Week 30 - Fil7

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Week 30: May 10 - 14, 2021

I. Pinakamahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


• Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan
• Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna

II. Aralin
• Mga uri ng pangungusap
• Ibong Adarna
Ano ang Pangungusap?
Ang Pangungusap ay grupo ng
pinagsama-samang mga salita ay may
mensahe o diwa. Ito ay may simuno
(subject) at panaguri (predicate).
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol
sa isa o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
• Ang luto ni nanay ay masarap.
• Malapit ang simbahan sa bahay namin.
• Marami ang manonood ng pelikula.
• Ang ibon ay lumilipad.
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay.
Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
• Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa?
• Malayo ba ang palengke dito?
• Ilan kayo ang papunta sa bahay?
• Umuulan ba sa labas?
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang
tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o
salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
• Pakiligpit ng kalat sa sahig.
• Pakisara ng pinto.
• Kunin mo ang salamin ko sa kwarto.
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o
nagpapakita ng damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam
(!).
Halimbawa:
• Naku! Nahulog ang mga itlog.
• Takbo!
• Sa wakas! Natapos din.
Don Pedro - Siya ang panganay
na anak ni Haring Fernando. Sa
tatlo, siya ang pinakamacho ang
katawan at kaiman ang
postura.Tinaksilan niya ang
kanyang kapatid dahil sa
selos.Magiging asawa niya rin si
Princesa Leonora.
Don Juan - Siya ang bunsong anak ni
Haring Fernando. Sa tatlo, siya ang
pinakamahal ni Don Fernando dahil siya
ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal
rin ni Don Juan ang mga kapatid
niya.Siya din ang nakahuli sa Ibong
Adarna.Magiging asawa niya naman si
Princesa Maria Blanca.
Don Diego - Siya ang
pangalawang anak ni Don
Fernando at Donya Valeriana. Sa
tatlo, siya ang pinakatahamik.
Lagi siyang sumusunod sa mga
utos ni Don Pedro.Magiging
asawa niya rin si Princesa Juana.
Haring Fernando - Siya ang hari ng
Berbanya. Asawa siya ni Reyna
Valeriana.Mayroon siyang tatlong
anak,sina Don Juan,Don Pedro at Don
Diego.Siya ang nagkasakit dahil sa
kanyang masamang panaginip.Ang
tanging lunas lamang sa kanyang
sakit ay ang awit ng Ibong Adarna.
Reyna Valeriana - Si Donya
Valeriana ay ang asawa ni Don
Fernando.Siya ang reyna ng
Berbanya.Anak niya sila Don
Juan,Don Diego at Don Pedro.
Kinala ng ibang tao na siya ay
mabait at maganda.
Ibong Adarna -
Ito ang tanging ibon na
nagpagaling sa sakit ni Don
Fernando.Siya ay dumadapo sa
Piedras Platas na nasa Bundok
Tabor.Itinuturing niyang si Don
Juan ang nag mamayari sa kanya.

You might also like