Professional Documents
Culture Documents
F3 Q3 M1 Sanayang-Papel
F3 Q3 M1 Sanayang-Papel
F3 Q3 M1 Sanayang-Papel
Bilang 1 Kuwarter 3
A. Balikan Mo!
Nababasa mo na ba ang mga salitang may
tatlong pantig pataas, klaster, salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang bigkas at salitang
hiram? Muli nating subukin ang iyong kakayahan.
Basahin ang sumusunod na mga salita:
pinuno plato pala candy
kahulugan braso basa toothpaste
tambalan prito paso notebook
B. Pag-aralan Mo!
Tambalang Salita na Nananatili ang Kahulugan
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang
magkaibang salita na pinagsama o pinagtambal
upang makabuo ng isang salita lamang.
May mga tambalng salita na ang kahulugan ng
dalawang salita ay nananatili at hindi nagbabago.
Halimbawa: hugis-puso, labas-pasok, at tabing-
dagat.
Pag-aralan natin ang tambalang salitang
“hugis-puso”. Ang mga salitang “hugis” at “puso” ay
tumitindig sa sariling kahulugan. Kahit pagsamahin
ang mga ito ay tumutukoy pa rin sa “hugis na
korteng puso”.
Narito pa ang ilang halimbawa:
isip-bata anak-mayaman
bahay-kubo balik-aral
abot-kamay lamang-dagat
hugis-bilog tubig-alat
C. Pagsanayan Mo!
Panuto: Piliin sa kahon ang titik ng tambalang salita
na isinasaad ng bawat larawan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
a. punongkahoy c. silid-tulugan
b. tubig-alat d. tulog-mantika
1. 2.
https://tinyurl.com/yn8cjfjq https://tinyurl.com/o877reqk
E. Pagtataya
Panuto: Pagtapatin ang tambalang salita sa Hanay
A at ang kahulugan nito sa hanay B. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____1. silid-aralan a. tubig na pinaghugasan
ng bigas
____ 2. hugas-bigas b. pinuno ng mga guro
____ 3. punongguro c. kuwartong aralan ng mga
mag-aaral
____4. doble-ingat d. mesa
____5. hapag-kainan e. nag-iingat na mabuti
https://commons.deped.gov.ph/documents/a67ac5d0-b957-
4424-a743-ea34695a3f8b
https://tinyurl.com/5gamus54
https://tinyurl.com/yn8cjfjq
https://tinyurl.com/o877reqk
Inihanda ni :
EFIPANIA B. SIERRA
Guro III, Manunulat
Tara Elementary School,
Sipocot South District,
Camarines Sur,
Rehiyon V