Lit 108-Pangwakas Na Gawain

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928
Candelaria, Quezon

Pagbasa ng mga
Obra Maestrang
Filipino
John Joseph A. Umandap, LPT,MAEd
Instruktor

PANGALAN: Gonzales, Jomarc Cedrick T.

PANGWAKAS NA GAWAIN

Bilang pangwakas na gawain ay sumulat ka ng sarili mong akda na masasabi mong OBRA
MAESTRA. Maaaring alinman sa isa sa mga uri ng panitikan at kinakailangang umikot sa isa sa
napapanahong isyu sa kasalukuyan na COVID-19. Ang gawaing ito ay kinakailangang maipasa
sa ika-31 ng Mayo 2021 kasama ang pagsusulit at lahat ng mga gawain sa modyul.

MAY PAG-ASA BASTA’T SAMA-SAMA

Sa panahon ng pandemya,
Kailangan nating magkaisa,
Upang kahit mawalan ng pag-asa, Kung magpapatalo sa takot,
May kapwa kang makakasama. Mananatili ang poot,
Maaating ito ang magdala,
Ituring na kalaban itong corona, Sa pagbagsak ng iba.
Pananampalataya ay gawing sandata,
Sa kanya ay magtiwala, Kung ikaw ay babangon,
Pagkat siya ay dakila. Sa bagsik ng panahon,
Marahil ikaw ay di mababaon sa lupit ng
Mga tao ay nagtutulungan, alon,
Sa panahon ng kahirapan, Nang sakit na kinakaharap ngayon.
Hindi hadlang ang pandemya,
Upang tayo ay magkaisa.

1
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928

PANGALAN:Gonzales, Jomarc Cedrick T.


KURSO: BSED-III Filipino

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

1. Ano ang mga mahahalagang aral at implikasyon na hatid ng isinulat mong sariling Obra
Maestra? Talakayin.
Para sa akin, bilang isang manunulat, estudyante, at higit sa lahat bilang isang
Pilipino ang kahalagahan ng aking akda ay upang bigyan ng lakas ng loob at pag-asa ang
bawat isa na nakakaranas ng lubos na kahirapan sa Pnahon ngayon. Kailangan natin ang
bawat isa upang malampasan ang pandemya sa panahon ngayon. Laging pakaisipin na
may pag-asa basta’t sama-sama.

2. Paano mo masasabi na ang isinulat mong akda ay isang Obra Maestra? Patunayan.
Masasabi ko na ang aking akdang tula ay isang obra maestra Sapagkat ang obra
maestra ay pinakatampok o itinatanging likha ng tao, karaniwan sa sining (masterpiece).
Anumang mahusay na gawa o likha. Maaaring sa sining, panitikan, at iba pa. Sa
panitikang Filipino ay isang obra maestro. Mayroong iba’t ibang anyo nito at isa na rito
ay ang tula. Kung kaya’t ang tulang aking isinulat ay isang obra maestra.

3. Sumulat ng sariling wakas ng mga sumusunod na Obra Maestrang Filipino:


3.1. Ibong Adara
Nalaman at natuklasan ni Donya Maria ang kataksilan nagawa ni Don Juan dahil
sa gagawinitong pagpapakasal sa ibang prinsesa. Kaya't nag-alimpuyo sa galit ang
kanyang dibdib. Sakay ng isang malagintong karosa, nagpanggap na emperatriz si  Donya
Maria upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating sa
kasalan si Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha at nagtinginan ang lahat.
Maganda ang gayak ni Donya Maria at litaw na litaw ang kanyang angking kagandahan.
Ang pakay at plano niya ay pigilin ang pag- iisang dibdib ng dalawa. Malugod na
tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don
Juan na ang emperatriz ay walang iba kundi si Donya Maria. Lubos na nagalit si Donya
Maria kung kaya’t nagbitaw siya ng sumpa at enkantasyon na ang magiging anak ni Don
Juan at Donya Maria ay makkikitil ang buhay sa oras na ito ay magdalaga. Ngunnit ito ay
mawawalang bias lamang kung mayroong tao na lubos at tuna yang pagmamahal sa anak
nila. Matapos ng pangyayari ay naalala na ni Don Juan ang katotohanan. Lubos ang
pagsisisi ng bawat isa sa kanila. Matapos noon ay bumalik na si Donya Maria sa kanyang
kaharian na puno ng puot at galit.
3.2. Florante at Laura
Habang nag-uusap ang magkakasintahang pinagtagpu-tagpo ng mahiwagang kapalaran,
siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si Adolfo.
Nangagsigawan sa tuwa ang hukbo nang makitang buhay si Florante at Laura. Nagsibalik
ang lahat sa palasyo. Hindi nagtagal at nakasal ang dalawa at naging hari at reyna ng
Albanya. Samantala, sina Aladin at Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib
din at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan dahil sa kumalat na
balitang patay na si Sultan Ali-adab. Mula noon ay natigil na ang pagdirigmaan ng

