Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BAGONG EDUKASYON

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Ano nga ba ang


kaugnayan nito sa ating kinabukasan?
Sa araw araw nating pamumuhay mula paggising ng
umaga hanggang matapos ang buong araw di natin
maitatangi na tayo ay minsan napapatanong kung ano nga
ba ang kahalagahan ng edukasyon…

Maraming nagsasabi “ang kabataan ang pagasa ng bayan”


at “ kabataan ang babangon sa kahirapan” ngunit mahirap
isipin na mas marami sa mga kabataan ngayon ang hindi
nakapagaral at hindi makapagtapos ng pagaaral dahil sa
ibat ibang dahilan. Ang isa sa pinakadahilan ay ang
kinakaharap natin ngayong pandemya. Dahil sa
nakakamatay na covid 19 maraming bagay ang nagbago
kabilang na ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Ang ating mga pamahalaan at ang kagawaran ng
edukasyon humanap ng paraan upang may matutunan pa
rin ang mga magaaral. Mula sa face to face classes
ngayon ay blended learning gamit ang mga modyuls at
online classes. Noong buwan ng Agosto ng ipatupad ng
kagawaran ng edukasyon ang pagbubukas ng klase,
napaisip ako kung ako ba ay mageenroll dahil negative
agad ang pumasok sa isip ko na baka hindi ko kayanin
ang bagong sistemang ito dahil walang internet
connection at gadgets na number 1 na kailangan mo.
Paano nga ba nagbago ang nakagawain ko bilang isang
magaaral ngayon sa bagong sistema ng edukasyon?
Bilang isang magaaral masasabi kong hindi ako sanay sa
bagong sistemang ito ngunit kailangan kong magpatuloy
sa agos ng buhay. Napili ko itong online class o blended
learning dahil kung makakapakinig pa rin ako sa mga
guro na handang magturo kahit na nasa ganitong sistema
ay makakapagtapos ako at matutupad ko ang pangarap ko
kahit nasa ganitong kalagayan. Dahil ang edukasyon ang
magiging solusyon sa kahirapan kahit napapagod,
napupuyat,nagkakaroon ng problema sa internet kailangan
natin itong pahalagahan kahit na ito ay modular o online
man na paraan. Nakakatuwang isipin nga na kahit sa
kabila ngn hirap na ating nararanasan nmgayon tayo ay
nagpapatuloy at may natutunan. Ito ay malaking
kasiyahan para sa ating magulang na tayo ay
makapagtapos kaya kahit sila ay nagpupursigido. Tayo ay
makiisa sa pagtitiis ng ating mga magulang, mga guro,
mga organisasyon at kagawaran ng edukasyon dahil
palagi natin tatandaan na ang edukasyon ang
magpapahubog sa ating isipan, edukasyon ang
magpapatayo sa ating mga paa. Hindi magiging hadlang
ang pandemya upang tayo ay magpatuloy aniya nga nila “
kung gusto mo may paraan kung ayaw maraming dahilan”
huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga
pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama-sama
nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong
makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa
ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na
inaantay ng ating bayan. Sapagkat tayo ang
tinaguriang pag-asa ng bayan.

You might also like