Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Department of Education

Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit
Araling Panlipunan I
Ikalawang Markahan

Pangalan: ________________________________________________________Marka:______

I. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ang ______________ ay kinabibilangan ng ama,ina at mga anak.


A. kaibigan B. pamilya C. komunidad o barangay
2. Ang isang pamilya na binubuo lamang ng ama o ina at mga anak ay tinatawag na ____________.
A. extended family B. two parent family C.single parent family
3. _____________ ay pamilyang binubuo ng ama, ina, mga anak at kamag-anak.
A. single parent family B. extended family C. two parent family
4. Ang pamilyang binubuo ng ama, ina at mga anak ay tinatawag na _______________.
A. extended family B. two parent family C.single parent family
5. May pamilyang marami ang kasapi. May pamilya ring kaunti ang kasapi.
A. mali B. hindi maari C. tama
6. Sino sa mga sumusunod ang kasama mo sa pamilya?

A. B. C.

7. A. B. C.

8.Bakit ang ina ay tinaguriang ilaw ng tahanan?


A. Siya ay nagbabayad ng kuryente.
B. Siya ang naghahahanapbuhay.
C. Siya ang gumagabay at nag-aalaga sa mga anak.
9. Siya ang ang haligi ng tahanan at madalas na nagtatrabaho para sa pamilya?
A. ama B. ate C. kuya
10. Ano ang kailangan ng isang pamilya upang manatili silang masaya?
A. pagkakagalit
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagsusuntukan

II. Tukuyin ang tamang pantawag sa bawat kasapi ng pamilya. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A. ina B. ate C.kuya D.ama E.bunso

____________ ___________ ___________

____________ ___________

Department of Education
Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit sa Filipino I


Ikalawang Markahan

Pangalan:_________________________________________________________Marka:______

I. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan na hinihingi sa bawat bilang.

1. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang pangalan mo? Paano mo ito dapat sagutin?
A. Si Rene ako.
B. Tawagin mo akong Rene.
C. Ang pangalan ko po ay Rene Mercado.
2. Ilang taon ka na?
A. anim na ako
B. Ako ay anim na taong gulang.
C. 6 (six) na ko
3. Saan ka nakatira?
A. Nakatira po ako sa Sumapang Bata, City of Malolos, Bulacan
B. Nakatira ako sa Tondo, Maynila.
C. Nakatira po ako sa Davao City.
4. Saan ka nag-aaral?
A. Ako po ay nag-aaral sa Bungahan Elementary School
B. Ako po ay nag-aaral sa Sumapang Matanda Elementary School.
B. Ako po ay nag-aaral sa Sumapang Bata Elementary School.

II. Piliin ang letra ng tamang kasagutan.

5. Ano ang letrang susunod sa letrang nasa loob ng kahon?

Rr

A. Tt B. Ss C. Mm

6. Ano ang letrang susunod sa letrang nasa loob ng kahon?

NGng
A. Qq B. Pp C. Oo

7. Alin ang maliit na letrang katumbas ng letrang nasa loob ng kahon?

A. d B. f C. k

II. Sumulat ng tanong tungkol sa larawan sa ibaba. Punan ang patlang upang mabuo ang iyong tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
8.
9.
10.
11.
12.

III. Pakinggan ang pabula na babasahin ng iyong magulang. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

Si Pagong at si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si
Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason
ang pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si
Aling Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni
Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka
na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.


“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko
itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito,” masayang sabi ni
Pagong.

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing.

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing.

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong.

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas
na parte,” sabi ni Matsing.

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang
si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo,
nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo,”
sabi ni Matsing.

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo
ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat,” paliwanag ni Pagong.

“Hmp! Kaya pala nalanta ang aking tanim,” nanggigil na sambit ni Matsing.

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin,” anyaya nito.

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin,” sabi ni
Pagong.

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t
bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda,” sabi ni Matsing.

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno.
Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!”
tuwang-tuwang sabi ni Matsing.

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.


Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik
sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng
tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang
uulan ng malakas,” pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. Mukhang
malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” Sabi ni Pagong
sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning.

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si
Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong


matsing.

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino,” sabi ni Matsing.

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay dadami at
susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha,” sabi ni Pagong.

Nag-isip ng malalin si Matsing.

