga
salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit hindi naging
mapanagutan ang kanyang kilos.

Nagmamadaling umalis ng
bahay si Mario dahil tanghali
na. Nakalimutan nyang mag Kapag nagugulat si Marie laging
suot ng face mask kaya hinuli namumutawi sa kanyang bibig
siya ng Pulis. ang pagmumura
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________

Papauwi ka ng bahay ng biglang


hinarang ka ng isang lalaki ,tinutukan Napagalitan kaq ng nanay mo
ng patalim at pilit na kinukuha ang dahil hin di ka sumusunod sa
cellphone mo. Sumigaw ka at batas. Lagi ka pa ring lumalabas
humingi ng tulong habang pinapalo ng bahay kahit ito ay
mo ng bag ang lalaki. ipinagbabawal.

Gabay na pormat

Pananagutan ng
SITWASYON SALIK tauhan

GAWAIN 4: Panuto: Kumpletohin ang pangungusap sa kahon sa ibaba.

Ang mga gagawin ko upang hindi ako maapektuhan ng mga salik sa makataong kilos
ay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________

TAYAHIN: Panuto: Sagutan ang mga sumusunod.


Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________
A.Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong kuwaderno ang letra ng tamang
sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
A. Takot
B. Masidhing damdamin
C. Karahasan
D. Kamangmangan
2. Ito ay mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng
buhay sa araw-araw.
A. Karahasan
B. Gawi
C. Takot
D. Masidhing Damdamin
3. Uri ng kamangmangan kung saan kawalan ng kaalaman sa isang bagay subalit may
pagkakataon na maitama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng
paraan upang malaman at matuklasan ang gawaing ito.
A. Kamangmangang walang lunas
B. Kamangmangang may lunas
C. Kamangmangang di nadaraig (invincible)
D. Kamangmangang nadaraig (vincible)
4. Ito ay nababawasan sa makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga uri ng salik
nito.
A. Pananagutan
B. Kilos
C. Layunin
D. Kahihinatnan
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi gawi?
A. Kumain lagi sa tamang oras.
B. Maglinis ng bahay kada sabado.
C. Maalimpungatan sa pagkakatulog.
D. Uminom ng gatas sa gabi.

B. Suriing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba at isulat sa inyong kuwaderno kung anong
Salik ng Makataong kilos ang nakaapekto sa bawat sitawasyon. Piliin at isulat na lamang
ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon na nsa ibaba.
6. Si Lea ay hindi marunong lumangoy kaya pinanonood na lamang niya ang kanyang mga
kaibigan na nagsasaya at naliligo sa isang resort.
7. Nasampal ni Ana ang kanyang kaklase nong siya ay biglang ginulat mula sa likod nito.
8. Napainom ni Jake ang kanyang nakakabatang kapatid ng maling gamot na dapat gamot
para sa lagnat.
9. Pagdaan ni Johny sa simbahan kada hapon para mag-alay ng dasal.
10. May isang lalaki ang lumapit kay Tricia at pilit na hinihila ang kanyang bag, ang lalaki ay
lasing at sumisigaw. Sa nerbiyos nito ay naibigay niya ang kanyang bag.
11. Hindi nasunod ni Ariel ang tamang gagawin sa naganap na pagsasagawa ng
“Earthquake Drill” sa paaralan, sapagkat hindi siya nakadalo sa pagpupulong patungkol
ditto.
12. Si Pia ay balisa at hindi mapakali sapagkat nabasag niya ang bagong biniling baso ng
kanyang ina, sa sobrang pagkabagabag ng loob ay napili niyang itapon sa likod ng kanilang
bahay.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________
13. Sa magandang balita na si Roger ay pumasa sa kanyang “board exam” nayakap ng
hindi sinasadya ang babaeng katabi niyang nagtitingin din ng resulta ng nasabing
pagsusulit.
14. Si Mitch ay pinalo ng kanyang nanay sapag-aakalang siya ang kumuha ng perang
naitabi ng kanyang ina sa loob ng drawer nito, sa pangyayari ay nasagot at nasigawan ni
Mitch ang kanyang ina.
15. Tumatawid tuwing umaga si Abby kalsadang nasa harapan ng kanilang bahay kahit
alam niya na ito ay delikado at maaaring siya ay madisgrasya dahil ito ang mas malapit
papunta sa kanilang paaralan kaysa sa gamitin nito ang tamang tawran na nasa ikalawang
kanto pa mula sa kanilang bahay.

A. Kamangmangan
B. Masidhing damdamin
C. Takot
D. Karahasan
E. Gawi
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

_________________________________________________________________________

K to Grade 2 – Century Gothic maliban sa Tandang Pananong ( para sa Tandang Pananong, maaaring
gumamit ng Arial) Text Size at Subhead – 16, Heading 20

Grade 3- Century Gothic maliban sa Tandang Pananong ( para sa Tandang Pananong, maaaring
gumamit ng Arial) Text Size at Subhead – 14, Heading 18

Grade 4-Arial; Text Size and Subhead-14, Heading 18

Grade 5-12- Arial; Text Size and Subhead-11, Heading 15

You might also like