2
Albanya at Persya. Naging kapuwa matiwasay at maunlad ang kanilang nasasakupan.
Nagkaroon ng anak na lalaki sina Florante at Laura. Nagkaroon din ng anak na babae sina
Aladin at Flerida. Nang ang anak nila ay nagbinata at nagdalaga ay sila naman ang nag-
ibigan.

3.3. Noli Me Tangere


Si Maria Clara,hindi na niya itinuloy ang kanyang pagpasok sa pagmomongha. Si
Padre Damaso naman ay iang taon munang nanirahan sa Maynila pago pa niya
tanggapin ang pagiging Kura sa isang malayong probinsya. Dahil sa labis na sama ng
loob at di matanggap ang nagyari sa kaniya ay natagpuan na lamang itong walang
buhay sa kanyang higaan. Si Padre Salvi naman ay naghintay at naghintay sa
ipinangakong pagiging arsobispo niya ang paghihintay na natapos sa paghihintay. Si
Kapitan Tiyago pagaktapos na dalahin niya ang kanyang anak anakan sa kumbento ay
pina-empake nito ang lahat ng damit ng mag-ina at ipinadalang lahat kay Tiya Isabel
kung saan sa Malabon o San Diego pinamimiling tumira.dahil sa nangyari ay
nangayayat si Kapitan Tiyago,naging pabaya sa sarili at nalulong sa maraming bisyo
at paghithit ng Opyo.Nakalimutan na nito ang pagsisimba ang pag aabuloy ay
pagdalaw sa birhen ng antipolo nangayayat si kapitan Tiyago at nanilaw ito, di na
isya pinupuri ang iginagalang ng mga tao. Si Donya Victorina ay mas lalong
pinaghusay ang pananalita ng kastila, ang dati rati niyang binabatukang kutsero ay
inalisan na siya kaya naman napilitan siyang paturuan ang kanyang asawa ng
pangangabayo pero hindi ito natuto kaya naman siya na lamang ang nag aral na
mangabayo, Ang masama at kinagigiliwang panoorin ng mga tao, sa bawat hampas ni
donya Vistorina sa kabayao may hampas ding tinatanggap ang kanyang esposo. Si
Linares ay iniwan ni Maria Clara ay nangayayat at nagkasakit. Namatay ito sasakit na
disenterya na nakuha sa pagkain nng mga ulam na nabibili sa daan. Ang Alperes ay
naging komandante at nakipaghiwalay sa nangangamot nitong asawa. Si Donya
Consolacion sa pagkapahiya na iniwan ng esposo ay nagpakalulong sa alak hindi lang
mga bata ang natakot sa kaniya pati mga matatanda ay umiwas na rin sa
nangangayayat na senyora.

3.4. El Filibusterismo
Namatay si Simoun dahil tumanggi siyang ipagamot ang kanyang tinamong sugat ng
habulin siya ng mga gwardiya sibil pagkatapos ng nangyaring gulo sa simbahan.
Ipinahayag niya ang kanyang mga saloobing kay Padre Florentino patungkol sa mga
kabataang siyang tunay na pag-asa ng bayan. Nang mamatay si Simoun, kinuha ni
Padre Florentino ang kabang naglalaman ng alahas at brilyante ni Simoun at ito'y
kanyang itinapon sa dagat.

3
4

You might also like