Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
5
Ikaapat
na Markahan ICT/ ENTREPRENEUR
EPP ( ICT) – Ikalimang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 14 : Paggamit ng mga Basic Functions at
Formula sa Electronic Spreadsheet Upang Malagom ang Grado at Average

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Editha V. Mella
Editor: : Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O. Antolin
Tagasuri Teknikal;
Tagaguhit: Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Miguel Laguerta OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ika-apat na Markahan
Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto

Paggamit ng mga Basic Functions at


Formula sa Electronic Spreadsheet
Upang Malagom ang Grado at Average
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP 5 ENTREPRENEUR /ICT ng
Modyul 14
Paggamit ng mga Basic Functions at Formula sa Electronic Spreadsheet
Upang Malagom ang Grado at Average

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 ENTREPRENEUR/ICT Modyul 14 para araling Paggamit ng
mga Basic Functions at Formula sa Electronic Spreadsheet Upang Malagom
ang Grado at Average

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


nagagamit ang mga basic functions at formula sa electronic spreadsheet
upang malagom ang grado at average.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?


Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o
thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1.Nakagamit na ng spreadsheet sa computer o


tablet.
2. Naiisa-isa ang mga basic functions at formula sa
spreadsheet application
3.Nagagawa ang simpleng paglalagom ng grado at
average gamit ang basic functions at formula sa
electronic spreadsheet
4. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang mga
grado ng iyong kaklase.
5. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet na hindi na humihingi ng
tulong sa nakatatanda.
BALIK-ARAL

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit ang bituin( )


kung tama ang isinasaad nito at buwan ( )naman kung mali.

_____1.Ang search engine ay ginagamit sa paghahanap ng mahahalagang


impormasyon kapag may internet.
_____2. May iba’t ibang search engine na ginagamit sa internet.
_____3. Maaaring isa o higit pang salita ang ginagamit sa search engine
upang maghanap ng dokumento sa internet.
_____4. Ang facebook ay isang halimbawa ng search engine.
_____5. Ang pinakamadalas gamitin ay ang google at yahoo.

ARALIN

Paggamit ng mga Basic Functions at Formula sa Electronic


Spreadsheet Upang Malagom ang Grado at Average
Ang Microsoft ay isa sa pinakakilalang lumilikha ng software na may
electronic spreadsheet. Ito ay ang Microsoft Excel na binubuo ng maraming
mga cells. Maaari itong gamitin kung nais pagsama-samahin ang mga datos
na nakalap sa internet man o saan man na maaaring pagmulan ng
impormasyon. Naglalaman din ito ng maraming mga formula upang makamit
ang iba pang pakinabang nito.
Ganito ang larawang makikita kapag binuksan ang excel.
Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Maaaring maglagay ng mga
salita, halaga o numero mula sa alinman sa mga cell.

Mga Bahagi ng Spreadsheet

1.Cell – dito inilalagay ang impormasyong tekstuwal o numero


2.Cell Address o Name Box – ang titik at numero na nagbibigay ng
eksaktong lokasyon ng hilera at hanay ng cell sa isang spreadsheet
3.Column - ang hilera na may titik sa itaas
4.Formatting Toolbar –karaniwang makikita sa itaas ng workbook,
nakatutulong ito sa pagsasaayos ng mga text tulad ng pagpili ng font,
pagpapalaki sa mga titik, gawing bold ang salita o gawing italic, paglalagay ng
linya sa ilalim ng salita, paggamit ng justification, pagdaragdag ng indent,
paglalagay ng border, pagpapalit ng kulay ng mga titik, at iba pa
5. Formula Bar – mababasa rin dito ang impormasyon na inilagay sa isang
cell kung naka-highlight ang cell
6.Menu Bar – kadalasan ay may drop down menu kung saan maaaring pumili
ng file o application
7.Merge Cell – pagsasama ng dalawa o higit pang cell (kadalasan magkakatabi)
para maging isang cell
8.Row – ang hanay na may numero sa kaliwa
9.Task Pane – isang tila maliit na bintana sa bandang kanan ng Excel; ang
mga naka-display ay napapaliit depende sa ginagawang dokumento
10.Title Bar – nasa gawing ibabaw, dito nakikita ang pangalan ng
kasalukuyang aktibong dokumento
11.Sheet Tab – nagpapakita ng worksheet na kasalukuyang ine-edit ng
gumagamit
12. Toolbars – nasa gawing itaas ng spreadsheet na kinalalagyan ang iba’t-
ibang button, icon, menu, at iba pa

Kung nais kunin ang sum o kung gustong pagsama-samahin ang halaga,
maaaring gumamit ng dalawang paraan.
Una, maaaring i-click at idrag lamang ang mouse upang pagsama-
samahin ang mga kabuuang halaga at i-click ang “formulas” na matatagpuan
sa itaas ng spreadsheet at i-click ang Auto Sum. Pagkatapos mapindot ang
“Autosum” lalabas na ang resulta. Siguraduhing pasobrahan ang cell na
idadrag kung saan awtomatikong mailalagay ang pinagsama-samang halaga.

