Professional Documents
Culture Documents
LAS No. 5 FILIPINO 5 (4th Quarter)
LAS No. 5 FILIPINO 5 (4th Quarter)
Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
SAN CARLOS CITY DISTRICT III-A
San Carlos City, Pangasinan
Konsepto:
Apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:
1. Paturol o Pasalaysay – ito ay pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa.
Ito ay nagsasalaysay o nagkukuwento at nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
2. Patanong – ito ay pangungusap na nagtatanong.Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
3. Pautos – ito ay pangungusap na nag-uutos.Tuldok (.) ang inilalagay na bantas sa hulihan
nito.
May mga pangungusap na pautos na gumagamit ng magagalang na pananalita tulad ng paki,
maki, maaari, o pwede, tinatawag itong pangungusap na Pakiusap.Ginagamitan ito ng bantas
na tuldok (.) o tandang pananong (?)
4. Padamdam – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.Tandang
padamdam (!) ang inilalagay sa hulihan nito.
Halimbawa:
1. Pupunta muna ako sa grocery para bumili ng mga kailangan natin.
2. Hindi ligtas na lumabas ang mga matatanda at bata kaya ipinagbabawal ng batas.
Ang mga pangungusap na ito ay pasalaysay o paturol.
3. Saan ka pupunta?
4. Puwede ba akong sumama?
5. Bakit naman?
Ang mga pangungusap na ito ay patanong.
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pakibantayan mo nga muna ang kapatid mo para maipasok ko ang package na padala ng
Tatay mo.
A. Pasalaysay B. Pautos C.Pakiusap D. Patanong
2. Bakit po Inay, ano po bang nangyari?
A. Patanong B. Pasalaysay C. Pautos D. Pakiusap
3. Dalian mo at baka lumabas ang kapatid mo.
A. Pakiusap B. Patanong C. Pasalaysay D.Pautos
4. Opo Inay,pababa na po!
A. Pasalaysay B.Padamdam C.Patanong D.Pakiusap
5. Kailangan kasing masanitize muna ang kahong pinaglagyan ng mga padala ng inyong ama
bago ipasok sa bahay. Hindi natin alam kung sino-sino ang humawak at saan-saan nailapag iyan
bago makarating dito sa atin. Mabuti na ang nag-iingat lalo sa panahon ngayong may COVID-19.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D.Padamdam
Susi sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1:
1. 1
2. 3
3. 2
4. 4
5. 1
Pagsasanay 2:
1. .
2. !
3. .
4. ?
5. .
Pagsasanay 3:
1. C
2. A
3. D
4. B
5. A