Araw Ni Emilio "Heneral Miong" Aguinaldo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NGAYON SA KASAYSAYAN

Araw ni Emilio “Heneral Miong” Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo y Famy, kilala rin bilang “Heneral Miong”, ay isang pulitiko at
Heneral na kinilala bilang pinakauna at pinakabatang Presidente ng Pilipinas, unang
Presidente ng isang Republikang Konstitusyonal sa Asya, at ang nagdeklara ng
kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila.

Ipinanganak sa araw na ito si Emilio Aguinaldo noong 1869 sa Cavite el Viejo.


Sapagkat nakakaangat sa buhay, nakapag-aral siya hanggang sekondarya sa Colegio
de San Juan de Letran subalit ito ay kaniyang itinigil upang makatulong sa kanilang
negosyo.

Lumahok ang Heneral sa katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, na


naghangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa kalupitan ng mga kastila. Nang mamatay
si Bonifacio, siya ang nanguna sa puwersa ng Rebolusyong Pilipino sa himagsikan
laban sa mga kastila mula 1896-1898 at doon niya idineklara ang kalayaan ng Pilipinas
noong Hunyo 12.

Ang Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas din ang siyang nagdisenyo ng


watawat ng Pilipinas na unang iwinagayway noong Mayo 28, 1898. Sa kasamaang
palad, siya ay nahuli ng puwersang Amerikano sa Palanan, Isabela na naging sanhi
upang magtapos ng kaniyang pagkapangulo. Isinugod siya sa ospital dahil sa sakit sa
puso, subalit tuluyan na siyang binawian ng buhay noong ika-6 ng Pebrero 1964 sa
edad na 94.

Ngayong araw na ito, ating ipinagdiriwang ang ika-152 na kaarawan ni Heneral


Emilio Aguinaldo, huwag nating kalimutan na magbigay-pugay sa kaniyang kadakilaan
at isapuso ang kaniyang naiambag upang makamit ng bawat Pilipino ang kalayaan ng
ating bansa. Sabay-sabay nating alalahanin ang kahalagahan ng kaniyang sakripisyo
sa pakikipaglaban para sa ating Inang Bayan.

You might also like