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing.

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at
matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito,” pagyayabang
ni Pagong.

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa


dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong
lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.
Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya
itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa ay parang ang gaan ng
katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!” natutuwang sabi ni Pagong.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan.
Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

13. Sino-sino ang pangunahing gumanap sa pabula/kwento?

A. si pagong at si kalabaw
B. si pagong at si matsing
C. si pagong at si tipaklong

14. Ano ang naging dahilan ng kanilang pag-away?

A. Hindi nabigyan ng saging si Matsing


B. Hindi naging mabuting kaibigan ni Pagong
C. Naging masyadong makasarili si Matsing sa lahat ng bagay.

15. Piliin ang mabuting aral na natutuhan mo mula sa kwento.

A. Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating
ang araw na ang masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.
B. Huwag maging tuso.
C. Iwasan ang pagiging madamot.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit sa MATHEMATICS I


Ikalawang Markahan

Pangalan:____________________________________________ Iskor: _____________

I. Piliin ang tamang sagot.Isulat ang letra ng angkop na kasagutan.

1. 100 + 0 = ______ A. 100 B. 0 C. 1000

2. Anong bilang ang idadagdag sa 50 para makakuha ng sagot na 50?

A. 50 B. 0 C. 10

3. ____ + 0 = P 300.00

A. P 500.00 B. P 100.00 C. P300.00

4. Ang sagot sa pagdadagdag ay tinatawag na __________

A. plus B. sum C. add

5. Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng pagdaragdag o addition?

A. + B. - C. x

Alin ang angkop na pamilang na pangngusap para sa larawan?

6.

A. 2 + 4 = 6 B. 4 – 2 = 2 C. 4 + 6 = 2
7.

A. 9 + 0 = 9 B. 5 + 3 + 8 C. 3 + 5= 8

8. Ilan lahat ang mga bilog?

A. 10 B. 8 C. 9

9.

A. 10 B. 7 C. 9

10.

A. 6 B. 8 C. 7

III. Isulat ang tamang pangungusap na pamilang sa pagdadagdag at ang wastong sagot.

11. + =

______ + _____ = _____________

12. + =

________ + _______ = _________

13. + =

_________ + _________ = ____________

14. + =
__________ + _______ = _____________

15. + =

_________ + _________ = ______________

Department of Education
Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit sa MAPEH I


Ikalawang Markahan

Pangalan:____________________________________________ Iskor: _____________

I. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.

I. Isulat ang T kung tama at M kung mali. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Sa pag-awit, mataas na tono lamang ang ginagamit.


2. Mahalagang pagsamahin ang mataas at mababang tono sa isang awit.
3. Magandang pakinggan ang awit kung ito ay may mababang tono lamang.
4. Ang himig ng awit ay maaaring mataas at mababa at pantay.
5. Inaawit ang isang awitin sa tamang melodiya o tono nito.

II. Lagyan ng tamang sagot ang patlang. Ilagay ang A kung simula, B kung katapusan at C kung inuulit ang
mga larawang may guhit.

6.

7.

8.
9.

10. Ano ang kulay ng mansanas?


A. pula B. asul C. dilaw
11. Sa harap ng hapag-kainan o mesa kapag oras ng pagkain, Paano ka dapat umupo?

A. B. C.

12. Nais mong abutin ang ulam na malayo sa iyo. Ano ang dapat mong sabihin at gawin?
A. “Akina ang ang ulam.”
B. “Hoy! Ulam ko iyan.”
C. “Maaari po bang paabot ng ulam.”
13. Ano ang dapat ginagawa ng isang batang tulad mo kung ikaw ay kakain ng kahit anong pagkain?
A. maghugas ng kamay
B. maghugas ng paa
C. kumain kahit marumi ang paa

14. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kilos lokomotor? ?


A. pag-upo
B. pag-ikot
C. pagtakbo
15. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kilos di lokomotor?
A. paghiga
B. pagkandirit
C. paglundag
Department of Education
Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit sa MTBMLE I


Ikalawang Markahan

Pangalan:____________________________________________ Iskor: _____________

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. (a. Ito b. Iyan c. Iyon ) ay gitara.

2. (a. Ito b. Iyan c. Iyon) ay eroplano.

