LAS No. 4 FILIPINO 5 (4th Quarter)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
SAN CARLOS CITY DISTRICT III-A
San Carlos City, Pangasinan

Name: _____________________________________ Date: _____________


Grade & Section: _____________________________ Score: _____________

Learning Activity Sheet # 4


FILIPINO 5
Ikaapat na Markahan

Pamagat ng Aralin: Paghahambing ng iba’t ibang dokumentaryo.


Layunin: Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo (F5PD-IVe-j-18)
Sanggunian: https://filipino matuto. Wordpress. Com./2017/2/03

Konsepto:
Anumang bagay na ating nakikita, napapakinggan, at napapanood ay may malaking
impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Ang dokumentaryo ay tungkol
sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan. Karaniwang nakatuon ito sa
kahirapan at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning pangekonomiya at sa mga
katiwalian.
2 uri ng dokumentaryo
1. Dokumentaryong pampelikula- ang pangunahing layunin ng dokumentaryong pampelikula
ay makapagbigay ng impormasyon, manghikayat at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa
kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay
ng mga tao sa lipunang ginagalawan.
Elemento ng dokumentaryong pampelikula:
1. Skrip- tumutukoy sa pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa pelikula.
2. Sinematograpiya-paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga
manonood ang pangyayari.
3. Tunog at musika- pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng mga tunog ng mga
dayalogo.
Iba pang elemento ng ng dokumentaryong pampelikula
1. Pananaliksik o reserts- paghahanap ng katotohanan at detalye ng dokumentaryo.
2. disenyong pamproduksyon- kaangkupan ng lugar, eksena, damit at iba pang biswal.
3. pagdidirehe – pamamaraan at diskarte ng direktor upang patakbuhin ang kuwento.
4. pag-eedit- pagputol at pagdugtong ng mga eksena sa isang eksena.

2. dokumentaryong pangtelebisyon- ay isang programa sa telebisyon na naglalahad ng mga


katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal at
historikal.Nilalayon ng dokumentaryo na irekord ang ilang aspekto ng katotohanan para
makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord na kasaysayan.
Katangian ng dokumentaryong pangtelebisyon
1. paksa- tumutukoy sa nilalaman ng dokumentaryo
2. Layunin-ito ang nais sabihin ng mga nasa likod ng paksa ng dokumentaryo.
3. Anyo- ang anyo ng dokumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ay may
diskusyon.
4. Estilo o teknik-tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera.
5. Uri ng karanasan-ang dalawang bahagi nito ay aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring
magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon.

Ang dokumentaryong pampelikula at pangtelebisyon ay may pagkakatulad at pagkakaiba.


Pagkakaiba
Pampelikula- mas mahaba mas komprehensibo, sa sinehan ipinalalabas, mas magastos
iprodyus.
Pantelebisyon- mas maikli, ito ay serye ng palabas,maaaring panoorin sa bahay, may
pagkakataon na ipinalalabas sa sinehan.
Pagkakatulad
Parehong tumatalakay sa katotohan o realidad ng buhay sa lipunan.

Pagsasanay 1: Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang dokumentaryo? ______________________________________________________
2. Ano ang dokumentaryong pampelikula?
____________________________________________________________________
3. Ano ang dokumentaryong pangtelebisyon?
___________________________________________________________________
4. Ano ang pagkakatulad ng dalawa?
____________________________________________________________________
5. Ano ang pagkakaiba ng dokumentaryong pampelikula at pangtelebisyon?
____________________________________________________________________
Pagsasanay 2: Anu- ano ang nakapalaoob sa isang dokumentaryo? Lagyan ng tsek / bago ang
bilang at ekis X kung hindi:
______1. Katotohanan at realidad
______2.Tungkol sa mga artista.
______3.Pangyayari sa buhay.
______4. Kahirapan at korapsyon.
______5.Problema sa edukasyon.
Pagsasanay 3: Isulat ang WOW kung dokumentaryong pantelebisyon at YES kung
dokumentaryong pampelikula:
1. Kapuso Mo Jessica Soho________________
2. Tirador ______________________
3. I-Witness_______________________
4. Lola___________________________
5. Rated K____________________
Susi sa Pagwawasto:

Pagsasanay 1:

1.Ang dokumentaryo ay tungkol sa katotohanan o relaidad na pangyayari sa buhay.


2.Isa itong ekspresyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa lipunang ginagalawan.
3.Ay programa sa telebisyon na naglalahad ng katotohanan sa lipunang ginagalawan.
4.Pareho silang nagpapakita ng realidad o katotohanan.
5.Ang pampelikula ay mahaba ang pantelebisyon ay maikli.

Pagsasanay 2:

1./
2.X
3./
4./
5./

Pagsasanay 3:

1. WOW
2.YES
3.WOW
4. YES
5.WOW

You might also like