Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay – Aralin

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag – aaral ay inaasahang:


a. Mapaliwanag ang maikling kwento bago dumating ang mga kastila;
b. Matukoy ang mga sangkap ng maikling kwento; at
c. Mailarawan ang mga sangkap ng maikling kwento.
II. Paksang Aralin:
a. Paksa: Maikling Kwento sa Panahon ng Kastila.
b. Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/51782870/MAIKLING-
KWENTO-SA-PANAHON-NG-KASTILApptx/
c. Kagamitan: Laptop at Cellphone.
III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Pambungad na Panalangin.
b. Pagtala ng liban at pag-ayos ng PPT.
B. Balik – Aral:
a. Ano nga ba ang maikling kwento?
b. Sa inyong Palagay ano ang kahalagahan ng mga sangkap sa
maikling kwento.
C. Paglalahad
1. Pagganyak:
a. Magpakita ng mga salitang may kaugnayan sa
maikling kwento (Scramble Words).

Panuto: Ayusin ang mga salita na may kaugnayan sa maikling kwento

bulapa mataal laburapa tadoneka taganpu hantau


Tanong:

a. Ano ang kaugnayan ng bawat salita sa maikling


kwento?
b. Bakit mahalaga ang mga nasabing salita sa maikling
kwento?
2. Pagtalakay: Basahing mabuti ang ipinakitang Presentasyon.\
Mga tanong:
a. Ano nag kahalagahan ng mga tauhan sa maikling
kwento?
b. Ano ang anekdota?
c. Ano ang kwentong bayan?
3. Pagpahalaga:
a. Bakit mahalaga ang 6 sangkap ng maikling kwento?
4. Gawaing individual:
a. Ang bawat isa ay gumawa ng sariling
pagpapakahulugan sa Kwentong Bayan, Pabula, at
Anikdota.
5. Paglalapat:
a. Ano ang inyong natutunan sa mga uri ng maikling
kwento?
IV. Paglalapat:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sumulpot pagdating ng mga Kastila, naglalaman ng mga alamat at kwento tungkol sa


mga engkanto na nagsilbing panlibang sa mga bata.

A. Kakana/Bibit B. Kwentong Bayan C. Kwento sa mga Santo/Santa

2. Ipinapakita ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura ng isang lipi

A. Kwentong Bayan B. Kakana/Bibit C. Kwento sa mga Santo/Santa

3. Layunin ay maipalaganap ang Kristiyanismo.


A. Kwento sa mga Santo/Santa B. Kwentong Bayan C. Kakana/Bibit

4. Uri ng kwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Naghahatid ng


mahahalagang mensahe at aral sa buhay.

A. Pabula B. Alamat C. Parabula

5. isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa.


Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

A. Alamat B. Pabula C. Parabula

6. Salaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng


mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

A. Parabula B. Alamat C. Pabula

7. nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa o mga pangyayaring kapupulutan


ng mga aral sa buhay.

A. Anekdota B. Parabula C. Alamat

8. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

A. Tagpuan B. Tauhan C. Banghay

9. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay

10. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

A. Tauhan B. Banghay C. Tagpuan

11. Kung saan at paano nagsimula ang kwento.

A. Saglit na Kasiglahan B. Panimula C. Tagpuan

12. Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.


A. Kasukdulan B. Saglit na Kasiglahan C. Kasukdulan

13. Dito na nangyayari ang problema sa kwento.

A. Saglit na Kasiglahan B. Kasukdulan C. Kakalasan

14. Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.

A. Kasukdulan B. Kakalasan C. Panimula

15. Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

A. Kasukdulan B. Wakas . C. Kakalasan

16. Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

A. Saglit na Kasiglahan B. Kaisipan C. Panimula

17. Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.

A. Tunggalian B. Suliranin C. Kasukdulan

18. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao
laban sa kalikasan.

A. Paksang Diwa B. Tunggalian C. Saglit na Kasiglahan

19. Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

A. Tunggalian B. Paksang Diwa C. Kaisipan


V. Takdang – Aralin:
a. Magsaliksik ng isang kwentong bayan ay ibigay ang mga aral na napulot
rito.

Inihanda ni:
Dinryl Smith
BSEd Fil 3

You might also like