Ikalawa, maaaring gamitin ang mano-manong paggawa ng formula sa


isang cell. Maari ding gumawa ng formula na nag-uumpisa sa equal sign,
pagkatapos ay sinusundan ito ng parenthesis ( ). Sa loob ng parenthesis
matatagpuan ang mga cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay ang
mga cell nang mano-mano o ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell
na nais ilagay pagkatapos ay sundan ito ng plus sign +. Kung higit sa dalawa
ang cells na nais pagsamahin kailangan ilagay ang plus sign + sa pagitan ng
mga cell katulad ng ipinapakita sa larawan sa ibaba. Pagkatapos ilagay ang
mga cell, pindutin lamang ang “Enter” o i-click lamang ang mouse o cursor
saan man sa spreadsheet at lalabas na ang resulta ng pinagsamang mga
numero.
Kung gusto namang makuha ang average ng marka ay maaaring i-click
at idrag lamang ang mouse upang pagsama-samahin ang mga kabuuang
halaga at i-click ang “formulas” na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet at i-
click ang Auto Sum piliin ang average.
Kung ang gagamitin naman ay mano-manong pagkuha ng average
ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell na nais ilagay pagkatapos ay
sundan ito ng plus sign +sa pagitan ng bawat cell . Kung higit sa dalawa ang
cells na nais pagsamahin kailangan ilagay ang plus sign + sa pagitan ng mga
cellat lagyan ng slash (/) pagkatapos ng parenthesis at ang bilang ng marka
,pindutin lamang ang “Enter” at makukuha na ang average.
=(B2+B3+B4+B5+B6+B7)/6

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng spreadsheet ang inilalarawan ng
mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.

Title bar Cell Cell address o Name box


Column Row Merge cell
__________1. Nasa gawing ibabaw, dito nakikita ang pangalan ng
kasalukuyang aktibong dokumento.
__________2. Ito ang hilera na may titik sa itaas.
__________3. Dito inilalagay ang impormasyong tekstuwal o numero
__________4. Ang titik at numero na nagbibigay ng eksaktong lokasyon ng
hilera at hanay ng cell sa isang spreadsheet.
__________5.Pagsasama ng dalawa o higit pang cell (kadalasan
magkakatabi) para maging isang cell.

Pagsasanay 2
Panuto: Subukin mong kunin ang average at General average ng marka ni
Hannah De Vera. Sundin ang sumusunod na hakbang gamit ang
inyong laptop o computer. Gawin mo ito sa gabay ng inyong guro sa
ICT 5.
1. Buksan ang electronic spreadsheet tool (excel).
2. I-type ang mga tekstuwal at numerical na datos na makikita sa
table ibaba. I-format ang table upang mas maging kaaya-aya.

1. Upang makuha ang general average ng marka ni Hannah kailangan


munang makuha ang average ng bawat asignatura. Maaari mong
gamitin ang iyong natutuhan sa paggamit ng formula sa basic function.
2.Sagutan ang mga tanong.
a. Ano ang average ni Hannah sa mga sumusunod na asignatura?
English-_____
Science-_____
EPP-_________
b. Anong asignatura ang may pinakmataas na marka? Ilan ito?
c. Ano ang general average ni Hannah?
d.Kung ikaw si Hannah, paano mo mapapanatiling mataas ang iyong
marka?

PAGLALAHAT

Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Ang paggamit ng electronic


spreadsheet ay nakatutulong upang mapadali at mapabilis ang pagbuo ng
mga datos gamit ang mga function at formula. Maaaring gumamit ng
dalawang paraan sa paglalagom at pagkuha ng average ng datos. Ibigay ang
dalawang paraan
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bawat asignatura ay mayroong ibinibigay na Performance task at


Lagumang pagsusulit. Ang bawat marka ay itinatala mo sa iyong kwaderno.
Para maayos mong makuha ang kabuuang marka at average sa bawat
asignatura, paano mo gagamitin ang natutunan mo sa aralin nating ito?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa spreadsheet ng Microsoft?
A. Word C. Power Point
B. Excel D. Publisher
2. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?
A. (=) equal C. (+) plus
B. (*) asteris D. (/) slash
3. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito ? ∑
A. Formula C. Function
B. Average D. Autosum
4. Dito inilalagay ang impormasyong tekstuwal o numero. Ano ang tawag sa
box na ito?
A. cell C.row
B. column D.formula bar
5.Nais mong makuha ang average at total ng iyong nakuhang iskor sa iyong
pagsusulit . Paano mo ito makukuha nang mabilis gamit ang spreadsheet?
A.Gagamitin ko ang merge cell. C.Bibilangin ko ang bawat score
B.Gagamitin ko ang autosum D.Ilalagay ko sa formula bar
SUSI SA PAGWAWASTO

Balik-aral Paglalahat
1.Gamit ang autosum

1. 2. mano-manong paggawa ng formula sa isang

2. cell

3.

4.
5.

Pagsasanay 1
1. Title bar
2.Column
3.Cell
4.Cell address o Name box
5.Merge cell

Pagsasanay 2
a. English-86.75
Science-90.5
EPP- 90.75
b. Filipino-95.25
c.91.1875 or 91.19
d.Pagbubutihin pa ang pag-aaral

Panapos na Pagsusulit

1.B
2.A
3.D
4.A
5.B
Sanggunian
Gloria A. Peralta, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L.
Quiambao, and Jeffrey D. de Guzman.2016 Kaalaman at Kasanayan
Tungo sa Kaunlaran. Quezon City, Philippines: Vibal Group INC.

Deped K-12 Curriculum Guide Most Essential Leaning Competencies

You might also like