3. (a. Ito b. Iyan c. Iyon) ay halaman.

Isulat ang letra ng tamang sagot.

4. Alin sa mga sumusunod nagsisimula sa letrang Rr?

A. B. C.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagsisimula sa letrang Pp?

A. B. C.

6. Paano nasusulat ang titik na ito –

A. maliit B. malaki C. katamtaman

7. Ano ang nawawalang pantig sa salitang ____ra?

A. pe B. la C. ma

8. Ano ang nawawalang pantig sa salitang _____les?

A. re B. ru C. ri

9. Ano ang nangyari sa laso na regalo ni lola kay Linda?

A. naitago sa kahon

B. nawala dahil ipinahiram sa kaibigan

C. nilabhan dahil narumihan

10. Ano ang maaring mangyari dahil nawala ang laso ni Linda?

A. malulungkot si Linda

B. magiging masaya si Linda at Lina

C. dadami ang laso ni Linda


11 – 15. Makinig mabuti sa pagbasa ng iyong magulang sa talata. Sagutin ang mga tanong tungkol dito?

Baon ni nanay ang abaniko sa bayan.


Bigay ni Nena ang abaniko sa nanay.
Anak ni nanay si Nena.
Nais ni nanay ang kulay ng abaniko.
Kulay lila ang abaniko.
Nagustuhan ni nanay ang abaniko.
“ Salamat anak ko.”, sabi ni nanay.
11.Sino ang may abaniko?

A. Nena B. nanay C. lila

12.Sino ang nagbigay ng abaniko?

A. Nena B. nanay C. lila

13.Saan dala dala ni nanay ang abaniko?

A. sa bukid

B. sa parke

C. sa bayan

14.Bakit kaya dala dala ng nanay ang abaniko sa bayan?

A. malamig sa bayan

B. mainit sa bayan

C. gagawing paying ito ni nanay

15.Ano ang sinabi ni nanay kay Nita?

A. Ayoko nito.

B. Salamat anak ko.

C. Hindi ko gusto ang abaniko.

Department of Education
Region III
Schools Division Office of City of Malolos
District 1
SUMAPA BATA ELEMENTARY SCHOOL
Sumapang Bata,City of Malolos,Bulacan

Unang Pagsusulit sa E s P I
Ikalawang Markahan

Pangalan:____________________________________________ Iskor: _____________

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Papasok ka sa paaralan, ano ang sasabihin mo kay tatay at nanay?


A. alis na ako
B. aalis na po ako nanay tatay.
C. dyan ka na.
2. Binigyan ka ng regalo ng iyong kapatid, ano ang sasabihin mo?
A. maraming salamat po
B. ang pangit ng regalo mo
C. ayoko nito
3 . Dumating ang lola mo isang umaga. Ano ang gagawin mo?
A. tatakbo palayo sa lola
B. hahawakan ang kanyang kamay at magmamano
C. hindi papansinin ang lola
4. Kinakausap ka ng iyong lola tungkol sa iyong pag-aaral. Ano ang isasagot mo sa kanya?
A. di iyon mahalaga
B. matataas po ang aking mga marka sa mga pagsusulit
C. pwede na yung marka ko

5. Nag-uusap ang iyong guro at punong guro sa may pintuan. Gusto mong pumasok ano ang sasabihin
mo?
A. umalis kayo sa daan
B. makikiraan po
C. paharang harang kayo diyan
6. Dumating ang lola mo isang umaga sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang gabi po.
B. Magandang hapon po.
C. Magandang umaga po.

7. Ang batang magalang ay mahal ng magulang.


A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
8. Ang gumagalang sa matatanda ay pinagpapala.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
9. Ang po at ang opo ay hindi magalang na salita at dapat huwag gamitin.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
10 Ang batang magalang ay kinaiinisan ng mga tao.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
11. Sumasali ako sa usapan ng matatanda kung hindi ako kinakausap.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
12. Hindi ako nagsalita kung may nagsasalita na.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
13. Humahalik o nagmamano ako sa magulang at mga nakatatanda.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
14. Gumagamit ako ng magagalang na pananalita sa pakikipag-usap.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak
15. Gumagamit ako ng Po at Opo sa tuwing nakikipag-usap.
A. Tama B. Mali C. Hindi Tiyak

You might also like