LP - Filipino Detailed

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Nikki Mae J.

Alforte Asignatura/ Baitang: Filipino – 1

MASUSING BANGHAY SA FILIPINO – 1

I. Mga Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ng ika-unang baitang ay inaasahang:
A. Maipaliwanag ang kahulugan ng pandiwa.
B. Matukoy ang tatlong aspekto ng pandiwa.
C. Matalakay ang tatlong aspekto pandiwa.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pandiwa at ang tatlong aspekto nito.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 1 Ikalawang Edisyon alinsunod sa K-12 Kurikulum
Kagamitan: whiteboard, whiteboard marker, laptop, prodyektor
Estratehiya: Interaktibong Pagkatuto

III. Proseso ng Pagkatuto:

GURO MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

Magandang Umaga, mga bata! Magandang Umaga po, Binibini!

2. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa Opo, Madam.


panalangin. Ako muna ang (Nanalangin ang mga mag-aaral sa pangunguna ng
mangunguna sa panalangin. kanilang guro).

3. Pag-aayos ng silid- aralan

Bago kayo umupo ay pulutin muna


ninyo ang mga kalat na nasa paligid.
Itago na muna ito at mamaya
pagkatapos ng klase ay itapon sa
basurahan. Isaayos niyo rin ang
inyong mga upuan.

4. Pagtala ng Liban

Maupo ng maayos mga bata. Tignan


ang katabi kung lumiban ba sa klase o
hindi.

B. Pagganyak
(Magpaparinig ng awit tungkol sa
salitang kilos o pandiwa)
Opo!
Pamilyar ba sainyo ang awit na ito?

C. Pag-uugnay
Kantahin natin ang awit na ng sabay-sabay.
Tayo’y tumayong muli.

Tanungin ang sarili;

“Ano kayang mga kilos ang narinig sa Tumatakbo! Lumalakad! Sumasayaw! Kumakanta!
kanta?”
Kumakain!
D. Paglalahad

Ang ating talakayan sa araw na ito ay


tungkol sa mga salitang nagpapakita ng
kilos. Aalamin din na natin ang tatlong
aspketo nito.

(ipapakita ng guro ang layunin ng paksa.)

E. Pagtatalakay
Opo!
Base doon sa mga ibinigay niyong
halimbawa mula sa kanta, alam niyo na ba
kung ano ang ibig sabihin pandiwa? Mga salitang kilos po!

Unang Katanungan:
Ano ang ibig-sabihin ng pandiwa?

Magaling! Ang pandiwa ay ang mga


salitang kilos.
(Magbibigay ng halimbawa ang estudyante.)
Ikalawang Katanungan:
Bukod sa narinig ninyong kanta na may
mga salitang kilos, sino ang makakapag-
bibigay pang dalawang halimbawa ng
pandiwa?

Mahusay!
(Sasagot ang boong klase)
Ikatlong katanungan:
Ngayon, alam niyo ba na merong tatlong
aspekto ang pandiwa?

Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay:


Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo

Perpektibo – salitang kilos na naganap na o


natapos na.

Halimbawa: Tumakbo, Tumalon. (Magbibigay ng sagot ang natawag na estudyante.)


(Tatawag ang guro ng isang estudyante para
magbigay ng halimbawa ng salitang kilos
na perpektibo.)

Tama ang iyong kasagutan.

Dumako naman tayo sa pangalawang


aspekto ng pandiwa; ang imperpektibo.
Ang imperpektibo ay mga salitang kilos na
nagaganap pa lang.

Halimbawa: Nanunuod. Tumatawa.

Ang pangatlong askpekto naman ng


pandiwa ay kontemplatibo. Ito ay ang
salitang kilos na magaganap pa lamang.

Halimbawa: Maglilinis. Magluluto.


IV. Ebalwasyon:

A. Bilugan ang salitang kilos.

B. Tignan ang
mga salitang may
diin at salungguhit.
Isulat sa
patlang ang N-
naganap,
NG- nagaganap,
M- magaganap.

__________1. Umiiyak ang batang malungkot.


__________2. Si Tina ay nadapa.
__________3. Dadalhin siya sa ospital.
__________4. Kakausapin nila si Dr. Garcia.
__________5. Ang pamilya ni Ana ay magbabaksyon sa Abril.

V. Takdang- Aralin:

Sagutan sa aklat Pluma – 1 Tiyakin Natin p. 280-281 (1-5)

You might also like