Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA GAWAIN SA FILIPINO 9

MGA LAYUNIN:
• Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan. (F9PN- IIIf-53)
• Napatutunayan ang pagiging makatotohanan at di makatotohanan ng akda. (F9PB-IIIf-53)
• Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat. (F9WG-IIIf55)

Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig.

Buod ng alamat ng “ANG PINAGMULAN NG TATLUMPU’T DALAWANG KUWENTO NG TRONO”.

Noong unang panahon, sa isang lugar na tinatawag na Bharat na ngayo’y kilala bilang bansa ng India, may isang
binata ang naninirahan kasama ang kanyang matandang ina. Sila’y kabilang sa mataas na uring panlipunang tinatawag na
Brahman subalit sila nama’y napakadukha. Tanging maliit na dampa lamang at kapirasong lupang tinatamnan nila ng
gulay ang kanilang pag-aari. Dahil sa kahirapan ay hindi makapag-asawa ang binata dahil wala siyang maiaalay na ari-
arian. Sa payo ng kanyang ina na mangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan halos mapuno niya ang dalawang
banga ng ginto at salapi. Sa wakas ay nakapag- asawa siya ng isang maganda at mapagmahal na asawa na nagngangalang
Mela.
Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata at pinapatali ang mahaba niyang buhok dahil ito ang hahatakin ng
mga shakchunni o mga espiritu na may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang mag-asawa at
umalis ang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig ang pag-uusap ng mag-
asawa. Nagpalit-anyo ito para magpanggap na maging asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kanynang asawa.
Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niya sa kanilang tirahan,
nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino
ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa raha para mairesolba ang kaso ngunit hindi rin nairesolba ang kaso.
Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit siya malungkot.
Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang batang nakaupo na bunton ng lupa. Kinuwento ng totoong Brahman
ang pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang raha para
makita kung paano maireresolba ang kaso.
May isang pagsubok ang pinagawa ang bata sa kanilang dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang
tunay na Brahman at kung sino ang hindi makapapasok ay mamamatay. Katwiran ng totoong Brahman ay hindi
makatwiran ang gagawin, paano siya magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin
at pumasok sa garapon, dali-dali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu.
Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa bunton ng lupa, kung paano niya ito
nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang lupa
ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa sinomang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal ng lupa para makita
kung ano ang laman ng bunton ng lupa.
Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumpu’t dalawang anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang
trono ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay binuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang
papalayo sa raha hanggang napaisip na lang ang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na
katapatan, pagiging patas at walang kinikilingan.

WRITTEN WORKS

GAWAIN 1: Panuto: Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa kanilang
ikinilos o sinabi. Titik lamang.
1. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay basta’t
magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang asawa ng Brahman ay .
a. Matatakutin at nerbiyosa para sa asawa
b. Selosa at Walang tiwala sa asawa
c. Mapagmahal sa asawa at ayaw mahiwalay
2. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto kong magkaroon ng
malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakikilala nitong ang Brahmana ay .
a. May mataas na ambisyon at labis na mapaghangad.

b. Gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod.


c. Nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid.
3. Pigil ng mga tao ang kanilang paghinga. Isang batang lalaki ang magbibigay nng katarungan habang ang
pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay nakatayo lamang at nanonood. Ipinakikilala nitong ang mga tao ay .
a. Nagtataka at nananabik b. Nagkukunwari c. Nangungutya
4. “Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa,”
ang sabi ng Brahman habang mahigpit na niyayakap ang kanyang asawa at ina. Ipinakikilala nitong ang Brahman ay .
a. Natatakot sa naging pasiya ng raha para sa kanya.
b. Nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan.
c. Naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari.
5. “Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito, ipakita mo munang kapantay
mo siya sa tapang at dunong makinig ka at sasabihin namin sa iyo kung gaano siya kadakila.” Ipinakikilala ng pahayag na
ito na ang kanilang Raha Vikramaditya ay .
a. Isang tanyag at kilalang pinuno.
b. Isang mahusay at iginagalang na pinuno.
c. Isang mayaman at hindi malilimutang pinuno.

GAWAIN 2: Panuto: Piliin ang magpapatunay sa katotohanan o di katotohan sa mga pangyayari sa


alamat.
1. Nang umalis ang Brahman ay nagkaroon ng pagkakataon na makuha ng espiritu ang kanyang pamilya.
a. Makatotohanan ito dahil may mga espiritu talaga na nagpapanggap na tao.
b. Hindi makatotohanan dahil mahal ni Mela ang kayang asawa.
c. Makatotohanan dahil may mga taong mapagsamantala sa kapwa.
2. Pinili ng Brahaman na malayo sa asawa at ina dahil sa paghahangad na magkaroon ng malaking bahay at
maraming salapi.
a. Makatotohanan dahil maraming tao ang mataas ang pangarap para sa pamilya.
b. Makatotohanan dahil may mga asawa na handang magsakripisyo para sa pamilya.
c. Makatotohanan dahil may mga taong hindi kuntento sa buhay.
3. Pinatawag ng raha ang totoo at impostor na Brahman. Lahat ng kanyang itanong ay parehong nasasagot
ng dalawang lalaki , hindi makapagpasiya ang raha kaya huminto na siya sa pagtatanong.
a. Makatotohanan dahil marami ang madaling maloko at malinlang.
b. Makatotohanan dahil may mga pinuno na mahina sa pagpapasya.
c. Makatotohanan dahil mayroong mga taong magkamukha.

4. Ang bata ang nakalutas ng solusyon sa problema ng Brahman.


a. Hindi makatotohanan dahil hindi kaya ng batang mag-isip ng solusyon sa problemang pangmatanda.
b. Makatotohanan dahil wala sa edad ang katalinuhan.
c. Hindi makatotohanan dahil hindi kayang daigin ng bata ang raha.
5. Kabilang sa mataas na uring panlipunan ang Brahman subalit sila nama’y dukha.
a. Makatotohanan dahil hindi lahat ng Brahman ay mataas na uri.
b. Di makatotohanan dahil ang Brahman ay iginagalang at nirerespeto.
c. Makatotohanan dahil hindi batayan ang antas ng buhay ang pagiging Brahman.

PANG-ABAY - ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. ito ay may iba’t
ibang uri.

URI NG PANG-ABAY
1. PAMANAHON - nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong
na kailana.
halimbawa: Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampung siglo.
2. PANLUNAN - nagsasaad ng pook, lunan o lugar na pinangyayarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan at
nasaan. halimabawa: Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.
3. PAMARAAN - nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na paano.
halimbawa: Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa Kumbh Mela.
GAWAIN 3: Panuto: Basahin at Suriin ang mga pangungusap. Tukuyin ang pang-abay na ginamit at
anong uri ito ng pang-abay.
Halimbawa: Binuhat nang papalayo ng mga anghel ang trono ng raha.- papalayo (Pang-abay na Pamaraan)

1. Sa India nagmula ang akdang binasa.


2. Naisulat ang kuwento noong bago pa mag-ikaanim na siglo.
3. Masayang niyakap ng Brahman ang asawa at Kanyang ina.
4. Madali raw na makukuha ng Brahman ang kanyang pamilya.
5. Tumagal nang ilang taon ang Brahaman sa kanyang pagtatrabaho sa siyudad.

You might also like