Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

“Tapat ang Diyos at hindi Niya

ipapahintulot na kayo’y subukin


nang higit sa inyong makakaya.”
1 Mga Taga-Corinto 10:13

Manalangin tayo…
Pambungad na
pagbati
Tuntuning Birtwal
• Subukin ang teknolohiyang
gagamitin bago magsimula
• Magsuot ng naaayong
kasuotan (wastong uniporme)
• Isaalang-alang ang iyong
background
• Limitahan ang mga bagay na
maaaring makagulo o
makaabala
• Ituon ang tingin sa kamera
• I-mute ang mikropono kung
hindi kinakailangan
Tuntuning Birtwal
• Iwasang dalhin ang cellphone o
laptop sa palikuran
• Aktibong makilahok sa
talakayan
• Iwasang makipag-chat habang
nasa talakayan
• Laging sumusunod sa tamang
oras
• Maging tapat
Matapos ang araling ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Nalalaman ang kahulugan ng
pilosopiya;
2. Nailalahad ang unang bahagi ng
pilosopiyang Pilipino; at
3. Nakagagawa ng isang movie review
batay sa pelikulang Jose Rizal 1998.
Aralin 5

PILOSOPIYA AT
TEORYA SA
KONTEKSTONG
FILIPINO
Ano ang pilosopiya?
• Mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan
na maaaring itanong ng sangkatauhan.
• Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong
malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga
tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating
buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na
binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na
gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan.
• Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito
dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit
ang rasyunal na pangangatwiran.
Pilosopiyang Pilipino
(salin mula sa akda ni Rolando M. Gripaldo na may pamagat na “Filipino
Philosophy: a Western Tradition in an Eastern Setting”)

Nag-ugat ang pilosopiyang Pilipino sa kasaysayan ng bansang


Pilipinas. Mula sa kolonya ng mga Espanyol sa loob ng tatlong daang
taon, ng Estados Unidos ng kalahating siglo, at Hapon ng kalahating
dekada, ang mga Pilipino patungo sa huling dekada ng ika-19 na siglo
ay nagsimulang makapangalap ng mga kaisipang mula sa Europa. Ang
mga kaisipang ito ay nakatulong sa rebolusyon ng bansa noong 1896
laban sa Espanya.
Pagkamulat ng mga Pilipino – Unang bahagi
Jose Rizal: Isang repormista
(Pagkamulat ng mga Pilipino)

• Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa


reporma sa Espanya ay ang pagkamulat ng kamalayan ng
mga Pilipino sa kanilang lupain.
• Sa pahayagang La Solidaridad, kanyang inilahad ang mga
solusyon sa problema ng bansa: ito ay ang Karunungan at
Pangangatwiran na kung saan dapat imulat ang mga
Pilipino rito.
• Dapat mapalaya ang kanilang kamalayan mula sa
panatismo, pagkamakasarili, kababaan, at kawalan ng
pag-asa.
Jose Rizal: Isang repormista
(Pagkamulat ng mga Pilipino)

• Dahil sa kakulangan ng karapatan ng mga Pilipino sa


Edukasyon na kung saan ang mga namumuno ay ang mga
prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng isang organisasyon na
magpapamulat sa kaisipan ng mga mamamayan, ang La Liga
Filipina.
• Ang layunin nito ay ang mapag-isa ang arkipelago ng
Pilipinas, mapalago ang pagsasaka at komersyo, magkaroon
ng proteksyon mula sa mga panganib, magkaroon ng
pagtatanggol laban sa karahasan at kawalan ng hustisya, at
pagpapaunlad ng magandang edukasyon.
Jose Rizal: Isang repormista
(Pagkamulat ng mga Pilipino)
• Naniniwala si Rizal na may kakayahan ang isang tao na
mabigyang solusyon ang isang problema. Ang mga
potensyal ng tao ay maaaring maisagawa ng maayos
maliban lamang sa ilang mga pagkakataon dahil sa may mga
hadlang.
• Ang pinakamalaking hadlang sa bansa ay ang kolonya ng
bansang Espanya. Mahalagang makipagsapalaran sa
ganoong sitwasyong kolonyal na kung saan ay kilala sa
kontemporaryong politikal na kaisipan bilang pag-unlad ng
sambayanan.
• Ang sambayanan o civil society ay nasa pagitan ng pamilya
at ng estado, ito ay nagtatangkang mapunuan ang
pangangailangan ng komunidad, meron o wala mang anong
tulong mula sa estado sa pamamagitan ng solidaridad o
pagkakaisa at subsidiaridad o pakikipagtulungan upang
maisagawa ang mga pangunahing layunin ng komunidad
(McLean, 2001).
Jose Rizal: Isang repormista
(Pagkamulat ng mga Pilipino)

• Sa Relihiyon, naniniwala si Rizal sa Agnostic


Deism, ang pananaw na kung saan nilikha ng
Diyos ang buong kalawakan kalakip ang kanyang
mga kautusan at walang makapanghihimasok
dito.
• Ayon kay Rizal, nakikilala natin ang Diyos sa
kanyang kalikasan at sa kanyang budhi, ngunit di
natin nalalaman kung ano ang kanyang totoong
katangian.
Jose Rizal: Isang repormista
(Pagkamulat ng mga Pilipino)
• Ang matagumpay na rebolusyon ay kinakailangan ng mga pinunong militar,
sapat na pondo, armas at bala, sapat na bilang, at may maayos na oryentasyong
pampulitika. Kung hindi man, ito ay mauuwi sa malagim na kamatayan at ang
mga inosenteng buhay, kababaihan, at ang mga kabataan ay maghihirap sa
kapighatian. Ninanais ni Rizal na maranasan ng mamayan ang maayos na
kalayaan o demokratikong pamamaraan upang makamit natin ang tunay na
kalayaan. “A nation can be independent without being free or free without
being independent” (R.A. Gripaldo, 2004). Minsan ding sinabi ni Rizal na, “Bakit
kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?”
Indibidwal na Gawain
• Bumuo ng isang movie review tungkol sa:
• Pelikula: Jose Rizal (1998)
• Direktor: Marilou Diaz-Abaya
• Pangunahing Aktor: Ceasar Montano
• https://vimeo.com/447528805
• Gamitin ang template na ibibigay ng guro
• I-upload ito sa google drive link na naka-pdf format
• Ipapasa ang awtput sa susunod na linggo
PAGLILINAW
Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin,
at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.
Mga Kawikaan 16:3 RTPV05

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong


Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at
tutulungan, iingatan at ililigtas.
Isaias 41:10

Pagpapala!

You might also like